Selosang aktres, mali ang tinalakan

Selosang aktres, mali ang tinalakan

Galit na galit noong araw ang fierce actress dyowa ni matikas na matinee idol sa isang sexy actress na nakasama ng boyfriend niya sa isang TV show dahil feeling nito ay inaakit ni sexy actress ang dyowa niya. 

Pero imbes na ang matikas dyowa niya ang pagsabihan ni fierce actress ay si sexy actress ang pinatikim nito ng kanyang brand of galit. Mega-talak siya kay clueless na sexy actress. 

Walang kaalam-alam si fierce actress na mali ang napagdiskitahan niya ng selos dahil hindi pala si sexy actress kundi ang isang younger upcoming actress ang talagang nataypan ng kanyang matikas ng dyowa. 

Ang tsika pa noon ay madalas tumambay si matikas actor sa tent ni newcomer actress kapag may taping. Ang siste pa, okay na okay daw sa nanay ni newcomer actress ang pagpapa-pogi ni matikas aktor sa much-younger anak niya kahit aware na aware si madir na may karelasyon si matikas actor. 

Natapos din ang sandaling pagka-humaling ni matinee idol kay newcomer girl after magsara ang short-lived nilang teleserye. Ang hindi pa tapos up to now ay ang sama ng loob ni sexy actress kay fierce actress.