Sexy young actress, pinagdududahang tibash

Sexy young actress, pinagdududahang tibash

Mukhang dumarami ang miyembro ng mga Tiboli tribes sa showbiz. Iyan ang isa sa mga gayspeak terms para sa mga lesbiyana. Matapos mag-deny ng isang newcomer na may namamagitan sila ng isa sa mga bini-build-up ng isang network, heto at isa pang newcomer din, from the same network, ang pinagdududadan ngayon ang sexual orientation. 

May isang non-showbiz girl kasi na consistent na lumalabas sa mga social media posts nito at may consistent terms of endearment din silang ginagamit for each other. Tamis-tamisan din kung mag-caption si newcomer actress pag si non-showbiz girl ang kasama sa picture at kapag pinasok mo ang socmed account ni  non-showbiz girl, makikitang may ganting-tamis caption din si non-showbiz girl para kay newcomer actress. 

Sa mga walang gaydar, hindi nila maiisip na lesbiyang si newcomer actress—maganda ito at seksi at isa sa mga pinagpapantasyahan ng mga baguhan ding young actors lalo pa’t mahilig itong mag-post ng sexy pictures. Hindi agad pag-iisipang kalahi din ni eba ang nagpapatibok ng puso nito. In fairness, hindi rin nagpapahuli sa kaseksihan ang pinagdududahang non-showbiz girlfriend ni newcomer actress. 

Hindi pa masyadong sikat si newcomer actress kaya siguro hindi pa siya ganoon ka-ingat sa mga posts nito. O maaari ding hindi talaga niya tinatago. Malalaman natin kapag may nangahas nang magtanong ng mga bagay na ito kay newcomer actress.