Tatlong male young stars, paboritong padalhan ng shirtless selfie ng isang male singer

illustration: Kurl Gutierrez

illustration: Kurl Gutierrez

Mukhang enjoy ang male singer na ito—na produkto ng isang talent show sa TV—sa kanyang mga shirtless selfies.

In fairness kay male singer, makinis at maganda ang pangangatawan niya na alaga sa workout. Mga selfies pa naman niya ay kung hindi siya pawisan sa gym, basa naman siya dahil lumublob siya sa swimming pool. In short, pang-thirst trap sa mga girls at beki sa social media. 

Ang nakakagulat lang na tsika kay male singer ay kung kanino niya pinapadala ang kanyang mga shirtless selfies. 

Ayon sa isang source, sine-send daw ni male singer ang sexy selfies niya sa tatlong male young actors via private messaging.

Hindi raw ma-gets ng tatlong boys kung bakit kailangan ipadala ni male singer ang shirtless selfies niya sa kanila?

Nang minsang magkita-kita ang magbabarkadang boys dahil nagkaroon sila ng three-day lock-in taping, nalaman nilang pinadalhan silang tatlo ni male singer ng shirtless selfies nito.

Kilala naman daw nila si male singer na nakasama na nila noon sa mga out of town shows bago magkaroon ng pandemya kaya ’yung nag-exchange text message sila ay normal, pero yung mag-send ng sexy selfie ay ibang usapan na.

Nang tanungin ng isa sa mga boys si singer via DM kung bakit nag-send ito ng pawisang selfie sa gym, sagot lang daw ni male singer ay “WALA LANG” with matching wink emoji.

Ayaw naman daw pag-isipan ng masama ng three boys ang ginawang iyon ni male singer. Nagiging pilyo lang daw siguro ito o humihingi lang compliment sa pagiging maalaga nito sa katawan.

Pero may chismis nga kasi sa sexuality ni male singer. Na mas enjoy daw ito sa company of boys kesa sa girls.

Still, ayaw bigyang malisya ng tatlong boys ang selfies ni male singer. Friendly lang daw siguro ito na mahilig lang mag-share ng photos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

User-friendly na, fake sosyalera pa

Rich girl ang solusyon ni kuya para sa naghihirap na kapatid

Diehard fans ng beteranang aktres, walang takot mahawa at makahawa ng COVID-19

Asking price ng aktres, ikinabaliw ng producer

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.