TF ni voluptuous star, laging kina-iinsekyuran?

TF ni voluptuous star, laging kina-iinsekyuran?

Madalas ka-insekyuran noong araw ang voluptuous aktres na ito. Sikat na sikat kasi si aktres noong araw at pinag-aagawan ng mga TV networks.

Nang mapunta siya sa isang TV network at binigyan ng hosting job, marami ang nagtaas ng kilay dahil wala naman umano itong experience sa pagho-host.

Pero ang pinaka-mataas ang kilay at that time ay isang actress-TV host na matagal ng resident actress/host ng network na kumuha kay voluptuous actress.

Naloka nalang si voluptuous actress na cold ang treatment sa kanya ni actress/TV host.

Nang mag-research si voluptuous actress, nalaman niyang naimbiyerna si actress/TV host nang malamang mas malaki ang talent fee ng bagong-saltang si voluptuous actress kesa sa kanya samantalagang mas matagal na siya sa network at di hamak umanong mas bihasa siya sa hosting.

Ipinagkibit-balikat nalang ni voluptuous actress ang kimkim na inggit ni actress/TV host. After all, hindi naman niya kasalanan na mas mataas ang bayad sa kanya. Pero up to now ay naka-tatak sa utak ni voluptuous actress ang pagka-insekurada ni actress/TV host.

Fast forward to today.

Muntik nang mauulit ang sitwasyon pero ibang aktres na ang involved sa k’wento.

May ginawang bagong proyekto si voluptuous actress at isang former sexy actress na angat din sa iba noong panahon niya.

Pero dahil mas naging visible lately si voluptuous actress at may recall sa tao kaya mas malaki rin ang naging TF nito sa pinagsamahan nilang project.

Kilalang fierce din si former sexy star at p’wedeng hindi ito pumayag kung nalaman niya na mas angat ang TF ni voluptuous star kesa sa kanya. Buti nalang at tapos na ang project at tila hindi naman nabisto ni former sexy star ang discrepancy ng presyo sa respective pay slips nila.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.