TV host na pa-asa sa biyaya, di na siniseryoso ng staff

TV host na pa-asa sa biyaya, di na siniseryoso ng staff

Tawag ng staff sa TV host na ito ay “echosera” dahil taon-taon raw ay kukunin nito ang address at number ng staff ng show at may ipapadala raw itong gift.

Pero natapos na ang lahat ng okasyon para sa taong iyon, wala naman daw itong naipapadala.

Sey ng aming source: “Naku echoserang mangreregalo yang si TV host. Every year, uutusan niya ang P.A. niya for our address and number. Binigyan na nga siya ng print out, e. Pero guess what? Walang dumarating! 

“Kaya every year na magsabi siya na may regalo siya sa amin, di kami umaasa kasi alam naming echosera siya.”

Minsan daw ay hiningi pa ni TV host ang birthdays ng staff ng show. Pero as usual, natapos na ang kaarawan nilang lahat, kahit hopia o siopao man lang ay walang dumarating.

“Ewan ko ba kung bakit may taong ganyan. Paasa lang. Di sa naghihintay kami ng biyaya mula sa kanya, kaso she makes us feel na genuine ang pagke-care niya. Pero hindi naman pala. 

“Sana huwag na lang siyang umechos sa staff. Echosin na lang niya yung alalay niya,” sey ng source.

Mabuti pa raw yung isang TV host ay sinosorpresa ang staff.

Sey ni source: “Buti pa itong isang TV host, wala siyang patanong-tanong ng address at number namin, pero may pinapadala siya. 

“Tulad noong nakaraang Pasko, wala kaming Christmas party dahil bawal, pero may pinadala siyang pang Noche Buena sa aming lahat. 

“Akala namin galing kay echoserang TV host, pero hindi, galing dun sa isa kaya natuwa kami. 

“At least, di siya echosera. May gawa kesa sa puro salita.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Prepaid talent, tinatamad “magbayad”

Tatlong male young stars, paboritong padalhan ng shirtless selfie ng isang male singer

User-friendly na, fake sosyalera pa

Rich girl ang solusyon ni kuya para sa naghihirap na kapatid

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.