Young actor, madalas ma-cut ni Direk dahil sa pilantik

Young actor, madalas ma-cut ni Direk dahil sa pilantik

Bistado na ng mga staff and crew ng isang teleserye ang tunay na kartada ng isang aktor—na may taglay itong kahinhinan. Pero dahil mabait at magaling makisama, deadma na ang lahat sa nao-observe nila.

Maging ang mga co-stars ni aktor ay ramdam din ang pagkikimkim nito ng tunay na pagkatao. In fact, mukang ang leading lady niya ay more than aware...tila nag-open up na yata si aktor sa kanya dahil matalik din silang mag-kaibigan offcam.

Kaso, dahil nga aware si leading lady, maski siya ay nakakalimot minsan at natatawag niyang “ateh” si aktor. At pag maging sa biruan ay nag-i-slip si leading lady. Wagas daw kung maghagikgikan ang dalawa pero hindi dahil sa extended ang lover’s chemistry nila offcam, kundi sisters na sisters ang turingan nila.

Kaso, si direk ang nahihirapan. Marami raw kasing instances na halatado on-cam ang lamya ni aktor. As in pumipilantk daw ang mga daliri sa mga eksenang dapat ay nagpapakilig sila.

Ang drama nalang ni direk, ika-cut niya ang eksena ay kunwari ay may gusto siyang ipadagdag. Patay-malisya nalang si direk at mga production staff na kahit hindi mag-usap-usap ay alam kung bakit nag-cut si direk.

Pero hindi maiwasang may ma-emoytan si direk na naloloka na umano siya sa kalamyaan ni aktor. Humahaba kasi ang taping dahil sa retakes. Loveteam chemistry kasi ang habol ni direk sa mga eksena pero ang nakikita niya sa camera niya ay sisterhood.

In fairness, ang galing ni direk mag-alaga, ha. Dahil hindi nahahalata ng viewers at patuloy na naging very successful ang show na ang pundasyon ay ang loveteam na ito na sisterettes behind the camera.

MORE PIK­A­BOO:

Bong­gang pro­ject ni male star, hindi na matu­tu­loy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Fe­male celeb, naisa­han ng dyowa?

Celebrity mom, nawin­dang nang madiskubreng naka­pag­bukas ng malalaswang pic­tures sa In­ter­net ang anak na Grade 1

Promis­ing male tal­ent, tu­manggi sa isang ma­g­a­n­dang role para lang maka-iwas sa lead male tal­ent

Singer-politi­cian, nabigo ang pag-epal

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.