Young actress, nangalawang ang acting matapos mag-hiatus

Young actress, nangalawang ang acting matapos mag-hiatus

Dismayado daw ang director ng isang malaking teleserye sa idine-deliver na acting ng isang nagbabalik-TV screen na young star.

Nag-hiatus kasi ang nasabing young star for personal reasons kaya matagal itong nabakante sa acting.

In fairness, nabigyan na ng magagandang breaks ito sa showbiz. Nakapagbida na both in movies and on films at naka-deliver naman.

Pero hindi bilib ang director ng teleserye.

Baka daw hype lang noon ang kunwa’y pagiging magaling ng aktres. Bakit daw ngayon na nabigyan muli ito ng magandang break ay kulang sa delivery ang young actress.

“Walang gravitas” ang description umano ng director sa acting ni young actress, meaning walang bigat, which is in great contrast sa umano’y ipinapakita ng isang baguhan lang in the same teleserye. Marahil daw ay uhaw pa ang baguhan kaya’t ganado acting ang pinapakita nito.

At dahil nga hindi satisfied ang director, iniuutos nalang umano sa mga camera men na wag bigyan ng closeup ang nagbabalik-acting na aktres dahil hindi nito makuha ang facial expressions na gusto ng director.

Dahil dito, may nagtanong umano kay Direk kung bakit nila pinili ang young star for the role na supposedly ay important sa istorya?

“Ewan ko. Sila ang pumili diyan. Hindi naman ako kasali,” say daw ng direktor na ang tinutukoy ay ang TV management.

Baka naman dahil hindi siya ang binebentang main bida ng show kaya walang gana umakting ang young actress? Pero ang tanong ng marami, bakit niya tinanggap kung hindi bukal sa puso niya?

Say pa ng isa, p’wede naman niyang lamunin si newcomer kung gugustuhin niya lalo pa’t markado ang role niya.

Pero lumalabas na si newcomer ang lumalamon sa kanya.

Senyales daw kaya ito na babu na talaga siya sa bida roles?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.