EXCLUSIVE! Alden Richards and Bea Alonzo, sasabak na sa matinding dramahan
by Anna Pingol /
03.02.21
Like
Photos: Melo Balingit & Anna Pingol
Kapwa excited sina Alden Richards at Bea Alonzo sa mapang-hamong project na ito kaya kahit patung-patong daw ang pressure ay raring to shoot na sila. Naka-laan na raw ang buong March nila to shoot pero bukod sa shooting ay wino-workshop muna sila ni Direk Nuel Naval (the same director of the blockbuster hit, Miracle in Cell No.7) to guide them on how to attack their roles.
Kaninang umaga, March 2, ay ginanap sa isang pribadong venue ang contract signing para sa pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo.
Tatlong malalaking entertainment forces kasi ang nagsanib-sanib para maisakatuparan ang dream project na ito—ang GMA Pictures, ang APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, at ang Viva Films na siyang may-ari ng rights ng franchise ng Pure Soul, ang Japanese drama series na ia-adapt into movie ng mga nabanggit.
Nagwo-workshop nang kasalukuyan sina Alden at Bea under Direk Nuel Naval at itong buwan ding ito ay magsisimula na silang gumiling.
Another level up para kay Alden ang role niya dito dahil first time siyang gaganap ng may asawa at si Bea pa ang kapareha na dating pinapangarap lang niyang maka-trabaho.
Si Bea, for her part, ay “anxious and nervous but very excited” ang description sa nararamdaman niya sa ngayon. Slightly pressured daw siya dahil adaptation ang gagawin nila at alam daw niyang maraming Pinoys ang true-blooded K-Drama fans (in-adapt din kasi ng South Korea ang Pure Soul at tinawag namang A Moment to Remember).
Hoping ang Viva, APT, at GMA na mag-start nang mag-normalize ang buhay para maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang ito dahil it’s the kind that deserves a big-screen viewing.
Samantala, narito ang ilang exclusive patikim sa Alden-Bea tandem... ang aming special coverage ng kanilang contract signing kaninang umaga.
Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this
site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.