Khrystine Reign Flor: The fiesta singer who’s meant for bigger stage

Two years old palang daw si Khrystine Reign Flor ay kumakanta na siya, ayon sa k’wento ng mama niya. Born performer, kumbaga.

 

“Ang hilig ko daw pong humarap sa mga pinapa-play ni mama na music then sumasabay ako doon sa kanta,” k’wento ng mahiyain pero halimaw kung kumakantang dalaga ng Tagum City, Davao.

Hindi na nakapagtataka na at an early age, naging raket na niya sa Tagum ang pagkanta. Nag-ge-guest performer daw siya sa mga fiesta for a fee at kumakanta rin sa mga kasalan. Literal na she skipped singing contests. 

 

“Kasi ang hirap po kasi kapag amateur singing contest kasi may makakalaban pa ako,” natatawang k’wento pa ng 21-year-old Davaoeña beauty. “Pag mga guesting [sa fiesta], wala akong kalaban, sarili ko lang. Haha!”

 

Kailangan daw niyang gawin ‘yon para makatulong sa gastusin ng pamilya.

 

“Kahit konti may mabigay po ako sa kanila.”

Naging magandang training ground naman ito for Khrystine. Nahasa na siya nang nahasa sa pagpe-perform in front of a big audience.

 

Pero iba pa rin daw pala pag competition na—at on national TV at that.

 

Kabang-kaba daw siya sa unang salang niya sa Born To Be A Star (BTBS).

 

“Dahil madami pong magagaling,” lahad niya.

 

At mas nadadagdagan daw ang kaba niya pag napapatingin siya kay Star Agent Katrina Velarde.

 

“Dahil po kasi ’yong genre niya po, genre ko din,” esplika ni Khrystine. “Parang kasi magaling po siya, iniisip ko po baka [mabutasan niya ako]. Basta, natatakot po ako sa kanya. Haha!”

 

Nilabanan ni Khrystine ang lahat ng takot. Inspirasyon daw niya kasi ang kanyang mamang may sakit sa puso at gusto niyang maipagamot. Pero dahil magaling, isa nga si Khrystine sa humantong sa Top 6 finalists.

 

Looking back, biggest risk daw para sa kanya ang pagsali niya sa BTBS, hindi lang dahil isa itong challenging competition kundi dahil kinailangan niyang mag-uproot from Davao sa panahon ng Covid-19 pandemic.

 

“Nagpaalam pa po ako sa mayor [namin],” pagre-recall ni Khrystine. “Nagdalawang-isip pa po siya [na payagan ako] kasi baka daw [mahawa ako].”

But so far, Khrystine is not only Covid-free, kundi ninanamnam ang victory kasama ng kapwa Top 6 finalists. Hindi man naiuwi ang grand superstar title, 

Kasama naman siya na nai-sign up ng Viva bilang new artist. 

 

And who knows what new doors might open for this talented young lady?

RELATED STORIES:

Jeica Dimatactac, star chaser no more

Mico Hendrix Chua, the accidental rock star

Born To Be A Star host Matteo Guidicelli, bilib sa “judging” skills ni Janine Teñoso

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.