Magbabangayan to the bardagulan level ang dalawa sa pinaka-palabang aktres in Philippine showbiz sa bagong comedy series na Kalye Kweens, na mapapanood na mula Oktubre 1 at eere tuwing Sabado, 8:30pm sa TV5, at tuwing Linggo, 8:00pm sa Sari Sari Channel.
Pinagbibidahan ng mga beteranang aktres na sina Ms. Alma Moreno at Ms. Dina Bonnevie, tampok sa Kalye Kweens ang mga relatable at realistic scenes tungkol sa nakakatawang rivalry ng dalawang babae, dalawang pamilya, at dalawang komunidad.
Magbibigay rin ito ng nostalgic vibes dahil sa TV comeback nina Dina at Alma, kasama sina Marissa Delgado, Jeric Raval, Jojo Abellana, Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, Jairus Aquino, Vitto Marquez, Aubrey Caraan, at Lyca Gairanod.
Directed by Temi Cruz Abad, ang Kalye Kweens ay tungkol sa dalawang magkababata na si Mandy (Alma Moreno), ang Homeowners’ Association President ng Altaville; at Telly (Dina Bonnevie) na Kapitana naman ng Kapit-bisig. Mag-bestfriend ang dalawa nu’ng mga bata pa sila pero nasira ang kanilang closeness nang manalo sa lotto ang tatay ni Mandy at lumipat ang pamilya nito sa middle-class subdivision na Altaville.
Bukod sa class difference na bunga ng kanilang paghihiwalay, nag-init ang tensyon sa dating magkaibigan nang pakasalan ni Telly ang ex-boyfriend ni Mandy na si Roy (Jeric Raval).
Mas lalo namang iigting ang conflict sa dalawang magkalapit ng komunidad, ang Altaville at Kapit-bisig, nang ipag-utos ng San Diego LGU na gawing public passageway ang intersecting streets ng Calachuchi (sa Kapit-bisig) at Lavender (sa Altaville). Bilang mga leader ng kani-kanilang komunidad, gagawin lahat nina Mandy at Telly para maprotektahan ang kani-kanilang teritoryo sa abot ng kanilang makakaya.
Abangan ang riot na bardagulan sa Kalye Kweens, simula ngayong Oktubre 1 at tuwing Sabado sa TV5, 8:30pm pagkatapos ng Oh My Korona, at tuwing Linggo ng 8:00pm sa Sari Sari Channel (available sa Cignal Channel 3, SatLite Channel 30 at Cignal Play).
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official social media pages ng TV5 at Sari Sari Channel.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber