Lotlot de Leon at asawang si Fadi, pinasok ang pagma-manage ng basketball team

PHOTOS: Instagram

PHOTOS: Instagram

Bukod sa Lebanese restaurant nila ng kanyang asawang si Fadi El Soury sa Parañaque at pre-cooked specialty dishes delivery business niya ay pinasok na rin ni Lotlot de Leon at ni Fadi ang pagma-manage ng isang buong basketball team na pinangalanan nilang Quezon City or QC Defenders na sasabak sa regional  amateur league na NBL o National Basketball League.

“It was offered to us,” panimulang k’wento ni Lotlot na nakatsikahan namin sa pa-meet-and-greet nila sa kanilang mga players. “Kasi si Diego kasi was a member the management before—hindi ko na nga sasabihin ’yong name niya before—but it was offered to us. 

“And since alam ko ’yong parang struggles ni Diego in being part of a team, noong na-offer sa amin, ‘Why not?’ Para at least, matulungan naman namin ’yong mga bata, hindi lang si Diego. Kundi ’yong mga talagang gusto nilang gawing career ’yong paglalaro ng basketball.”

Ang Diego na tinutukoy niya ay ang guwapong only boy nila ng dating asawa na si Moching Gutierrez. High school palang kasi ay naging part na ito ng varsity team, hanggang college. At dahil napaka-hilig nga sa basketball, kaya kahit ang daming pumipilit mag-artista ito ay deadma si bagets dahil focused na focused ito sa dream niyang maging pro basketeer.

Lotlot’s handsome son Diego Gutierrez will be wearing QC Defensers Jersey No.8

 

Two months ago palang daw nang ipasa sa kanila ang pagma-manage ng team kaya nangangapa-ngapa pa rin silang mag-asawa. 

QC Defenders ang napagkasunduan nilang ipangalan sa team, bilang tribute daw sa mga defense institutions na pawang namang naka-himpil sa QC

“Bawat city kasi pinapangalan nila ’yong team na may kaugnayan doon sa city since Quezon City,” esplika ni Balot (isa pang palayaw ni Lotlot). “Dito nakalagay ang Crame, ang AFP, PNP...sabi namin why don’t we call it QC Defenders? Kasi dito naka-base ’yong mga kampo natin, who are of course defenders of our country diba? And tapos nasa Quezon City sila so what better name to call it than of course Quezon City Defenders?”

In all, they have 20 kids or players sa team, with ages ranging from 18 to 29.

“They’re all homegrown from Quezon City,” says ni Balot. “Kasi ang NBL ang ini-establish niya, ang p’wede lang maglaro talaga per city is kung sino ’yong pinanganak do’n sa city ’yon. So, lahat ng players namin talagang are really homegrown and they’re really from Quezon City.

“Nagpa-try outs kami tatlong beses hanggang sa na-cut down namin into 20 players. Tapos, of course, ’yong head coach namin is the husband of my sister, Matet, si Coach Mickey Estrada because si Mickey used to also be a basketball player... nag- Mapua siya, and then nag-UP... if I’m not mistaken. Yeah, parang gano’n. So, sabi namin, ‘Ba’t hindi nalang si Mickey kasi I trust that Mickey will be able to help out the kids the best way he knows how.’”

 

The QC Defenders’ incomplete team members is led Diego Gutierrez (seated, leftmost). The rest of the team include: Bryan Cabrera, Enzo Battad, Normel Delos Reyes, Nikko Lazo, Joshua Roque, Joshua Bringas, Mj Enriquez, Christian Diaz, Nikko Lao, Mark Puspus, Bryan Nabayra, Dave Torregoza, Jr Barde, 
Peter Cecilio, Jeff Comia, Adzhar Udjan, Jake Bagon, Patrick Boffa, Edric Estacio

 

Tutok daw silang mag-asawa sa mga bata ngayon, sabi ni Lotlot. Especially daw ngayon na wala pa siyang bagong teleserye. Talagang bumababad daw siya sa three-times-a-week training ng mga ito na tigta-tatlong oras per alternate day. Biniro namin siya na baka isang araw, pati pagko-coach ay pasukin na niya.

“Hahaha! Baka mamaya, ako na yong nasa gitna!”

“Nakatutok kami sa kanila,” Balot goes on. “We’re there every training, making sure that the kids have what they need, na naaalagaan sila...and so far, everybody’s happy. We’re happy, the kids are happy... I think that’s the most important thing naman e, aside from ’yong s’yempre meron kaming team, parang nagiging pamilya na rin kami. So, it’s doing good.”

Magiging mas masarap daw siguro sa pakiramdam nila kung ilan sa mga bata ay makatungtong nga sa pro league someday.

“S’yempre ang gusto naman nila eventually is mapabilang talaga sa professional league. So, hopefully ito ’yong stepping stone nila para marating ’yon.” 

When asked kung may alam ba siya sa basketball bago niya pinasok ang pagma-manage ng isang team...

“Oo kaya! Favorite ko si [Robert] Jaworski! Hahaha!” seryosong biro niya. “Oo, s’yempre. I think basketball is a part of the Filipino life, e. ’Yan talaga ’yong alam na alam nating sport. So, I’m a fan of ’yon na nga, basketball players also. S’yempre mga kilala, mga kaibigan natin sila Benjie [Paras], ’yong mga kaedaran na rin natin. Pero noon palang, kahit noong bata pa ako, naririnig ko na sila Jaworski, sila Atoy Co...”

 

The teams’s head coach is Mickey Estrada (seated), to be assisted by Don Zamora, James Garcia,
and Jeff Martin.

 

So far, mukang enjoy na enjoy naman si Lotlot sa bagong nilang propesyong mag-asawa.

“Parang dumami bigla anak ko,” natatawang sabi niya. “Sobra kasi parang nakikita mo sila and nakaka-admire kasi you know, ito namang mga batang ito e, talagang they’re parang ’yong dreams nila they really want to make it reality and we want to be part of that. And we want to make sure na makatulong kami na maging realidad lahat ng mga pangarap nila sa buhay.”

Itong November 16 na ang opening ng NBL, the National Basketball League of Philippines, at kinabukasan, November 17 ay sasabak na sa kanilang unang laro ang QC Defenders team at makakalaban nila ang mga taga-CamSur.

“We’re hoping na ang Quezon City talagang susuportahan itong Defenders team dahil ito ang team nila, ito ang team nating lahat. So, sana makuha po namin lahat ang supporta ng taga-Quezon City,” pagtatapos ni Lotlot.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.