10 Cherie Gil movies you can stream on Vivamax

Namaalam man si Cherie Gil, pero ang kanyang mga pelikula, kunsaan pinakita niya kung bakit siya ang numero unong kontrabidang babae sa Pelikulang Pilipino, ay mananatiling buhay sa mahabang panahon. Sa pamamagitan ng online streaming na Vivamax, mapapanood ang ilang mga pelikulang kinabilangan ni Cherie kunsaan naging kontrabida siya ng mga batikan ding aktres na sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, at Anjanette Abayari. Narito ang ilan sa kanila: Sa Hirap At Ginhawa, Bagets 2, Bituing Walang Ningning, Palimos Ng Pag-ibig, Sana'y Wala Nang Wakas, Jack & Jill; Imortal: Ang Kasaysayan Ng Walang Kamatayang Pag-ibig; Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili; Darna! Ang Pagbabalik; and Para Sa Hopeless Romantic.

Namaalam man si Cherie Gil, pero ang kanyang mga pelikula, kunsaan pinakita niya kung bakit siya ang numero unong kontrabidang babae sa Pelikulang Pilipino, ay mananatiling buhay sa mahabang panahon. Sa pamamagitan ng online streaming na Vivamax, mapapanood ang ilang mga pelikulang kinabilangan ni Cherie kunsaan naging kontrabida siya ng mga batikan ding aktres na sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, at Anjanette Abayari. Narito ang ilan sa kanila: Sa Hirap At Ginhawa, Bagets 2, Bituing Walang Ningning, Palimos Ng Pag-ibig, Sana'y Wala Nang Wakas, Jack & Jill; Imortal: Ang Kasaysayan Ng Walang Kamatayang Pag-ibig; Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili; Darna! Ang Pagbabalik; and Para Sa Hopeless Romantic.

Malaking kawalan sa local entertainment industry ang pagpanaw ng premyadong aktres na si Ms. Cherie Gil

Ang kinikilalang La Primera Contravida ay isang icon na ng Philippine Cinema dahil sa kanyang husay sa pag-arte at naging inspirasyon siya ng maraming baguhan na gustong masundan ang kanyang yapak.

Namaalam man si Cherie, pero ang kanyang mga pelikula, kunsaan pinakita niya kung bakit siya ang numero unong kontrabidang babae sa Pelikulang Pilipino, ay mananatiling buhay sa mahabang panahon.

Sa pamamagitan ng online streaming na Vivamax, mapapanood ang ilang mga pelikulang kinabilangan ni Cherie kunsaan naging kontrabida siya ng mga batikan ding aktres na sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, at Anjanette Abayari. 

May ilang pelikula rin naman si Cherie na hindi siya gumaganap na kontrabida—isang patunay na isa siyang versatile actress.

Heto ang ilang mga pelikula ni Cherie na available for streaming sa Vivamax:

Sa Hirap At Ginhawa (1984)
Pinagbidahan ng loveteam nila Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kuwento ito nina Cecilia at Arnold at ang mga pagsubok na kanilang kinahaharap bilang bagong kasal.

Ginagampanan ni Cherie dito si Karen, ang ex-girlfriend ni Arnold na gustong makipagbalikan kahit kasal na ito kay Cecilia.

ito ang first movie kunsaan nagkontrabida si Cherie kay Sharon.

Kasama rin sa pelikula sina Nida Blanca, Leroy Salvador, Vic Silayan, Marita Zobel, Sandy Andolong, and Ronnie Ricketts.

Mula ito sa direksyon ni Leroy Salvador.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T98200/movie#/


Bagets 2 (1984)
Ang sequel sa highly-successful teen film na Bagets ni Maryo J. delos Reyes na pinagbibidahan nina William Martinez, JC Bonnin, Raymond Lauchengco, Aga Muhlach, at Herbert Bautista.

Ang sequel na ito ay tungkol sa summer adventures ng barkada (minus Aga) at ang mga bagong taong mai-involve sa buhay nila.

Gumaganap si Cherie dito bilang isang workshop facilitator and film buff.

Kasama rin niya dito sina Eula Valdes, Francis Magalona, Ramon Christopher, Jon-Jon Hernandez, Monette Rivera, Cheska Inigo, Claudette Khan, Grace Gonzales, Mariglen Ordonez, Joy Manego, Suzette del Rosario, Abegail Buan, Liza Lorena, Luz Valdez, Mely Tagasa, Lollie Mara, Al Quinn, ang inang si Rosemarie Gil at ang minsang naka-relasyon na si Leo Martinez.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T96707/movie#/


Bituing Walang Ningning (1985)
Hango sa komiks serial ni Nerissa Cabral, kuwento ito ng Sampaguita vendor na si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) na isang die-hard fan ng sikat na singer na si Lavinia Arguelles (Cherie Gil).

Dahil sa tumataas na ambisyon ni Lavinia, hindi na niya priority ang relasyon nito sa boyfriend na si Nico (Christopher de Leon), isang recording industry bigwig.

Nagkataon na nadiskubre ni Nico ang magandang tinig ni Dorina at ginawa niya itong sikat na singer para matapatan ang kasikatan ni Lavinia sa paniniwalang bababa ito sa kanyang trono para maayos ang relasyon nila.

Pero mas minahal na ni Nico si Dorina. Dito tumatak ang pagiging kontrabida ni Cherie at naging iconic na ang linyang binitawan niya na: "You're nothing but a second-rate, trying hard, copycat!".

Mula sa direksyon ni Emmanuel Borlaza, kasama rin sa pelikula sina Jay Ilagan, Chanda Romero, Joel Torre, Lorli Villanueva, Vicky Suba, at Tommy Abuel.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T96434/movie#/


Palimos Ng Pag-ibig (1986)
Mula rin sa komiks serial ni Nerissa Cabral, kuwento ito ng mag-asawang Fina (Vilma Santos) at Rodel (Edu Manzano) na hindi magkaroon ng anak dahil baog si Fina.

Nakilala ni Rodel si Ditas (Dina Bonnevie) na isang baby maker at binayaran niya ito para ipagbuntis ang kanyang magiging anak. Dito na magsisimula ang kalbaryo ng mag-asawa dahil hindi matanggap ni Fina ang anak ni Rodel sa ibang babae.

Hindi kontrabida dito si Cherie bilang si Verna, ang kaibigan ni Ditas na nagpakilala kay Rodel.

Directed by Eddie Garcia, kasama rin sa cast sina Laurice Guillen, Pepito Rodriguez at Ronald Corveau.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T96619/movie#/


Sana'y Wala Nang Wakas (1986)
Isang musical film na tumatalakay sa pagkakaibigan ng tatlong babae na sina Bianca (Sharon Cuneta), Monique (Cherie Gil), at Camille (Dina Bonnevie) at ang ambisyon na sisira sa kanilang singing trio na Friends.

Dahil sa inggit ni Monique kay Bianca, umalis siya sa trio para mag-solo. Nag-solo na rin si Bianca pagkatapos silang magkaroon ng problema ni Camille.

Nagkaroon ng laban sa kung sino kina Bianca at Monique ang magiging pinakasikat. Pero sa gabi ng big concert ni Bianca, muling nabuo ang Friends.

Mula sa direksyon ni Leroy Salvador, kasama rin sa pelikula sina Dindo Fernando, Tonton Gutierrez, Manny Castaneda, Rosemarie Gil, Rez Cortez, at Jeffrey Santos.

https://web.vivamax.net/play/trailer/C00019/movie#/


Jack & Jill (1987)
Mula sa istorya ni Mars Ravelo, tampok sa '80s version ng Jack & Jill sina Sharon Cuneta at Herbert Bautista.

Kuwento ito ng magkapatid na tomboy at bakla na hindi magkasundo. Hanggang sa lumayas si Jill (Herbert) at magpa-ampon sa mayamang pamilya ni Angelo (Edu Manzano). Nataon naman na naging driver ng pamilya ni Angelo si Jack (Sharon) at doon na nagsimula ang panibagong problema ng magkapatid.

Special guest lamang si Cherie dito bilang si Susan na isa sa mga tinatagong girlfriends ng playboy na si Angelo.

Directed by Leroy Salvador, kasama pa sa comedy na ito sina Sylvia La Torre, Jaime Fabregas, Michael de Mesa, Rez Cortez, Ali Sotto, Nena Perez-Rubio, Babette Villaruel, Paquito Diaz, Deborah Sun, Jaclyn Jose, Pinky Amador, Wendy Villarica, at Jobelle Salvador.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T96618/movie#/


Imortal: Ang Kasaysayan Ng Walang Kamatayang Pag-ibig (1989)

Bida rito sina Vilma Santos at Christopher de Leon bilang star-crossed lovers na sina Natalia at Josef.

Sa simula pa lang ng kanilang pagkikita ay may nararamdaman na silang pagmamahal sa isa't isa, pero parating may hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Inabot pa ng mahabang panahon bago sila muling pinagtagpo ng tadhana.

Ginagampanan dito ni Cherie si Natasha, ang asawa ni Josef na hindi matanggap na may ibang babaeng mahal ito. Nanalo rito si Cherie ng Best Supporting Actress award sa Metro Manila Film Festival.

Mula sa direksyon ni Eddie Garcia, kabahagi ng cast sina Jaclyn Jose, Liza Lorena, Ricky Davao, Gelli de Belen, Roi Vinzon, Tommy Abuel, Richard Reynoso, at Raoul Aragon. 

https://web.vivamax.net/play/trailer/C00136/movie#/


Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (1989)
Kuwento ito ni Alvina (Dina Bonnevie) na isang mabait na anak at mapagmahal na girlfriend kay Mark (Juan Rodrigo). Pero bigla na lang siyang sinasaniban ng masamang espiritu na si Oliva (Cherie Gil) at bigla na lang siyang nagiging isang nymphomaniac. Dahil ito sa naging kasalanan ng kanyang amang si Gracias (Dante Rivero) na nabuntis si Oliva at pinabayaan niyang mamatay sa nasusunog na bahay. Kaya si Alvina ang kanyang pinaghihigantihan para masira ang pagkababae nito sa mga lalakeng sisiping sa kanya.

Directed by Eddie Rodriguez, kasama sa cast sina Barbara Perez, Eddie Gutierrez, Tonton Gutierrez, Julio Diaz, Dexter Doria, Raoul Aragon, Rey "PJ" Abellana, Gino Antonio, Joonee Gamboa, Isadora, Odette Khan, at Sunshine Dizon.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T98370/movie#/


Darna! Ang Pagbabalik (1994)
Ang bersyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes ng Darna ni Mars Ravelo at bida si Anjanette Abayari.

Ginagampanan dito ni Cherie ay si Valentine na sa pamamagitan ng isang televised show, nagkapagsimula ito ng kulto na siyang tutulong sa kanya na gawin ang maraming masasamang bagay sa mundo.

Kasama rin dito sina Edu Manzano, Rustom Padilla, Lester Llansang, Mel Kimura, Chiqui Xerxes-Burgos, Pen Medina, at Pilita Corrales.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T96152/movie#/


Para Sa Hopeless Romantic (2015)
Adapted from the teen novel of Marcelo Santos III, kuwento ito ni Becca (Nadine Lustre) na isang student writer na naniniwala sa fairy tales at happy endings. Pero nasira ang kanyang pantasya nang makipaghiwalay sa kanya si Nikko (James Reid).

Dahil sa kanyang heartache, binuo niya ang isang love story na bida sina Maria (Julia Barretto) at Ryan (Inigo Pascual) pero hindi pa rin niya ito mabigyan ng tamang happy ending.

Gumaganap si Cherie dito bilang ang terror teacher na si Miss Katigbak. Mula sa direksyon ni Andoy Ranay, kasama rin sa cast sina Shy Carlos, AJ Muhlach, Donnalyn Bartolome, Teresa Loyzaga, Lander Vera Perez, Issa Pressman, at Jackie Lou Blanco.

https://web.vivamax.net/play/trailer/T96717/movie#/

 

To stream these movies, go to web.vivamax.net or download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, or Huawei App Gallery. 

In UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Vivamax can be accessed for only AED35/month.  

In Europe, Vivamax can be enjoyed for only 8 GBP/month.   

Vivamax is also available in Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.