Abdul Raman, worried sa magiging epekto ng stroke sa kanyang ina

“Kasi sa right side po ng brain n’ya po ’yong [blood] clot and du’n na rin po s’ya na-surgery. Sabi daw po it affects behavior. Doon po ako parang nanghihinayang talaga ’cause that’s my mom, e.”

PHOTOS: @AbdulRahmanWadah on Instagram

“Kasi sa right side po ng brain n’ya po ’yong [blood] clot and du’n na rin po s’ya na-surgery. Sabi daw po it affects behavior. Doon po ako parang nanghihinayang talaga ’cause that’s my mom, e.”

Inamin ng baguhang aktor na si Abdul Raman na nag-aalala s’ya sa magiging epekto ng stroke sa kanyang inang si Joyettes Geronimo Santos na nasa ICU (intensive care unit) pa rin hanggang ngayon. 

Matatandaang nanawagan ng pinansyal na tulong ang young Kapuso actor last July 13 matapos isugod sa ospital ang kanyang ina sa ospital noong July 12. 

Ibinenta din n’ya online ang kanyang mga sapatos para pandagdag sa perang pambayad nila sa ospital.

READ Legal Wives actor Abdul Raman, nananawagan ng tulong pinansyal at nagbebenta ng gamit para sa na-stroke niyang ina

Sa virtual conference ng kinabibilangan niyang Legal Wives kamakailan, kinumusta ng entertainment press ang lagay ng kanyang mommy.

“So far po, recovering pa rin po sa ICU,” pagbabahagi ni Abdul. “Ang good sign naman po na ina-update sa amin ng doktor is ’yong eye sight n’ya po parang corrected na. Hindi na s’ya ’yong parang halos lazy eyes, which is a good sign daw po.

“So far, hindi pa rin kami sure when po s’ya iri-release from ICU,” lahad pa ni Abdul. 

“And ano po, medyo worried lang ako sa recovery stage, pagbalik n’ya [sa bahay] po kasi aalagaan ko po talaga s’ya and I’m not sure kung ano po ’yong magiging effect [sa kanya nu’ng stroke],” pagpapatuloy ng StarStruck Season 7 graduate.

Kasi sa right side po ng brain n’ya po ’yong [blood] clot and du’n na rin po s’ya na-surgery. Sabi daw po it affects behavior. Doon po ako parang nanghihinayang talaga ’cause that’s my mom, e.”

At this point, tila dinadaan lang ng batang aktor sa magandang disposisyon ang pinagdadaanan. Pero mababakas pa rin ang uncertainty lalo’t tila solo n’yang pinapasan ang mga responsibilidad.

Samantala, natanong din ang Filipino-Egyptian actor, na isang Muslim, kung may posibilidad kayang magkaroon din s’ya ng multiple wives gaya ng main character sa kinabibilangan n’yang cultural series. 

Iikot kasi ang k’wento ng serye sa buhay ni Ismael (Dennis Trillo), isang lalaking Maranao na Muslim na magkakaroon ng tatlong asawa na gagampanan nina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Sagot ni Abdul: “I cannot say po for certain [sa future] pero sa ngayon po I can say for certain naman is wala po talaga akong balak. Kasi bukod sa kontento na po ako sa isa, ano e, I don’t think magiging comfortable ’yong supposed wife ko with that. 

Kasi kino-consider ko rin po ’yong feelings n’ya and all, and ’yon po. Parang ’yon ’yong main reason ko other than I cannot sustain it [having multiple wives],” natatawang pagtatapos ni Abdul.

Makakatambal ni Abdul ang kanyang StarStruck Season 7 batchmate na si Shayne Sava sa seryeng Legal Wives na mapapanood na simula July 26 sa GMA Telebabad.


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maricar de Mesa, nag-feeling OFW at nagka-anxiety sa mahabang lock-in taping

Andrea Torres, na-appreciate na ngayon ang outcome ng pagpapa-sexy niya onscreen

Writer/Creator ng Legal Wives, humingi ng pasensya matapos hindi naipalabas kagabi ang nasabing cultural drama series

Alice Dixson gets first dose of COVID-19 vaccine in Canada, has plans to get second shot in PH

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.