Actor-turned-politician Jason Abalos, may patikim na detalye sa magiging kasal nila ni Vickie Rushton

Dahil nanalong board member ng lalawigan ng Nueva Ecija, baka raw magpabalik-balik muna ng Manila at Nueva Ecija ang actor-turned politician. “Oo nga, e. Nakaka-overwhelm ’yong binibigay ni Lord sa atin,” nakangiting sabi ni Jason. “Kung kakayanin, gusto ko magpabalik-balik. “Pero kung talagang hindi ko kakayanin, ipa-priority ko ’yong public service. Pero kayang-kaya naman natin ’yan,” kumpiyansang saad pa ni Jason.

PHOTOS: Jason Abalos on Facebook

Dahil nanalong board member ng lalawigan ng Nueva Ecija, baka raw magpabalik-balik muna ng Manila at Nueva Ecija ang actor-turned politician. “Oo nga, e. Nakaka-overwhelm ’yong binibigay ni Lord sa atin,” nakangiting sabi ni Jason. “Kung kakayanin, gusto ko magpabalik-balik. “Pero kung talagang hindi ko kakayanin, ipa-priority ko ’yong public service. Pero kayang-kaya naman natin ’yan,” kumpiyansang saad pa ni Jason.

This year na pala magaganap ang planong pagpapakasal ng actor-turned-politician na si Jason Abalos at ng fiancée n’yang si Vickie Rushton.

Iyan ang sinabi ng aktor sa pakikipag-tsikahan n’ya sa entertainment press nitong weekend bago naganap ang GMA NCAA All-Star Basketball Game nitong June 5 kung saan kabilang s’ya sa mga Kapuso stars na naglaro. 

Nitong June 2 lang kasi nang isinapubliko nila ng nobya niyang si Vickie ang kanilang engagement na nangyari pala noon pang September 1 last year.

 

Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana! 😘❤️ 9/1/21 she said “syempre” :)

Posted by Jason Abalos on Wednesday, June 1, 2022

Kasunod ng announcement nila ay ang pagpo-post naman nila ng kanilang pre-nuptial photos noong June 4 na kinunan pa pala noong December ng nakaraang taon din.

 

Una sa lahat salamat sa inyong mga pag bati. Our pre-nup happened last Dec. in my hometown in Pantabangan Nueva Ecija....

Posted by Jason Abalos on Saturday, June 4, 2022

Sinadya daw talaga nilang i-delay ang pag-a-announce dahil gusto nilang makapag-prepare na muna sila sa kasal bago pa iyon ipaalam sa publiko. 

’Yon nga, sabi ko kay Vim, ‘Bago tayo mag-announce kailangan ano…medyo ready na para wala tayong maging distraction sa preparation.’ Naghihintay na lang kami na maayos lahat para sa kasal,” lahad ni Jason sa press. 

Kaya naman natanong s’ya kung may napili na ba silang petsa kung kailan magaganap ang big day nila ni Vickie.

“Target namin September dapat, e, this year,” sagot ng aktor. 

Pagtatapat pa n’ya, “Supposedly, ito dapat February nangyari, e. Kaya lang may mga lockdown-lockdown tayo nu’ng Feb kaya hindi natuloy.

Maliban sa pag-aasikaso sa nalalapit niyang kasal at pag-upo niya bilang board member sa second district ng Nueva Ecija, nausisa din ng press si Jason kung hindi ba muna s’ya gagawa ng mga teleserye at pelikula. 

Nagpaalam kami [sa GMA management]. Like si Ervic [Vijandre], nagpaalam kasi kami nu’ng panahon ng kampanya dahil meron kaming tinakbuhan sa public service,” paliwanag ng Kapuso actor.  

Siguro, hopefully, meron [showbiz project]. Pero sa ngayon gusto naming aralin ’yong aming magiging [katungkulan sa pamahalaan],” dagdag pa n’ya. 

Natanong din s’ya kung saan na s’ya magbi-base ngayong marami nang naka-atang sa kanyang balikat.

Oo nga, e. Nakaka-overwhelm ’yong binibigay ni Lord sa atin,” nakangiting sabi ni Jason. “Kung kakayanin, gusto ko magpabalik-balik [sa Nueva Ecija at Manila]. 

Pero kung talagang hindi ko kakayanin, ipa-priority ko ’yong public service. Pero kayang-kaya naman natin ’yan,” kumpiyansang pagtatapos ni Jason.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jason Abalos and girlfriend Vickie Rushton call out airline for lost and damaged luggage and delayed response to their complaint; airline apologized

Vickie Rushton, umatras na nga ba sa Binibining Pilipinas 2020/2021 pageant?

Pika's Pick: Jason Abalos and Vickie Rushton belatedly announce their engagement!

Pika's Pick: Jason Abalos in now a coffee farmer

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.