Adrianna So, di kering “mag-all out” sa first date; Alex Diaz, mag-usap nalang daw muna; Kych Minemoto, game daw

Ang characters ng mga bidang sina Adrianna So at Kych Minemoto sa PaThirsty ay siya ring characters nila sa Gameboys, as BFFs Pearl and Achilles respectively. Ginawan sila ng sarili nilang storylines. Sa PaThirsty, kapwa silang galing sa failed relationships. Pearl (Adrianna) will take it upon herself na hanapan ng bagong lovelife si Achilles (Kych). At makikilala nila ang game hunk na Ali (Alex Diaz). Click agad sina Achilles at Ali at first date palang, um-all out na, ika nga. Pero ang twist, ang nag-retong si Adrianna, magpo-fall din kay Ali. Friendship over na kaya?

Photos: Vivamax / The IdeaFirst Company

Ang characters ng mga bidang sina Adrianna So at Kych Minemoto sa PaThirsty ay siya ring characters nila sa Gameboys, as BFFs Pearl and Achilles respectively. Ginawan sila ng sarili nilang storylines. Sa PaThirsty, kapwa silang galing sa failed relationships. Pearl (Adrianna) will take it upon herself na hanapan ng bagong lovelife si Achilles (Kych). At makikilala nila ang game hunk na Ali (Alex Diaz). Click agad sina Achilles at Ali at first date palang, um-all out na, ika nga. Pero ang twist, ang nag-retong si Adrianna, magpo-fall din kay Ali. Friendship over na kaya?

Napanood namin ang kwelang trailer ng pelikulang PaThirsty (o ’yong mga mahilig mang-tease o maglandi), na binuo ng same group credited for the successful BL series na Gameboys, ang The IdeaFirst Company for Vivamax.

Ang characters dito ng mga bidang sina Adrianna So at Kych Minemoto ay siya ring characters nila sa Gameboys, as BFFs Pearl and Achilles respectively. Ginawan sila ng sarili nilang storylines.

At sa PaThirsty, kapwa silang galing sa failed relationships. Pearl (Adrianna) will take it upon herself na hanapan ng bagong lovelife si Achilles (Kych). At makikilala nila ang game hunk na  Ali (Alex Diaz). Click agad sina Achilles at Ali at first date palang, um-all out na, ika nga.

Pero ang twist, ang nag-retong si Adrianna, magpo-fall din kay Ali. Friendship over na kaya?

During the PaThirsty press conference kamakailan, na-forum question ang buong cast—sina Adrianna, Kych, Alex, Kate Alejandrino, Bob Jbeli, at Chad Kinis—kung gaya sa movie, ay type din ba  nila in real life ang mga reto-reto ng kaibigan at kung keri din ba nilang mag-all out na agad sa first date palang?

“Friend of a friend tapos nireto, why not di ba?” pasakalye ng bidang si Adrianna.  “Pero mas fan ako ng nami-meet ko lang nang solo ako kesa sa ipinapakilala ng friend. Pero open ako sa idea kasi [ng reto] mukhang maganda ’yung results.”

“But all out on a first date? It depends. Personally hindi. But it depends,” dugtong ng nalilitong si Adrianna.

“Hindi ako open sa idea na ’yun,” say ni Kych Minemoto—na may Japanese last name pero walang  Japanese blood—about reto system. 

“Mas gusto ko ’yung organic like, ’yung biglaan lang kayo sa party tapos nagkaroon kayo ng interaction then eventually na-develop.”

“Sa all out, yeah,” kaswal na dugtong niya. “Kung nagdi-date ka naman at gusto mo talaga ’yung isang tao, mas maganda all out ka. Pag nag-fail naman, it’s okay. May reason kang makukuha ro’n.”

Ayon naman kay Kate: “Ako po parang hindi ko kaya ang ganu’n set-up kahit nga Tinder or other apps hindi ko pa nata-try kasi may pagka-stranger danger ako.  Natatakot ako pag hindi ko kilala.  When I like somebody, I go out with you but I have to know you first.”

But once nakipag-date na siya, meaning kilala na niya, she doesn’t mind going all out. In fact, nagawa na raw niya.

“So, going all out on a first date, I have. And I don’t think it’s wrong kasi if it feels right to me...kasi I’m a zero to one hundred person. I [either] give nothing or everything.”

Si Bob naman ay naranasan na raw mai-reto sa isang babeng kaugali niya. Sabi nga niya ay babaeng version niya. And this girl turned out to be his girlfriend now.

“Paalis siya no’n, papuntang Spain para mag-work. So, ang first date namin sa UK,” kwento niya about his recent UK vacation. “So, all out kasi magkakilala naman na kami. Katulad ng sabi ni Kate, wala namang masama kung mag-all out. Sabi nga it’s better to have loved and lost than never to have loved at all.”

All out din daw si Chad Kinis sa mga sa unang dates.

“Best foot forward tapos kung ano rin ’yung worst din sa akin kailangan makita niya pero kung na-turn off siya sa akin on a first date, it means you’re not willing to see beyond kasi ang gusto mong makita ay ’yung gusto mo lang makita.”

At para naman sa pinaka-PaThirsty sa lahat na si Alex Diaz, mas type daw niyang mag-usap nalang muna sa first date.

“I’m in and out of a relationships and I realize I have no idea what in a relationship,” natatawang analyze niya sa sarili. “So, I told myself I’ll start dating again. Hindi ako magde-date para mag-relationship, p’wedeng date na masarap maging business partner, masarap ka-hiking…going all out on a first date? For me ‘wag na, mag-usap na lang tayo.”

Mapapanood ang PaThirsty sa Vivamax Plus sa June 1 at Vivamax sa June 29. Ito ay mula sa direksyon pa rin ni Gameboys director Ivan Andrew Payawal at produced ng IdeaFirst Company at ng Viva Films.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.