Adrianna So, eentra bilang kontrabida sa Paano ang Pangako?

Gagampanan ni Adrianna So, na nakilala bilang si Pearl Gatdula sa web series na Gameboys at Pearl Next Door, ang karakter ni Andi, ang orihinal na kontrabida sa Book 1 ng serye (na Paano ang Pasko?) na unang ginampanan ni Danita Paner.

Photos: The IdeaFirst Company

Gagampanan ni Adrianna So, na nakilala bilang si Pearl Gatdula sa web series na Gameboys at Pearl Next Door, ang karakter ni Andi, ang orihinal na kontrabida sa Book 1 ng serye (na Paano ang Pasko?) na unang ginampanan ni Danita Paner.

Eentra sa eksena si Adriana So simula ngayong gabi, March 22, Monday, sa primetime serye ng TV5 na Paano ang Pangako?

Gagampanan ng aktres, na nakilala bilang si Pearl Gatdula sa web series na Gameboys aPearl Next Door, ang karakter ni Andi, ang orihinal na kontrabida sa Book 1 ng serye (na Paano ang Pasko?) na unang ginampanan ni Danita Paner.

Ayon sa paliwanag ni Direk Perci Intalan, isa sa mga direktor ng nasabing soap opera katuwang ni Direk Eric Quizon, nag-express ng reservations si Danita na bumalik for the final cycle ng lock-in taping ng Paano ang Pangako? (PAP) sa San Pablo, Laguna.

Nagwu-worry raw si Danita para sa mga kasama nito sa bahay dahil sa mga balitang muling pagtaas ng mga kaso ng nagpa-positive sa COVID-19.

Naintindihan nila si Danita at hindi nila ito pinilit. So, ginawan nila ng paraan at ang naisip nilang maging kapalit nito ay si Adrianna, na isa sa contract artists ng The IdeaFirst Company, na nagpo-produce ng PAP for TV5 together with Cignal Entertainment.

The day before the shoot nang tawagan si Adrianna at diretso na itong nag-RT-PCR test, tapos ay bumiyahe na ito pa-Laguna early morning of the following day.

“Ni hindi pa niya nakikita 'yong script, ni hindi pa niya alam ‘yung karakter, hindi ko nga alam kung napanood niya ‘yung show…

“We’re just very thankful na walang tanong-tanong at all, sabak na lang kaagad siya,” masayang kuwento ni Direk Perci nang makausap namin ito sa virtual pocket presscon ni Adrianna for PAP last Friday, March 19. 

Aminado si Adrianna na may pressure ito para sa kanya, pero pinadalhan daw siya ni Direk Jun Robles Lana (creator at showrunner ng Paano ang Pangako?) ng mga kailangan niyang aralin para maging buo ang pag-portray niya ng karakter ni Andi.

“The script naman is well-written, e. What I can say is this is the first time that I’m gonna portray this kind of character,” nakangiting bulalas ni Adrianna.

“So, although siyempre, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang malaman ko na ako ang magti-take over, pero challenge siya. And for The IdeaFirst to consider me for the role, it’s a big thing, it’s a big deal.

“So, sineryoso ko po lahat and I listened to my directors. So, sana tama ‘yong preparation ko. And also, yeah, I watched some of the clips of Danita as Andi, but it’s a completely different Andi.

“May mga sulpot-sulpot, but here in Book 3, it’s a different side of Andi,” pakli ng 28-anyos na aktres.

Huling dalawang linggo na lang at magtatapos na ang Paano ang Pangako?. Mas totodo ba sa kasamaan si Andi this time? 

“Si Andi kasi, ‘yong karakter niya has a reason why she’s like that. It all boils down to Anton (ginampanan ni Alan Paule), ‘yong pinaka-padre de pamilya ng mga Aguinaldo.

“So, mabubuo finally ‘yong story ni Andi dito, kung bakit ba, kung saan ba kasi nanggagaling ‘yon at kung anong mangyayari in the future,” pakli ni Adrianna.

Dagdag niya, “Actually, sobrang bigat ng dinadala ni Andi nu’ng simula pa lang. Nu’ng binigay sa akin ni Direk Jun ‘yong backstory niya, inisip ko, ‘Bakit nga ba siya gano’n?’ 

“Kasi, nakikita ko ‘yong clips na for example, sinasampal ni Andi ‘yong sarili niya sa salamin. So, what’s the reason behind it?

“And then, nu’ng sinend sa akin ni Direk Jun, ‘Ah, kaya siya ganyan, kasi may ganito.’ So, ito finally, mabubuo na kung anong nangyari sa kanya pagtapos ng lahat. Exciting. Exciting, pramis!” nakangiting pakli ni Adrianna.

Bakit niya nasabing first time niya to play this kind of role eh gumanap naman na siya bilang kontrabida before?

Biglang napatili si Adrianna sa tanong namin at halatang ayaw nitong sagutin ang tanong dahil baka raw may ma-spoil siya at ma-memo siya ng mga boss niya.

Si Direk Perci ang nag-explain na sa ending ng Paano ang Pasko? ay kinuha ng mga pulis si Andi (played by Danita) and she was mentally stable. 

Ngayon sa pagsisimula ng Book 3 ay ipapakita kung anong nangyari kay Andi (played by Adrianna) pagkatapos ng malaking eksena na naganap sa burol sa dulo ng Book 1, kung saan tinutukan nito ng baril ang mga kapatid nito na sina Love (Julia Clarete), Hope (Beauty Gonzalez), Joy (Devon Seron) at pati na ang matriarch ng mga Aguinaldo na si Faith (Maricel Laxa).

‘Yon daw ang ibig sabihin ni Adrianna dahil first time niya to portray a character na mentally challenged. 

May ilang pinanood daw siya to prepare for the role at nag-create siya ng music playlist to help her get into the character at maramdaman niya ang feels while reading the script.

Mostly classical music daw ang pinakinggan niya dahil may pain and hurt daw ang mga ito.  

“Mga Mozart. Sobrang pretentious, pero ‘yon ang totoo, huh! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Bilang patapos na nga ang Paano ang Pangako? ay bale two weeks lang ang stint dito ni Adrianna. But according to her, it doesn’t feel like it dahil sa dami ng nangyari at sa dami ng eksena niya kada-taping. Minsan daw, sa 28 sequences a day ay 20 ang sequences niya.

Pivotal ang role ni Andi kaya ito magbabalik sa istorya kahit pa sa Book 2 ay umeksena nang bongga ang kontrabida karakter ni Elvira Dominante-Cruz na ginagampanan ni Bing Loyzaga.

Napapangiting kuwento ni Direk Perci, pinag-usapan nila ng mga nasa likod ng show ‘yong mga soap opera in the past na nag-recast din o nagpalit ng artista.

Nangunguna raw dito ang Kapuso soap noon na I Heart You Pare kung saan tumingin sa salamin ang bidang si Regine Velasquez, umikot ang kamera, tapos ay naging si Iza Calzado na ito.

Kinailangang mag-quit ni Regine sa nasabing serye dahil nagbuntis ito sa unico hijo nila ni Ogie Alcasid na si Nate nu’ng 2011. 

Ani Direk Perci, inisip nila kung gagawa rin sila ng parang gano’n. Tapos ay naisip din nila ‘yung ginawa sa Game of Thrones na in an earlier season ay blond and blue-eyed ‘yung aktor na gumanap sa karakter ni Oberyn Martell, tapos later ay naging si Pedro Pascal na ito na dark-haired at black ang color ng eyes.

In the end ay nag-decide sila na pagbalik ng karakter ni Andi ay basta magiging si Adrianna na ito. 

Ang maganda raw ay may similarities si Adrianna kay Danita gaya ng buhok, ‘yung pagiging chinita at ‘yung general look nito.

‘Yong buhok lang daw ang medyo ginaya ng hairstylist, pero hindi nila pinagaya kay Adrianna ang mannerisms ni Danita. Hindi nila ito pina-duplicate.

Sambit ni Adrianna, “Thankful po ako dahil ang mga directors ko, binigyan ako ng freedom to do what I wanna do. But at the same time, they gave me pointers kapag for example sobra or may kulang or something. 

“Lahat ng ni-follow ko ‘pag makikita n’yo is more on instructions and background lang din. Para sa akin, may kinuha na konting similarities with Andi of Book 1, but more on ginamit ko siya as inspiration. 

“Kasi, medyo mas malaki ‘yong transition ng karakter niya sa Book 3.”  

Isa pang nagpa-happy kay Adrianna is the fact na katrabaho niya rin sa Paano ang Pangako? ang mga kaibigan at co-stars niya sa Gameboys na sina Elijah Canlas at Kyle Velino.

Kaya lang ay hindi niya raw masyadong naka-eksena ang dalawa dahil magkaiba sila ng unit at halos during makeup time lang daw sila nagkikita-kita.

Lunes hanggang Biyernes napapanood ang Paano ang Pangako? sa TV5, 7:15 PM, bago ang FPJ’s Ang Probinsyano.

May catch-up airing ito sa One Screen via Cignal TV Channel 09 (Monday to Friday, 6:30 PM). 

Ang TV5 at One Screen shows ay available din via the Cignal Play app. Android and iOS users can download it for free.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sightings sa rumoured sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes sa Boracay, ipinagbunyi ng #CocoJuls fans

Jerald Napoles pens letter to self saying he should stay home and take care amidst rising COVID-19 cases

Catriona Gray reminds followers that beauty is defined by one’s self

Ivana Alawi, nag-walk out sa ka-date noon dahil “ang sama ng ugali.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.