After 25 years, Andrew E., inaming nanligaw sya at na-basted ni Ana Roces

PHOTO: Tom Pornel

PHOTO: Tom Pornel

Taong 1995 pa pala huling nagkasama sa iisang pelikula sina Andrew E. at Ana Roces na kinakiligan din ng mga fans noong '90s. 

At ngayong 2020, muling magkakasama ang dalawa sa movie na may working title na Condo for Viva Films. 

Sa story conference nga ng pelikula na ginanap kahapon, January 22, inamin ng singer-actor na masaya sya na muli nyang makakatrabaho si Ana makalipas ang mahabang panahon. 

"I'm so happy na, of course, itong movie na ito e, for everyone's delight," panimulang tsika ni Andrew E. "But then again, for my own delight, of course, syempre. Di ba? Aaminin ko na I'm so excited and much more happy and si Ana Roces would be in the movie. 

"In fact, Viva didn't tell me na nandito na sya [Ana Roces] for the look test.

"At 25 years ago, ganito pa rin ang feeling ko kapag nagkakaroon ng story about us. Nothing has change and it's more, to that effect, it is more pa. And I'm really looking forward to this movie."

However, pinasinungalingan ni Andrew ang panunukso ng mga co-stars nilang sina Dennis Padilla at Janno Gibbs na sya umano ang nag-request sa reunion movie nila na ito ni Ana Roces. 

"Na kaya [may] movie [is because of] me daw asking Boss Vic? I don't know. Maybe in the middle of the night Boss Vic thought of it. Maybe. And maybe the idea floated around. Siguro. Pero natuwa ako."

Last movie nga naman kung saan nag-team up sina Andrew at Ana ay 'Bangers' noong 1995 pa. 

Sa muli nilang pagsasamang ito, muli ring nabuksan ang mga issue sa pagitan nilang dalawa ni Ana kahit may kanya-kanya na silang pamilya ngayon. 

At dahil throwback, muling binigyang-linaw ng 52-year-old rapper ang issue kung totoo bang nanligaw sya sa aktres noong kabataan nila. 

"You know, a golden question needs a golden answer," intro nya sa kanyang sagot. "Nanligaw po ako. Basted po ako. And I'm proud. Kasi kung hindi nangyari sa akin 'yon hindi ko mahahanap ang sarili ko."

"Tissue, please," singit naman nina Dennis Padilla at Janno Gibbs bilang pang-aalaska sa kaibigan. 

"Pero I cherish the day and every minute na, kung pwede sabihin sa inyo 'yon eh sana mag-expound din [ng paliwanag] si Ms. Ana Roces."

Natawa ang lahat sa request na ito ni Andrew E.

Sa punto ding ito ipinaliwanag ni Ana ang kanyang side at sinabing bata pa sya noong mga panahong nanligaw sa kanya ang rapper-actor. 

"Eh kasi during that time, ginawa namin 'yong Alabang Girls [1992], 16 ako nun," saad ni Ana. "So I think I was very young. I was very young that age. I was not really... I'm very fickle minded. And I was also in high school. So medyo bata pa."

"At least, I'm proud na alam rin ninyo the reason behind," singit pa ni Andrew E.

Si Ana Roces na nga ba ang itinuturing niyang 'TOTGA' o 'The One That Got Away' sa buhay nya?

"Hindi," mabilis nyang sagot. "Siguro, as the movie goes along, I will be having some more good answers to say. Pero sa ngayon, sa totoo lang..."

"Mahal ko pa rin sya," salo ni Dennis kay Andrew na ikinatawa ng iba pang cast at ng entertainment press.

Natanong din si Andrew kung kinikilig pa rin ba sya sa tuwing nakikita ang naging ka-love team datu sa pelikula, na tapat naman nyang sinagot.

"Pwede ko ba 'to sabihin nang pagbaliktad? Marunong ba kayong magdagdag sa kilig? Hindi, 'di ba? Ibig sabihin nun, kung ano 'yong kilig mo noon, 'yon din ang kilig mo ngayon."

Makakasama rin nila sa movie sina Marissa Sanchez, Leo Martinez, Maui Taylor, Nathalie Hart, Jerald Napoles at marami pang iba sa pangunguna ng writer at direktor na si Al Tantay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.