Aga Muhlach, hindi na nae-excite sa Aurora Borealis; habang si Alice Dixson, super abang (but failed)

Isa ang Nuuk sa mga lugar sa mundo na may malaking chance makakita ng Aurora Borealis, na nasa bucket list ng mga tao—mapa-artista man o hindi. Isa si Alice Dixson sa nag-exert ng extra effort para maka-upclose ang personal encounter sa Aling Aurora. But she failed.

Photos: Instagram

Isa ang Nuuk sa mga lugar sa mundo na may malaking chance makakita ng Aurora Borealis, na nasa bucket list ng mga tao—mapa-artista man o hindi. Isa si Alice Dixson sa nag-exert ng extra effort para maka-upclose ang personal encounter sa Aling Aurora. But she failed.

Twenty days nanirahan sa Nuuk, Greenland sina Aga Muhlach at Alice Dixson kasama ang production crew ng psychological thriller film nilang Nuuk din ang title.

Isa ang Nuuk sa mga lugar sa mundo na may malaking chance makakita ng Aurora Borealis, na nasa bucket list ng mga tao—mapa-artista man o hindi. Isa si Alice sa nag-exert ng extra effort para maka-upclose ang personal encounter sa Aling Aurora. But she failed.

Sa presscon ng Nuuk kamakailan, tinutukso ni Aga si Alice na lakwatsera.

Kung gaano kasi ka-excited si Alice makakita ng mga borealis ay siya namang deadma ni Aga. Sa edad daw niyang 50, hindi na raw siya nae-excite sa mga ganoong bagay. 

“Pag nagsu-shooting kami, pag wala nang gagawin,  wala siya [Alice] sa kuarto, lumalabas siya,” k’wento ni Aga about Alice.

“Ako, hindi. Ako pag walang ginagawa, naggi-gym ako, nagwo-workout ako. After no’ng gym, balik sa kuarto or magsu-shooting the whole day...we’re filming...

“Hindi naman ako ano para makita yang mga yan...okey na ’yon. I was there to film, I was excited for the movie...I was so focussed working and doing the film.

“Siguro, when you’re 50 years old...mas madami na akong nakita sa buhay...parang okay na yan.”

Nakakita na raw kasi siya ng Northen Lights noong araw. Ni hindi na niya matandaan kung saang bansa. At maski naman daw noong nasa Nuuk sila ay nagpapakita pa rin ito paminsan-minsan.

“May mga gabi na [nandiyan siya]...but it’s not the perfect one na magandang-maganda talaga. Hindi gano’n. I’m too ano sa pelikula para makita ko pa ’yon...makikita mo naman siya, e.”

Hindi naman masisi kung bakit ganoon ka-focussed si Aga sa movie, isa pala kasi siya sa mga executive producers ng pelikula. Unti-unti na palang pinapasok ni Aga ang behind-the-camera aspect ng filmmaking. In fact, unknown to many, co-producer din pala siya noong First Love nila ni Bea Alonzo, which was shown last year.

Anyway, ipinaliwanag naman ni Direk Veronica Velasco kung bakit kinailangan pang maglakwatsa ni Alice sa malayo-layo para ma-encounter ang Aurora Borealis.

“’Yong Aurora kasi, best seen kung walang ilaw, walang street lights...e, we were in the city. Kapag may street lights, nagdi-dim ’yong Aurora. 

“So, you have to go out...you have to go doon sa may sementeryo, sa may airport...’yong madilim na madilin tapos, malamig na malamig. Sabi ng mga taga-Greenland, kung gusto mong makita ’yong Aurora, you have to suffer for it. Kasi maski i-click lang ’yong camera, tanggalin ’yong gloves, sobrang sakit ha. Kailangan mo siyang dayuhin at kailangan handa ka.”

Hindi naman daw super failed si Alice. Nakakita naman daw siya ng super faint version ng Aurora. Pero naiyak pa rin daw siya sa frustration na semi-futile ang pag-e-effort niya. 

Alam naman daw niya na p’wede pa siyang makakita nito sa ibang lugar. It would just have been super special kung nakakita siya nito sa Greenland na bihirang marating ng sinuman.

Eto ang k’wento naman ni Alice: 

“We didn’t see it...we went home cold and sad. We were gonna go back to the Philippines without seeing it because we’ve never...I’ve never seen it before...

“But ayon, as we were heading back to the hotel, I looked up at the sky and I just saw a glimmer and then I said, ‘what’s that?’ We stopped the car—I was driving...then Ren [her companion said], said, ‘Oo nga!’ 

“So we saw a little tail of it...s’yempre it’s too faint to take a picture...but we shared that experience na it was something na, you know. Maybe we can see it, sa Alaska, sa Canada or somewhere else. But for me, to see it in Greenland was special for me.”

Incidentally, Nuuk is showing on Wednesday, November 6, and it’s having it’s res-carpet premiere tonight at the SM Megamall.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.