Aga, nagpapagawa ng bagong bahay; may sariling build, build, build program

(Right photo) Aga Muhlach and Daikin president Lee Wai Kok unveil the poster bearing his advertorial photo. It’s now displayed at the entrance of the Daikin’s QC office, along with the plaque, announcing his brand ambassadorship, that he just signed that day.

PHOTOS: Anna Pingol

(Right photo) Aga Muhlach and Daikin president Lee Wai Kok unveil the poster bearing his advertorial photo. It’s now displayed at the entrance of the Daikin’s QC office, along with the plaque, announcing his brand ambassadorship, that he just signed that day.

Nagpapagawa pala ng bagong bahay si Aga Muhlach para sa kanyang pamilya at ito ay sa loob din ng Ayala, Alabang kung saan din nakatirik ang unang pundar niyang bahay noong binata pa siya.

 

Ayon kay Aga, hindi raw nila ibebenta ang naunang bahay, kung saan pa rin sila tumutuloy ng pamilya niya. Pero nag-desisyon daw siyang magpatayo ng isa pa dahil gusto niyang involved ang buong pamilya niya—ang asawa niyang si Charlene Gonzalez at ang kambal nilang sina Atasha at Andres—sa pagbuo ng bahay.

 

“No, parang we were just talking about it, me and my wife and the kids. When I first built my first home ever, I was just single so it was just me,” esplika ni Aga na nakaharap ng ilang members of the media last June 14 during his launch as the first ever brand ambassador ng Daikin air conditioner.

 

“And when I got married, Charlene and I built our… this place in Batangas. And then we had kids, until we got our place in the States and then we built… anyway, this project is being built by the four of us now. It’s different.”

 

Ang tinutukoy ni Aga na place in Batangas ay isang rest house na nakatirik sa ekta-ektaryang lupain. Balita namin ay pinare-rentahan nila ito paminsan-minsan sa mga trusted nilang tao. Samantala, ang place in the States naman, ay isang ring house and lot na reportedly ay nasa Las Vegas, Nevada.

 

Kung na-delay man daw nang konti, ang bahay na pinapatayo niya ngayon ay ang tunay na family house nila.

 

“So it’s like a project between me, my wife, my children Andres and Natasha,” patuloy ni Aga. “So, parang sabi namin ‘why not?’ because the kids are teenagers now, they’re turning 18 this year. So, they’re part of that. Parang ’yong old house in Alabang also is parang, nakalumaan na. So, parang sinabi nila they wanted something different. So, sabi, ko let’s build.”

 

Dinagdag pa ni Aga na hindi raw niya talaga nakahiligang lumabas ng bahay at bukod doon, mahilig daw talaga siyang mag-build o mag-develop ng property.

 

“My happiness is really… if I had the funds—if only I had the funds—siguro I would be a big developer. Sana. That’s just my dream, really, noon pa. So I really loved to build, and build, and build.”

 

At dahil nga almost adult na ang mga anak nila ni Charlene, alam na alam na ng mga ito ang gusto nila kaya mas masarap daw pakiramdam na may binubuo sila together.

 

“That’s where we bond also, in the construction site. So like if people don’t see me around that means I’m just busy in the site. That’s where we hang out and then we talk about it all the time. “Even when we travel, we talk about the house… when we buy stuff, and uhm… so it’s just fun. It’s fun for us. It’s about home always. It’s home. Gano’n siya.”

 

At ang sobrang ikinatutuwa ni Aga ngayon ay ang pagdating sa buhay niya ng Daikin, ang number one air-conditioner brand sa Pilipinas na sampung taon nang nasa bansa. Last Friday, June 14, ini-launch siya bilang first ever brand ambassador ng Daikin and the event was held sa opisina mismo ng Daikin sa Quezon City.

 

Ayon kay Aga, Daikin na talaga ang ginagamit nila sa bahay noon pa and no’ng simulan daw niya ang construction ng bagong bahay nila, maski daw mga contractors ay Daikin pa rin ang nire-recommend. Kaya tuwang-tuwa si Aga na dumating ang Daikin sa punto ng buhay niya na may bago siyang pinapatayong bahay.

 

Mukang sagot na ngayon ng Daikin air conditioner system ng bahay niya. Hindi lang nilinaw ni Aga kung regalo ito o kasama sa talent fee niya.

 

Aga Muhlach with the Daikin bosses (L-R): Jed Caburian (division manager), Koji Domoto (division manager), L(president), Ikuo Kani (vice president), Carina Lau (assistant division manager, Market Development Division), Gerry (division manager, HR & General Affairs Division)

 

“And then Daikin is there now, so my God, ’yong ginagawa nila sa bahay ko is super high-tech, it’s really nice. I mean the service, the installation. Of course, proven na, Daikin is number one.” halos magkanda-utal na k’wento ni Aga.

“Seriously. It is,” dagdag niya, “It’s just that parang ngayon lang sila first magla-launch here in the Philippines. You know they’ve always been quiet, quiet, quiet because… it’s just their product that speaks for themselves, really. But now, I think this is the first time that they’re gonna push it to the Philippines, into the public. So I’m just happy to be a part of that.”

 

Nilinaw na Aga na walang halong pambobola ang mga papuri niya sa Daikin.

 

“But let me tell you something…I got Daikin first,” natatawang sabi ni Aga. “Because I knew it was a really good product and that’s how it all started.

 

“So even without them really getting me or hiring me, it was my choice really. So now that it’s out, that we’re building a new house, which we’ve been keeping for the longest time… and that’s what we’re using, especially now in our new home. And that we’re really excited and I’m grateful, really and I’m just the happiest because… it’s really the best! I mean it’s really… hopefully someday I can invite all of you and see.

 

“I’m really grateful, I’m honored to be endorsing Daikin, it’s something I really believe in. There’s like a cliché you know, for actors or for celebrities being endorsers like when they get them as endorsers, that’s when they start saying na ‘Yeah, this is a good brand, this is a good brand….’ Ako I’m really saying it is kasi, like other brands do other things…Daikin, aircon lang. So there’s focus there. So what do you get?”

 

Pero nang tanungiun kung ilang aircon units ang ipapalagay sa bagong bahay niya…“Pag kumanan ka, malamig. Pag kumaliwa ka, malamig. Pag yumuko ka, malamig. Pag umangat ka, malamig,” natatawang biro ng aktor. 

 

Pero ayon kay Ms. Carina Lau ng Daikin, isang higher-technology series ng home central air conditioning ang ikakabit nila sa bagong bahay ni Aga na wala pa sa Pilipinas pero dadalhin din daw nila rito soon. At bukod daw sa TVC (television commercial) ay maglalabas din daw sila ng mga billboards ni Aga all over the Philippines at mga taxi-top advertising naman sa mga key cities.

 

Ayon naman sa VP ng Daikin na si Mr. Ikau Kani, si Aga ang kanilang agent of influence at ikinatuwa nila na talagang gumagamit si Aga ng produkto nila bago pa man nila nakuha itong endorser.

 

Ani Mr. Kani: “He and his family are proud owners of Daikin air conditioner and through this first-hand experience, we are very optimistic, that he will help us demonstrate the value of Daikin brand and embody to our customer our brand value. He is a happy Daikin user himself who embody the very brand he is endorsing so a special someone who can provide credible, trustworthy promotion and visibility to our brand. That is why we chose Mr. Aga Muhlach.”

 

Para naman kay Daikin president mismo na si Mr, Lee Wai Kok, ang “family-type image” ni Aga naging key factor ng pagpili dito.

 

“When you talk of Aga, can relate to family…this symbolic image is important to Daikin. Especially in the Philippines, they always talking about the importance of the family…all these occasions they always talk of family…maybe [they] bring them to Jollibee because of Mr. Aga,” biro pa ni Mr. Kok. “We are looking forward to long-term relationship with Aga.”

 

Samantala, magiging mas visible si Aga on the latter part of the year dahil bukod sa bagong endorsement na ito, magsisimula nang mga-shoot si Aga ng mga bagong films projects niya bukod pa sa papalabas ng Nuuk na kinuhanan pa sa Greenland.

 

Ayon kay Aga, silent worker lang kasi siya. Moreover, hindi raw siya kasi pala-post sa social media ng mga pinagkaka-abalahan niya.

 

“Well it’s different nowadays. I’ve always been active but it’s just that I know when it’s time to be quiet. Like it’s not all work, work, work for me. It’s really my family,” esplika ni Aga.

 

“And I’m really grateful that I’m blessed to be able to still work. I’m blessed to be able to still endorse products. I’m blessed to be able to be given nice projects, movie projects like I’m filming again next month. I start again for the Metro Manila Film Festival, and I did a film last year that was shown, First Love, and I have one movie coming out this year aside from the one that I’m shooting next month (which is for Viva Films).

 

Pagtatapos niya: “So I’ve been busy but it doesn’t seem like I’m busy because I don’t post a lot. Kasi ngayon it’s about your posting, posting, posting. So if you notice, I post just nothing really personal or konti-konti lang. So, parang if you look at it, parang wala akong ginagawa. But yeah, I’m there but I’m not… hindi na ako nakikigulo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

Aga and Charlene’s 4 secrets on staying in love with your first love


"First Love," dream project nina Aga, Bea, at Direk Paul

Lea Salonga: “Pasadong-pasado” si Aga Muhlach “sa kapal ng mukha”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.