Ai-Ai delas Alas, abot ang pasasalamat sa pagkakaligtas ng anak na si Shaun Nicolo sa isang hit-and-run case sa Amerika

“[N]a hit and run kotse nya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DYOS walang galos anak ko pero pina xray pa din sya para malaman namin kung wala stang (sic) internal damage sa katawan nya pero grabe,” pahayag ni Ai-Ai delas Alas sa pagkakaligtas ng anak na si Shaun Nicolo sa isang aksidente sa Amerika.

PHOTOS: @msaiaidelasalas on Instagram & GMA Network

“[N]a hit and run kotse nya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DYOS walang galos anak ko pero pina xray pa din sya para malaman namin kung wala stang (sic) internal damage sa katawan nya pero grabe,” pahayag ni Ai-Ai delas Alas sa pagkakaligtas ng anak na si Shaun Nicolo sa isang aksidente sa Amerika.

Ganu’n na lang ang pasasalamat ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa pagkakaligtas ng kanyang anak na si Shaun Nicolo sa kinasangkutan nitong car accident sa Amerika. 

Si Nicolo ang isa sa mga anak ni Ai-Ai sa dati nitong mister na si Miguel Vera na naka-base na sa US since 2012.

Sa kanyang Instagram post kagabi, August 17, pinasalamatan ng Kapuso comedienne ang lahat ng tumulong kay Nicolo matapos itong mabiktima ng hit-and-run at mahulog ang kotse nito sa bangin.

“Salamat PANGINOON , salamat mahal na INA MAMA MARY , salamat sa guardian ANGEL RAMONA ni [N]icki .. salamat sa 911 at mga pulis na tumulong sa anak ko,” pahayag ni Ai-Ai.

Itinuturing daw nilang milagro ang nangyari dahil hindi nasaktan o nagtamo ng malubhang sugat ang kanyang anak. 

“[N]a hit and run kotse nya at nahulog sa bangin pero sa milagro ng DYOS walang galos anak ko pero pina xray pa din sya para malaman namin kung wala stang (sic) internal damage sa katawan nya pero grabe,” k’wento pa n’ya. 

“LORD salamat po sa pag liligtas sa anak ko .. walang hanggang pasasalamat …  #maymilagroangbuhay  #verythankful #2ndlifeofshaunnicolo.”

Sa kasunod n’yang IG post, ibinahagi pa ni Ai-Ai ang screenshot photo ng usapan nila ni Nicolo tungkol sa medical examination nito at ang larawan ng na-damage nitong sasakyan.

“Wala po damage internally. Bruise lang po sa hips ahaha. Pero ice lang po katapat,” sabi ni Nicolo kay Ai-Ai base sa screenshot photo.

Sey naman ng komedyana sa caption ng kanyang IG post, “Walang galos pasa lang sa hips ... kotse nahulog sa bangin.

“I PRAISE AND GLORIFY YOU LORD GOD.. [S]alamat sa kabutihan mo at sa milagro ito sa buhay namin.

“[S]alamat sa pangalawang buhay ng anak ko si [S]haun ... i love you GOD,, i love you LORD JESUS ... i love you [S]haun [N]icolo,” pagtatapos ni Ai-Ai

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai delas Alas, deadma sa mga haters ng pagbi-Blink niya

Ai-Ai delas Alas, lilipad papuntang Amerika para doon magpa-vaccinate; “Para ’yong para sa amin [na bakuna dito], mapunta nasa ibang may kailangan din.”

Ai-Ai delas Alas, nagluluksa sa pagpanaw ng kaibigan at mentor dahil sa COVID-19

Ai-Ai Delas Alas, “feelingerang” nakiiyak sa naging wedding proposal sa unica hija niyang si Sophia

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.