Ai-Ai delas Alas, deadma sa mga haters ng pagbi-Blink niya

“Kasi sa buhay naman natin ngayon na may social media, may mga bashers talaga. Hindi mo naman mako-control ’yon, e, kung ayaw ka nila. “Basta ako, ang motto ko sa buhay, as long as wala akong nasasaktan, as long as ’yong mga fans ko natutuwa pa rin sa ginagawa ko, e, nakaka-good vibes pa din...wala namang problema.”

Photos: @msaiaidelasalas @viva_records @blackpinkofficial

“Kasi sa buhay naman natin ngayon na may social media, may mga bashers talaga. Hindi mo naman mako-control ’yon, e, kung ayaw ka nila. “Basta ako, ang motto ko sa buhay, as long as wala akong nasasaktan, as long as ’yong mga fans ko natutuwa pa rin sa ginagawa ko, e, nakaka-good vibes pa din...wala namang problema.”

Nasa California na ngayon si Ai-Ai delas Alas dahil required siyang magpakita doon as a green-card holder at para bisitahin na rin ang middle child niyang si Nicolo na naka-base doon.

Pero bago lumipad ay tinapos muna niya ang mga showbiz commitments dito kabilang na ang pagpo-promote ng comeback novelty single niyang “Siomai (What?)” under Viva Records.

Hindi naman bago kay Ai-Ai delas Alas ang pagkanta ng mga novelty at pakwela songs pero matagal-tagal siyang nabakante sa field na ito kaya naman sa pagbabalik niya sa music scene, eto at napagdiskitahan nila ng singer-composer na si Blanktape (Arlen Mandangan in real life) ang siomai.

“Noong binigay sa akin, nagustuhan ko, nakaka-good vibes and about siya sa food,” tsika ni Ai-Ai about the song. “E, s’werte ako sa food kasi lahat ng ine-endorse ko puro food. Sabi ko, baka sakali na umokey...”

Dream daw kasi nila ng manager niyang si Boy Abunda noon pa na magkaroon siya ng hit song dahil ’yun nalang, kumbaga, ang kulang sa showbiz resume niya.

At dahil certified K-Drama fan and Blink siya—or avid fan na KPop girl group na Blackpink—naisip niyang “i-guest” ang ilan sa mga paborito niyang K idols sa K-Pop-inspired music video ng siomai. Kaya lang ay napurnada umano dahil hindi na-achieve ang desired effects niya.

“Meron dapat prosthetics ng mga idols ko...sina Park Seo joon, si Lisa of Blackpink...e, hindi nakopya nang magandang-maganda ’yong prosthetics,” k’wento ni AI-Ai sa original concept niya for the music video.

Gusto raw sana niya na kunwari ay kasama niyang kumakanta ng “Siomai (What?)” ang mga idols niya.

“’Yon talaga ang pasabog doon,” hirit pa niya. “E, hindi naging precise ’yong ano [prosthetics]...baka ma-bash pa ako. So, tinanggal ko nalang doon sa video...puro ako nalang.”

Nevertheless, sinikap pa rin nila ng director niya na magkaroon pa rin ng K-Pop feel ang music video niya.

“Sa susunod kakaririn ko na,” pangangako pa ni Ai-Ai.

Madalas ngang gayahin ni Ai-Ai ang Blackpink sa mga TV performances niya lately. Pero aniya, hindi nanan daw siya nakiki-ride lang kundi talagang tagahanga siya.

Nakaka-good vibes daw kasi ang kanta ng mga ito at once pinanood mo daw magsipag-perform ay magiging fan ka talaga ng mga Koreanang ito. Nakaka-bagets daw kasi. At sa gaya niyang performer, it’s a must na hindi ka nahuhuli sa kung ano ang bago.

“Fan ako ng Blackpink, talagang kina-career ko ’yong kanta nila, pinagbubuhusan ko ng time and effort...kasi mahirap kantahin ang Korean ah—kahit naman anong language mahirap kantahin pag hindi mo naiintindihan. 

“Pero pag ina-aral ko ’yong kanta, may subtitle naman siya. So, makikita mo doon ano ibig sabihin,” patunay pa ni Ai-Ai sa Blink process niya.

Maraming natutuwa kapag kinokopya niya ang Blackpink. Katunayan ay ilang beses na siyang nag-trending sa Twitter dahil dito. Meron pang mga nagha-hastag o nagbabansag sa kanya bilang ika-lima umanong member ng grupo.

“Natutuwa naman ako kasi ’yong iba tinatanggap na nila na ganu’n ako...’yong iba [sinasabi], ‘Hayaan n’yo nalang siya sa trip niya, pagtawanan nalang natin...’”

Pero marami ring hindi naaaliw at inaakusahan nga siyang nakiki-ride on lang sa popularity ng grupo.

Sa mga haters na ito, deadma lang daw ang pang-tapat niya.

“Kasi sa buhay naman natin ngayon na may social media, may mga bashers talaga. Hindi mo naman mako-conrol ’yon, e, kung ayaw ka nila.

“Basta ako, ang motto ko sa buhay, as long as wala akong nasasaktan, as long as ’yong mga fans ko natutuwa pa rin sa ginagawa ko, e, nakaka-good vibes pa din...wala namang problema. 

“Kahit sino nama ngayon may basher. Wala lang din silang magawa siguro so nag-o-opinyon nalang din sila. Lalo na ngayon na pandemic, maraming time ang tao sa loob ng bahay...nagko-compu-computer. Ganu’n talaga ang buhay ngayon.”

Sa ngayon ay available na ang newly released single niya sa Spotify, Apple Music, and other digital platforms.

Panoorin ang official music video ng “Siomai (What?)” ni Ai-Ai dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai delas Alas, lilipad papuntang Amerika para doon magpa-vaccinate; “Para ’yong para sa amin [na bakuna dito], mapunta nasa ibang may kailangan din.”

Prince Harry opens up about his mental health issues; says “It’s my responsibility... my duty, to break that cycle [of pain and suffering in the family].”

Para kay Andrea Torres, “it’s an honor” daw kung totoo ang balitang magkaka-sitcom sila ng idolong si John Lloyd Cruz

Andre Brouillette sa pagkaka-link niya kay Rabiya Mateo: “I can’t control what people think.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.