Ai-Ai Delas Alas, “feelingerang” nakiiyak sa naging wedding proposal sa unica hija niyang si Sophia

PHOTOS: @msaiaidelasalas @sophdelasalas

PHOTOS: @msaiaidelasalas @sophdelasalas

May heartwarming message ang komedyanang si Ai-Ai Delas Alas sa kanyang unica hija na si Sophia ngayong engaged na ito sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Vince Bautista.

“I just said YES to my person. The funniest proposal ever — I wouldn’t have it any other way. I love you! @vincebautistaa say hi to our witness,” pagbabalita ni Sophia kahapon, April 4, sa kanyang IG post that came with a photo kung saan makikita ang engagament ring n’ya at ang alaga nilang aso. 

Sa kanyang Instagram ngayong araw, April 5, ini-repost ni Ai-Ai ang IG photo ng kanyang anak at nilakipan iyon ng isang heartwarming congratulatory message. 

“Happy for you aking bunso @sophdelasalas and dong wag mo papabayaan ang aking only girl at bunso,” pahayag ng Comedy Concert Queen.

Hiling din n’ya na sana ay maging masaya ang pagsasama ng kanyang anak at magiging manugang. 

“[N]away maging maligaya at puno ng pag mamahalan ang inyong pagsasama... at happy bday na din sayo dong @vincebautistaa,” lahad pa ni Ai-Ai.

Pag-amin pa n’ya, nakiiyak din daw s’ya during the proposal dahil nakita n’yang masaya ang kanyang unica hija.

“[N]akiiyak din ako sa proposal feelingera,” sey pa ng Kapuso star. “[N]akita ko kasi ang anak ko umiyak tears of joy nakisali nandin ako.

“[C]ongratulations budangding and dong .. GOD BLESS YOU BOTH @sophdelasalas @vincebautistaa,” pagtatapos ni Aiai.

Just few weeks ago, binida ni Ai-Ai ang kanyang only daughter nang magtapos ito sa kursong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education sa De La Salle University.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas, thrilled to get a reply from actress Anna Shay of Netflix’s Bling Empire

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas funnily corrects grammar of her monthsary greeting post for husband Gerald Sibayan

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas flexes husband Gerald Sibayan’s workout output

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas is flattered that Sandara Park messages her back when she inquired about “It’s Okay To Not Be Okay” K-Drama memorabilia; says Dara remains “napakabait.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.