Ai-Ai delas Alas, klinarong hindi siya supporter ni VP Leni Robredo

Bagama’t hindi pinangalanan ni Kapuso comedienne Ai-Ai delas Alas kung sino ang kanyang sinusuportahan, sapat na para sa mga BBM supporters ang #iwantunity sa post niya dahil iyon ang isa sa isinusulong ng dating senador sa kanyang kandidatura.

PHOTOS: @msaiaidelasalas on Instagram

Bagama’t hindi pinangalanan ni Kapuso comedienne Ai-Ai delas Alas kung sino ang kanyang sinusuportahan, sapat na para sa mga BBM supporters ang #iwantunity sa post niya dahil iyon ang isa sa isinusulong ng dating senador sa kanyang kandidatura.

Pumalag si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas matapos s’yang maihanay sa mga celebrities na sumusuporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 10, umapela s’ya na huwag s’yang isali sa mga paandar na may kinalaman sa pulitika. 

“Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito .. tahimik buhay ko .. lahat na lang,” panawagan ni Ai-Ai sa kanyang post kalakip ang screenshot photo mula sa YouTube channel na Celebrity Profile PH.

Makikita nga roon ang mukha ni Ai-Ai na kasamang naka- collage sa photos ng ilang aktres gaya nina Rica Peralejo, Kim Chiu, Anne Curtis, Angel Locsin, Lara Quigaman, Megastar Sharon Cuneta na misis ng running mate ni Robredo na si Senator Kiko Pangilinan, at ang kapwa komedyana n’yang si Pokwang.

Nakalagay rin doon ang title ng now-deleted video na “Mga Artista Nagsuot ng Pink Para Ipakita ang Suporta Kay Leni Robredo."

Oo nga’t naka-pink din si Ai-Ai sa litrato pero edited daw ’yon at kinuha lang sa poster ng movie n’ya na Ang Tanging Ina N’yong Lahat noong 2008.

“[H]uy !!!! [T]anging ina ko pa picture yan tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan,” call out pa n’ya sa taong nasa likod nito. 

Paglilinaw pa n’ya, “[P]ls hindi po ako vp LENI supporter… #panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantunity #silenceisdeadly.”

Umani naman ng suporta si Ai-Ai mula sa mga supporters ni dating senador Bongbong Marcos (BBM) na matinding kalaban ni Robredo sa pagka-presidente.

Bagama’t hindi pinangalanan ng Kapuso comedienne kung sino ang kanyang sinusuportahan, sapat na para sa mga BBM supporters ang #iwantunity sa post ni Ai-Ai dahil iyon ang isa sa isinusulong ng dating senador sa kanyang kandidatura.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.