Ai-Ai delas Alas, lilipad papuntang Amerika para doon magpa-vaccinate; “Para ’yong para sa amin [na bakuna dito], mapunta nasa ibang may kailangan din.”

Photos: @vivarecords |@msiaiadelasalas

Photos: @vivarecords |@msiaiadelasalas

Any moment now ay lilipad na papuntang Amerika si Ai-Ai delas Alas at ang asawang si Gerald Sibayan.

Doon na raw sila magpapa-turok mag-asawa ng Covid-19 vaccine tutal ay green card holder naman siya kaya libre din umano ang vaccine niya doon.

When asked bakit kailangang doon pa sila magpa-jab? Nasabi niyang “Para ’yong para sa amin [na bakuna dito], mapunta nalang sa ibang may kailangan din.

“Tutal, US Citizen naman ako, so libre din naman ang vaccine ko doon.” 

Katwiran marahil ni Ai-Ai, hayaan nang mapunta ang slot nila ng asawa niya sa ibang Pinoy bilang kulang pa nga ang supply ng vaccine sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa gaya ng Amerika.

Pero actually, sidelight nalang ang bakuna. Of couse, mas main reason ay bibisitahin na rin ni Ai-Ai ang middle child niyang si Niccolo na doon naka-pirmi at s’yempre, mag-i-inspection na rin sa bahay niya sa Los Angeles na nabili niya noon pang 2015, kasabay ng pagkakaroon niya ng green card.

However, dinenay ni Ai-Ai ang haka-haka na ang tunay na dahilan ng pagpunta niya ng Amerika ay para sa ibang turok—ang plano niyang makapag-conceive ng baby through In Vitro Fertilization (IVF).

“Saka na ‘yon pag maayos-ayos na ang lagay ng lahat,” pagdi-dismiss ni Ai-Ai sa tanong while pertaining to the pandemic.

Agad din naman daw babalik si Ai-Ai dahil may commitment siya sa GMA-7 sa pagbubukas ng 4th Season ng reality singing competition na The Clash, kung saan isa siya sa mga judges (alsongside Lani Misalucha, Christian Bautista, and Pops Fernandez).

Pero dahil nga aalis ay tinapos din muna ni Ai-Ai ang iba pang niyang side commitments gaya ng pagre-record ng new novelty single niyang Siomai (What?) for Viva Records at ang paggawa ng K-Pop inspired na music video nito (bilang isa siyang K-Pop fan at certified Blink).

Aniya, ang Siomai (What?) ay sinulat daw ng novelty rapper/composer na si Blanktape (o Arlen Mandangan in real life) at ibinato sa kanya. 

(Si Blanktape ay naging kontrobersyal noong araw dahil sa kanta niyang “Banana” na inalmahan pa ng Cathlolic Bishops Conference of the Philippines dahil umano sa pagka-double meaning nito.)

Pero nilinaw ni Ai-Ai na hindi jingle ng Siomai King na ine-endoser niya ang Siomai (What?). Nagkataon lang daw. Basta daw at noong ibinigay sa kanya ay nagustuhan naman niya agad dahil good vibes lang ang buong aura ng kanta.

Good vibes din ang pagka-mala-K-Pop ng music video niya kung saan nailabas niya ang well-maintained trimmed figure niya. Maraming beses na ring nagpaka-K-Pop si Ai-Ai sa mga TV production numbers niya lalo na sa The Clash at partikular niyang ginagaya ang Blackpink. At doon ay maka-ilang beses tuloy siyang nag-trending sa Twitter. May ibang naaaliw, may ibang nai-imbiyerna. Pero deadma si Ai-Ai sa bashers dahil sa panahon naman daw ngayon, wala daw yatang taong walang basher—ke celebrity man o hindi—kaya keber.

Ang importante na lang kay Ai-Ai, na wala naman nang dapat patunayan pa, ay enjoyin nalang ang mga projects na patuloy pa ring dumarating at magpaligaya ng mga naaaliw sa kanya. Bashers don’t count kumbaga.

Sa ngayon ay available na for download ang newly released single niyang Siomai (What?) sa Spotify, Apple Music, and other digital platforms. 

At para naman magaya ang special dance choreography ng masayang kanta sa mga mahihilig mag-TikTok, panoorin ang official music video ng “Siomai (What?)” ni Ai-Ai dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai Delas Alas, “feelingerang” nakiiyak sa naging wedding proposal sa unica hija niyang si Sophia

Viva Records’ May 20 releases are a fusion good vibes, somber moods, and relatable pains

Kathryn Bernardo, ayaw muna magbuntis kapag nagpakasal sila ni Daniel Padilla

Aljur Abrenica, umaming nagka-problema sila ng asawang si Kylie Padilla

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.