Ai-Ai delas Alas, nagluluksa sa pagpanaw ng kaibigan at mentor dahil sa COVID-19

PHOTOS: @msaiaidelasalas & @musicbox.sing.along.baron on Facebook

PHOTOS: @msaiaidelasalas & @musicbox.sing.along.baron on Facebook

Napaiyak si Ai-Ai delas Alas nang magk’wento s’ya tungkol sa pumanaw n’yang malapit na kaibigan at mentor na si Jun de Dios o mas kilalang Daddy Wowie sa showbiz circle. 

Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kagabi, April 15, emosyonal na nagbalik-tanaw ang comedienne-singer kung paano s’ya natulungan ni Daddy Wowie who has recently lost his battle against COVID-19.

Si Daddy Wowie ang naka-discover kay Ai-Ai at nag-encourage sa kanya na subukang pasukin ang showbiz. Naging kasabayan pa n’ya noon sa pagpasok sa industriya ang mga kapwa komedyante na sina Arnell Ignacio at Allan K

S’ya ‘yong unang naniwala sa akin, sa amin nina Arnell,” umiiyak na lahad ng aktres sa virtual interview n’ya with Lhar. “S’ya ‘yong unang nakakita na nakakatawa pala ako. At s’ya ‘yong nagpilit na maniwala ako na nakakapagpasaya ako ng tao.

Bago kasi nakapasok at nagkapangalan sa showbiz ay nagtrabaho muna noon bilang saleslady ang tinagurian ngayon na Comedy Queen. Naging secretary din daw s’ya sa Bulwagang Gantimpala bago naging sing-along master sa isang comedy bar sa Timog sa Quezon City, kung saan niya naging boss at mentor ang namayapa. Ang pagiging sing-long master naman ang nagbukas ng pinto ng showbiz sa kanya. 

K’wento nga n’ya sa kanyang Instagram post kamakailan sa pagkamatay ni Daddy Wowie: “Sobrang nalulungkot ako ... sya ang mahal kong boss kung hindi nya ko kinuha na sing along master sa music box hindi sana ko si aiai ngayun.”

Nagpasalamat din s’ya sa lahat ng naitulong sa kanya nang pumanaw n’yang kaibigan.

“[S]alamat boss wowie sa opportunity na binigay mo sa aken , salamat sa friendship, salamat sa kabaitan mo saken .. salamat at ikaw ang unang naniwala samen ni arnel boss  @bignelli.”

“[P]ahinga ka na .. till we meet again .. i love you,” pagtatapos ni Ai-Ai. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas and “Darl” Gerald Sibayan celebrate seventh anniversary

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas is flattered that Sandara Park messages her back when she inquired about “It’s Okay To Not Be Okay” K-Drama memorabilia; says Dara remains “napakabait.”

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas, tinawanan lang ang death hoax; buti nalang daw at maganda siya sa ginamit na picture pang-clickbait

Pika's Pick: Ai-Ai delas Alas funnily corrects grammar of her monthsary greeting post for husband Gerald Sibayan

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.