Aiko Melendez, aminadong bwisit—pero hindi galit— sa ex-husband na si Jomari Yllana

PHOTOS: @aikomelendez & @jomariyllana on Instagram

PHOTOS: @aikomelendez & @jomariyllana on Instagram

Wala raw nararamdamang galit si Aiko Melendez sa kanyang dating mister na si Jomari Yllana. Pero aminado siyang nabubuwisit siya rito.  

Inilahad ito ng Kapuso actress sa vlog ng komedyante and talent manager na si Ogie Diaz na in-upload sa YouTube last January 16.

Sa nasabing vlog, sumalang sa lie detector challenge sina Aiko at Ogie kung saan salitan nilang tinanong ang isa't isa while using a lie detector gadget. 

May kinalaman sa personal na buhay ang mga naitanong ni Ogie kay Aiko, kabilang na nga rito kung masaya ba s'ya ngayong engage na si Ara Mina sa boyfriend nitong si Dave Almarinez.

"Oo naman. Happy ako," confident na sagot ng aktres. 

Matatandaan kasi na nagka-issue noon sina Aiko at Ara matapos ma-link ni Ara kay Jomari Yllana way back 2001. That time kasi ay married pa sina Aiko at Jomari hanggang sa na-annul ang kanilang kasal noong 2003. Meron silang naging anak, si Andre, who is now 22 years old.

After 16 years ay nagkabati rin ang dalawang aktres.

"Dati na 'yon, Mother (term of endearment n'ya kay Ogie)," say ni Aiko. "Ikaw nagtanong n'yan, a. Baka mamaya ako na naman [ang] sisihin ng mga tao. [Baka] sabihin e... Ang dami ko ng nasabi, 'di ba? Happy ako sa kanya."

Isa pa sa naitanong ni Ogie kay Aiko ay kung galit ba s'ya sa kanyang former husband na si Jomari.

"Hindi. May explanation ako after," tugon ng award-winning actress. 

At tumunog ang lie detector machine nila indicating na nagsasabi si Aiko nang totoo. 

Sa puntong ito nag-explain ang aktres. 

"Mother, hindi ako galit sa kanya," paliwanag n'ya. "Bwisit ako sa kanya. Hahahaha! Charot lang. 

"Hindi naman ako galit sa kanya kasi ang galit dito [sa dibdib] nanggagaling, 'di ba? Hindi. Ang sa akin lang, 'yong minsan lang, parang, 'Hay naku.' Parang napapaganu'n lang ako. 'Heto na naman.' Pero hayaan mo na."

Dahil sa sinabi n'ya, muling nagtanong si Ogie kung ano 'yong ibig n'yang ipakahulugan sa sinabi n'yang 'heto na naman.'

"Hindi. Bumabawi naman s'ya, in fairness, ngayon," lahad pa n'ya. 

At dahil hindi nga makontento sa sagot ni Aiko, muling nagtanong si Ogie kung bakit nabubuwisit ang aktres gayong bumabawi naman pala si Jomari. 

"Kasi minsan may mga sinasabi s'ya na hindi nangyayari," paglilinaw ni Aiko. "'Yong sama ng loob ko, 'yong kabuwisitan ko [sa kanya], it's because of my son. As I've said, bumabawi naman s'ya. Sana naman consistent s'ya ngayon."

Ang tinutukoy ni Aiko ay ang pagre-reach out daw ni Jomari sa anak nilang si Andre. 

"Nagkita silang madalas nu'ng Christmas. Mga three times. Kasi dati wala talaga,'di ba? So, ngayon, may movement na kasi towards Christmas [to] New Year, nagkikita sila nang madalas."

Wala naman daw masabi si Aiko sa isa pa n'yang ex-husband na si Martin Jickain sa pagiging daddy nito sa 13-year-old daughter nilang si Marthena. 

Bago naman matapos ang vlog, tinanong pa ni Ogie si Aiko kung naiinggit ba ito kay Ara Mina ngayong engage na aktres.

"Hindi," mabilis n'yang sagot. 

"Bakit naka-irap [ang mata mo]?" tukso pa sa kanya ni Ogie. 

"Kasi paulit-ulit [ang tanong]," balik n'ya sa kaibigang komedyante.

At nagsasabi naman daw nang totoo si Aiko, base sa lie detector gadget na gamit nila.

Anyway, matatandaang hinulaan si Aiko ng celebrity psychic na si Jovi Vargas at sinabing nakikita daw n'ya na may posibilidad na mag-settle down na ang aktres at ang politician boyfriend nitong si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa taong ito.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Aiko Melendez, galit na hinamon ang Netizen na may hawak ng diumano’y “scandal video" ng anak niyang si Andre Yllana

Aiko Melendez reacts to bashers body shaming her sexy photos; asks why “people can’t be happy when someone just achieved her goal”

Pika's Pick: Aiko Melendez and Vice Governor Jay Khonghun mark 3rd anniversary as couple; Aiko thanks him for sticking around

Pika's Pick: Aiko Melendez’s panganay Andre Yllana turns 22 and she reminds him to “never  allow your past to define you.”

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.