Aiko Melendez, dismayado sa pagbabaklas ng tarpaulins niya sa QC; may sagot sa paratang na premature campaigning, “I know the law. I follow it po. We follow comelec guidelines po.”

Hiling lang ni Aiko Melendez, sana raw ay lumaban nang patas ang mga kalaban niya sa pulitika.

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram

Hiling lang ni Aiko Melendez, sana raw ay lumaban nang patas ang mga kalaban niya sa pulitika.

Hindi napigilang maglabas ng kanyang saloobin ang aktres na si Aiko Melendez sa pagbabaklas ng kanyang mga tarpaulin sa isang barangay sa Quezon City.

Nakunan ng video ang pangyayari at nakarating ito sa kanya na ipinost naman n’ya sa kanyang Instagram account kahapon, November 3.

Hindi napigilinan ni Aiko, na tatakbong konsehal sa 5th district ng nasabing lungsod, na ilabas sa kanyang caption ang kanyang pagkadismaya. 

Mga supporters daw kasi n’ya ang nagkusang maglagay ng tarp n’ya sa harap ng kani-kanilang mga bahay pero pinagtata-tanggal umano ’yon base sa utos umano ng mga taong nasa p’westo ngayon. 

“Paano tayo magiging mabuting leader ng QC kng nagbibigay tayo ng masamang ehemplo sa mga tao po. Hindi ung kakaunti na nga lang po ang tarpulins ko binabaklas nyo pa po. Na kusang nilalagay ng mga taong sumusuporta sa akin tinatanggal nyo pa po,” panimula ni Aiko sa mahaba n’yang IG post.

Sunod-sunod n’yang tanong sa mga taong nasa likod umano ng pag-akto: “Dahil ba kayo ang naka upo? Dahil kayo ang makapangyarihan sa barangay Kaligayahan? Dahil kayo ang asa administrasyon?”

Dagdag pa n’ya, pare-pareho lang naman daw sila ng goal at ’yon ay ang makapag-serbisyo sa publiko kaya sana daw ay lumaban ang mga ito nang tama. 

“Sana naman po lumaban po tayo ng patas po,” aniya. “Nakuhaan po namen ng video ang L300 na nagbabaklas utos daw ng kinauukulan. 

“Sana lumaban po tayo ng patas. Kasi kandidato naman tayo pare parehas na gustong maglingkod at magpakita ng magandang ehemplo sa Quezon City.”

Hiling din n’ya sa kanyang mga supporters, “Sa mga ka distrito ko na inuutusan ng mga me kapangyarihan sa posisyon para magtanggal ng tarpulins ko, Pag mali po ang utos wag sundin dahil labag po yan sa batas. Laban lang po parehas.”

Nakahanap naman ng kakampi si Aiko sa kanyang mga fans at mga kaibigang celebrities.

Saad ng Prima Donnas co-star n’yang si Chanda Romero, umpisa pa lang daw ’yan ng mga kakaharapin n’ya sa muli n’yang pagtungtong sa aniya ay maduming mundo ng pulitika kaya ipagdadasal daw s’ya nito.  

“This is only one of the many challenges you will encounter in the world of politics. Sadly, there are always those who will play dirty. This is only the beginning. I pray that you will be safe and succeed in your goal,” pahayag ng veteran actress sa kanyang comment.

SCREENSHOT: @aikomelendez on Instagram

Agree naman si Karla Estrada sa hiling ni Aiko sa kanyang mga supporters by saying: “Wag tularan [ang mga nagtatanggal ng tarpaulins ng ibang kakandidato dahil] bawal yan.” 

SCREENSHOT: @aikomelendez on Instagram

Sabi naman ni Melissa Mendez: “Grabe naman ang unfair nila. Basta Laban lang Aiks. Ginagawa nila yan dahil takot sila sya [sic].”

SCREENSHOT: @aikomelendez on Instagram

Bawal naman talaga ang early campaign ayon sa panuntunan ng COMELEC. Pero ang mga tarpaulins daw ng aktres ay hindi pa n’ya mismong official campaign posters. Naglalaman lang daw ’yon ng mukha n’ya at wala ang mga katagang “Vote for” at posisyon na tatakbuhan. 

“Ang bawal po is when your tarps merong vote or any position po. I know the law. I follow it po. We follow comelec guidelines po,” paliwanag pa ni Aiko sa comment n’ya sa isang netizen. 

“Ang akin lang po bakit ung tarpulin ko lmg ang bawal ung iba nga po mas garapal ang kanila me position na po. 

“Again pinaglalaban ko lang po ang mga supporters ko na naglalagay sa mga bahay po nila mismo. Sana wag lang ung akin ang tanggalin po.”

SCREENSHOT: @aikomelendez on Instagram

Sa kasunod n’yang IG post nilinaw ng actress-politician na hindi n’ya gustong may makasamaan pa ng loob dahil sa pangyayari. Mas pinili na lang n’yang magpakumbaba at palagpasin na lang ’yon. 

“[A]ng tanging kagustuhan ko po lamang ay ang magsilbi,tumulong at makapaglingkod sa aking mga ka distrito at hindi magkaroon ng kasamaan ng loob kahit kanino man,” pahayag n’ya. 

“May mga tao na po na tumatawag sa akin na nakiusap dahil naaapektuhan na sila sa mga sinabi kong pag tatangol sa mga taong sumusuporta sa akin na Gumagastos para ipakita ang kanilang pag mamahal at malasakit,” dagdag pa ng aktres. 

“Para sa ikakatahimik ng lahat ..ako napo ang nag papakumbaba kahit kakampi ko ang katotohanan… Sana po mapanatili natin ang katahimikan at kaayusan ng halalan na darating ng walang nilalabag na karapatan nino man..Salamat,” pagtatapos ni Aiko. 

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.