Aiko Melendez, emosyonal sa pag graduate sa college ng panganay na si Andre Yllana

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram

Inamin ni Aiko Melendez na naging emosyonal s’ya kahapon, June 13, dahil finally ay nagtapos na sa kolehiyo ang panganay n’yang si Andre Yllana sa kursong Automobile Mechanic sa Don Bosco Technical Institute of Makati. 

Sa kanyang Instagram account, inilahad ng aktres na hindi naging madali ang pinagdaanan n’ya sa pagpapaaral sa kanyang anak lalo pa’t isa s’yang single mother. 

“As i write this, I can’t help but be emotional,” pag-amin ni Aiko sa IG post that came with a video na kuha sa virtual graduation ng anak kahapon. “Una kasi di madali ung pinagdaanan ko para mapagtapos ko Anak ko yes on my own. Single mom ako dba . Not complaining.”

“I remember there were days na i was lacking in terms of financial at that time, Mader Ogie Diaz somehow knows my story. It’s a story of my UPS and DOWNS.”

Dagdag pa n’ya, dumaan sa depression noon si Andre pero nagpursige sila na mapag-aral ito sa college. At studies nga daw ang naging priority ng anak kaya pansamantala nitong iniwan ang showbiz.

“Kasi my Son was going through a depression at that time,umabot sa time nag campus tour kami ng anak ko From Ateneo, Lourdes, Colf pero sabi ko di ko susukuan anak ko igagapang ko yan. Panganay ko yan gagawin ko ang lahat just to make him finish College,” pagre-recall ni Aiko.  

“Remember nag artista sya for a time kaso ang dami nangyayari so I spoke to him and he said he will finish school ,and if Showbizness is still kind and will welcome him still babalik sya.”

At dahil solo parent nga na nagpapa-aral ng anak, hindi na daw naging mapili pa si Aiko sa mga projects na binibigay sa kanya.  Saksi daw ang mga kaibigan niya sa mga naging struggles niya.

“Few of my friends know hirap ako tlaga Pops Fernadez Carmina Villarroel Legaspi Gelli de Belen Cez Gella yan ang me alam ng lahat ng luha ko, Hirap... Me oras sunod sunod tanggap ako ng tanggap ng work para to meet our payables and all,” kwento n’ya. 

Sa bagong milestone na ito sa buhay ni Andre, for sure daw ay masaya at proud ang kanyang late step father na si Dan Castaneda

“Im Happy and sad kasi Dream yan ng Daddy Dan Castaneda ko ke Andre Yllana to finish school kaso wala na sya. So Dad finally eto na un! Graduate na Apo mo. I know you must be as proud as I am now,” sey pa nang masikap na celebrity mom. 

At sa puntong ito na n’ya pinasalamatan ang miyembro ng kanilang pamilya na tumulong in their own ways para mapagtapos si Andre. 

“To my brother Angelo Castaneda thank you for being the 2nd dad of Andoy. And treating him as if your own,” pahayag ni Aiko. “To my sisters Michiko Castaneda Bibit Erika Akiko Castaneda Jacinto thank you also for encouraging Andre to never give up. Jojon Jacinto salamat for constantly reminding how important education is. And to Marthena Jickain for always lifting your kuya’s morale when he felt the lowest. You are kuya Andre’s sunshine.”

Hindi rin nya nakaligtaang pasalamatan ang nobyong si Zambales Vice Governor Jay Khonghun, at ang kanyang Mommy Elsie Castaneda. 

“Lastly, Jay Khonghun for convincing Andre in pursuing all his dreams, that in every downfall he must rise! To my mom who also never gave up on him,” saad n’ya. 

Pahabol pa ng aktres sa kanyang unico hijo, “You know i just want only the best for you. Di man tayo kumpleto pero binuo mo and ni Marthena ang buhay ko. Love you son !!!!” 

Hindi nabanggit ni Aiko ang ama ni Andre na si Jomari Yllana. Matatandaang galit-bati ang relasyon nilang mag-ex couple, kung paanong ganoon din ang relasyon ni Andre sa ama. Ilang beses ding naging issue between Aiko and Jomari ang diumano ay lack of financial support and kawalan din umano ng presence ni Jomari sa buhay ni Andre.

Pero of late ay tila okay naman na ang relasyon ng mag-ama. 

Nag-post din ng sarili niyang pagbati si Jomari sa anak.

SCREENSHOT: @jomariyllana on Instagram

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez, inaming may sama ng loob sa kaibigang si Candy Pangilinan

Aiko Melendez, hinulaang magpapakasal ngayong taon

Aiko Melendez recalls COVID-19 scare

Aiko Melendez, galit na hinamon ang Netizen na may hawak ng diumano’y “scandal video" ng anak niyang si Andre Yllana

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.