Aiko Melendez, galit na hinamon ang Netizen na may hawak ng diumano’y “scandal video" ng anak niyang si Andre Yllana

PHOTOS: @aikomelendez (L) & @andreyllanaa (R) on Instagram

PHOTOS: @aikomelendez (L) & @andreyllanaa (R) on Instagram

Galit na hinamon ng aktres na si Aiko Melendez ang isang Netizen na may hawak ng diumano ay scandal video ng panganay n'yang anak na Andre Yllana.

Kahapon, June 22, matapang na hinamon ng Prima Donnas actress ang isang Netizen sa kanyang Tweet kung saan naka-attach ang isang screenshot photo na naglalaman ng tweet nito at mga pictures ni Andre.

Tila nagpaparami ng Twitter followers ang Netizen na may user name na @jakolinks dahil sa alok nito na magpo-post daw ng private video ni Andre kung sakaling umabot sa 25K ang followers n'ya.

SCREENSHOT: @Aikomelendez31 on Twitter

At na-beast mode nga si Aiko nang makarating sa kanya ang naturang mapanirang tweet through screenshot photo.

"I dare you! Ilabas mo kng me scandal anak ko!!!!" direktang hamon ng 44-year-old actress sa Netizen na may hawak daw ng scandal video ng anak nila ng dating asawang si Jomari Yllana.

"Kapag wala ka mailabas ah ikaw ang ipapaproduce ko ng scandal mo mismo ah!" dagdag hamon pa ng aktres.

Bwelta pa n'ya: "Wag ka bastos ah! Wag anak ko na si Andre Yllana matapang ka mangggamit! Ako harapin mo! at ang anak ko walang twitter po!"

SCREENSHOT: @Aikomelendez31 on Twitter

 

Sa kasunod na tweet, sinabi ng aktres sa Facebook account lamang merong ang kanyang anak at muli n'ya itong hinamon na s'ya ang harapin.

"[Ang only legit na acct ng anak ko ay] Facebook at his upcoming Youtube channel kaya wag ka bastos para sumikat at the expense of my son!!!" litanya pa ni Aiko. "@jakolinks ako harapin [mo]!
 

As of this writing, deactivated na ang nasabing Twitter account.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez reacts to bashers body shaming her sexy photos; asks why “people can’t be happy when someone just achieved her goal”

Pika's Pick: Fit and fab Aiko Melendez drops life appreciation post amid uncertainties

Pika's Pick: Aiko Melendez and Zambales Vice Governor boyfriend Jay Khonghun happily vacationing in Japan

Pika's Pick: Aiko Melendez easily quashes pregnancy rumor amidst her vomiting incident in Pampanga

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.