Aiko Melendez, hinulaang magpapakasal ngayong taon

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram & Aiko Melendez on YouTube

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram & Aiko Melendez on YouTube

Magpapakasal daw ang aktres na si Aiko Melendez ngayong taon. 

Ito ang sinabi ng celebrity psychic na si Jovi Vargas sa kanya na base daw sa mga events na nakikita n’yang mangyayari sa taong 2021.

Ang psychic kasi ang naging guest ni Aiko, via Streamyard, last January 9 na naka-livestream sa kanyang YouTube channel at Facebook page.  Vlogger at host na rin kasi ng sariling online show ang aktres.

Sa kanilang online tsikahan, napag-usapan nga nila ang mga prediksyon ni Jovi sa mga magaganap umano sa taong ito partikular na sa mga ganap sa showbiz industry. 

Ang showbiz, nakikita ko babangon uli,” pahayag ng guest psychic kay Aiko. “Bubuhayin uli. May mga pagbabago na p’wedeng ikagalak ng showbiz.”

Isa kasi ang entertainment industry sa lubhang naaperkuhan nang tumama ang pandemya sa Pilipinas. 

“[Ba]bangon 'yan,” pagpapatuloy nito “Hindi naman kasing ganu’n [gaya] dati pero nag-i-improve. ‘Yon naman ang maganda sa 2021, nag-i-improve. At saka nagkaroon na tayo ng lessons from the past, sa 2020.”

Sey pa ng psychic, mapalad daw ang mangilan-ngilan na taga-showbiz dahil patuloy silang bibiyayaan ng mga projects ngayong taon at kabilang na nga daw doon si Aiko. 

Maswerte ang mga taga-showbiz,” salaysay pa ni Jovi. “Hindi naman lahat ha. May nakikita akong piling-pili na magkakaroon ng magagandang projects. Kagaya mo, Ms. Aiko. Hindi ka mawawalan. Magiging part ka pa rin ng showbiz. 

“I think there is another good news about project na maaring gawin mo. And another two things na maaari mo ring ikatuwa kasi gumagalaw pa rin ang showbiz career mo.”

Sa pagpapatuloy ni Jovi, inilahad niya na naba-vibes umano niya ang pagse-settle down umano ni Aiko this year.

“You have to be prepared because this is also the year where you’re going to prepare to settle, you know. It’s something to do with the relationship. I cannot ano, e. Ayoko muna i-broadcast,” sey ni Jovi.

Natawa naman si Aiko sa tila pinaghalong kilig at excitement.

Going strong din naman kasi ang relasyon ng aktres sa kanyang politician boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun. Katunayan, nag-celebrate na sila ng kanilang third anniversary noong October last year. 

Hayaan ko na muna s’yang… Pang-sarili mo na muna ‘yan,” sabi pa ni Jovi.

Hindi ba kami maghihiwalay?” tanong ni Aiko.

“Never,” sagot naman ng kanyang guest fortune teller. “Hindi ko ma-anuhan ‘yon because there’s a lot of project at may magandang magyayari itong 2021 doon sa mga plano ninyo.”

Pagpapatuloy pa nito na may halong sundot kay Aiko: “Well, ‘yong sumpong nandudoon, Ms. Aiko. Part mo ‘yon. Nasa part mo minsan ‘yong sumpong. Kaya kailangan patient, patient, patient.”

At muling natawa si Aiko sa mga sinabi ni Jovi. 

“Trust the person. Trust your love. With the love of God, with support from prayer with God, things will become okay,” dagdag pa nito.

Nakikita rin daw n’ya may posibilidad na magre-relocate sa ibang lugar ang aktres. 

‘Yong path na tinatahak mo, Aiko, gustong-gusto ko ‘yan,” anito. “Actually, you’re on the right position on your planning, Aiko. 

Ang nakikita ko lang another place of change for you. Kunwari lang ha. Taga-San Juan ka kunwari, bigla kang napunta sa Pampanga. There will be a change of place. You can stay kung nasaan ka pero may additional place for you na kailangan pag-isipan mo nang mabuti.” 

“That’s loaded, Jovi,” reply naman ni Aiko. 

Maliban sa kasal at paglilipat ng tirahan ay nakikita din daw n’ya kay Aiko ang posibilidad na magbalik-politika ito. Paparating na din kasi ang eleksyon sa taong 2022 at may karanasan na din si Aiko sa public service bilang naging konsehal s’ya sa Quezon City noon mula 2001 hanggang 2010.

Meron kang political star na tinatawag. Maaari kang bumalik sa… I don’t know if it’s your passion. I see your aura. I see political career for you,” pahayag pa ng psychic na si Jovi.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez recalls COVID-19 scare

Aiko Melendez, galit na hinamon ang Netizen na may hawak ng diumano’y “scandal video" ng anak niyang si Andre Yllana

Aiko Melendez, Dimples Romana, Maxene Magalona, Louise delos Reyes and other celebrities pay tribute to their late dads on Father's Day

Aiko Melendez reacts to bashers body shaming her sexy photos; asks why “people can’t be happy when someone just achieved her goal”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.