Aiko Melendez, inaming may sama ng loob sa kaibigang si Candy Pangilinan

PHOTOS: @aikomelendez & @candypangilinan on Instagram

PHOTOS: @aikomelendez & @candypangilinan on Instagram

Umamin ang aktres na si Aiko Melendez na may sama s’ya ng loob sa kaibigang komedyana na si Candy Pangilinan.

Sinabi ito ni Aiko nang mag-guest s’ya sa vlog ng comedian and talent manager na si Ogie Diaz na in-upload sa YouTube last January 16. 

Sa nasabing vlog, kumasa ang dalawa sa lie detector challenge kung saan salitan nilang tinanong ang isa’t isa ng mga personal questions while using a lie-detector gadget para malaman kung nagsasabi ba sila nang totoo. 

At isa nga sa naitanong ni Ogie kay Aiko ay kung may kagalit ba s’ya sa isa sa tinaguriang Power Four o ‘yong grupo nila nga mga BFFs niyang nina Carmina Villarroel, Gelli de Bellen, at Candy Pangilinan nga.

May nakapansin daw kasing fans kung bakit hindi na nasundan ang mga vlog ni Aiko kung saan magkakasama sila ng mga kaibigan n’yang aktres. 

Oo,” pagtatapat ni Aiko kay Ogie. 

S’yempre, inungkat ng komedyante kung kanino sa tatlo siya may sama ng loob. Pero hindi ito direktang sinagot ni Aiko. 

“Just to clear the air... Ayokong i-pin point 'yong dahilan because I want to keep it private,” paliwanag n’ya. “But, para matapos na rin 'yong kaka-request nila ng collab naming apat. Siguro in my future vlogs, you will see more of me with Carmina and Gelli muna.

Sa sinabi n’yang ‘yon, lumalabas tuloy na si Candy ang tinutukoy n’yang nakasamaan n’ya ng loob. 

“So wala si Candy?” pagkukumpirma pa nin Ogie sa kanya. 

“So 'yon na 'yon,” tugon n’ya. 

Ayaw din daw n’yang idetalye pa ng puno’t dulo nu’n dahil may respeto pa rin naman daw s’yang natitira para sa kaibigan. 

Siguro hindi ko na kailangang... Ako, bilang meron pa akong respeto na natitira para sa kanya, ayoko nang i-elaborate,” paglalahad ni Aiko. 

Kasi matagal kaming naging magkaibigan and mahal ko 'yong taong 'yon, gusto ko munang iiwan sa kanya 'yong konting respeto na 'yon. Because nga iniisip ko pa rin, at the end of the day, na naging magkaibigan kami and meron naman s'yang magandang nagawa sa buhay ko. Kaya ayoko s'yang siraan, ayoko s'yang i-bad mouth. Basta ang pinaka-safe na masasabi ko hindi kami okay ngayon.

For almost a year na daw mula nang magkasamaan sila ng loob. 

At dahil bitin nga sa detalye, muli na namang nagtanong si Ogie kung sino ba ang nakagawa ng kasalanan kanino.

“I guess, I wouldn't be this confident in saying or not elaborating 'yong nangyari sa amin kung ako 'yong may na-agrabyadong tao,” paliwanag ng aktres. “But ayaw ko ngang magalit ang mga tao kay... Hindi ko mabanggit ang pangalan n'ya, 'di ba? Kasi masama pa ang loob ko sa kanya. 

Ayoko magalit ang mga tao sa kanya. Pero sana lang, ma-realize n'ya ngayong 2021 na nakasakit s'ya ng kaibigan n'ya - 'yong kaibigan n'ya na sana panghinayangan n'ya kasi pinaglaban s'ya n'yan all these years.”

Hindi na rin daw n’ya kinumpronta si Candy tungkol sa “nagawa” nito sa kanya at mas pinili n’ya ng manahimik na lang. Hindi rin daw n’ya gustong marinig ang paliwanag nito sa ngayon.

“She knew what happened, and she tried to explain her side. But siguro, sa sobrang sakit nang nagawa n'ya sa akin, I'd rather not hear from her muna because I want to heal,” aniya. 

Sinusubukan din daw silang pagbatiin nina Carmina at Gelli pero hindi pa daw ito ang tamang panahon.  

“Actually, inaayos kami ni Gelli tsaka ni Carmina. Ako, ayoko muna,” sey ni Aiko. “Ikaw, gusto mo kaming ayusin. Sabi ko, 'Mother, 'wag muna kayo makialam dito kasi masakit 'yong nagawa n'ya sa akin.' Hindi lang sa akin. Pati kay VG [Vice Governor Jay Khonghun]. 

Lahad pa ni Aiko, aware naman daw si Candy sa nagawa nito at nag-reach out daw ito sa kanya. 

“Many times she was calling me up, trying to text me but I said no muna because...to teach her a lesson. In fairness naman to her, she wanted to talk to me but I refused. Masakit, e. 

Masakit masyado 'yong nabitawang salita, 'yong mga accusations na ina-ano sa amin. Masakit masyado, e. So, gusto ko munang may matuto dito, na 'pag kaibigan mo, ke nakainom ka o hindi, dapat kaibigan mo 'yan. 

"Hindi ka nagiging carefree in saying things, tactless... Kasi ako, kapag naging kaibigan mo ako, Mother, whether nakainom ako o hindi, ipagtatanggol kita. Nakaharap man o nakatalikod.

Hiling naman ni Ogie ay magkabati na sana ang dalawa.

Sana isa sa mga araw na ito, Aiko, lalo pa't New Year, sa panahon ng pandemya, parang wala yatang lugar 'yong galit sa puso,” ani Ogie.

“So wini-wish namin ng mga kaibigan mo na magkabati kayo ni Candy. At s'yempre, hindi rin naman para husgahan ko si Candy dahil iba naman 'yong level ng friendship n'yo sa level ng friendship namin ni Candy at level of friendship natin sa buhay. Kaya sana magkaayos kayo.

Sa ngayon, tumigil na daw si Candy sa pagko-contact sa kanya dahil s’ya daw mismo ang nagsabing tumigil na muna ito.

"She stopped reaching out. Only because I told her not to. Huwag muna,” pagtatapos ni Aiko.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Aiko Melendez, galit na hinamon ang Netizen na may hawak ng diumano’y “scandal video" ng anak niyang si Andre Yllana

Aiko Melendez reacts to bashers body shaming her sexy photos; asks why “people can’t be happy when someone just achieved her goal”

Pika's Pick: Aiko Melendez and Vice Governor Jay Khonghun mark 3rd anniversary as couple; Aiko thanks him for sticking around

Pika's Pick: Aiko Melendez’s panganay Andre Yllana turns 22 and she reminds him to “never  allow your past to define you.”

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.