Aiko Melendez, napapa-isip nang magpa-freeze ng eggs niya for a possible third child

Aware si Aiko Melendez that the clock is ticking, kaya’t sumasagi na raw sa isip niya ang magpa-freeze ng eggs kagaya ng ginagawa ng ibang celebrities.  “Alam mo, nandu’n ako sa puntong gusto kong i-freeze ’yong eggs ko,” pagtatapat niya sa press. “Kasi nakita ko ’yong dalawang anak ko. In fairness ha, may future. Ang lakas ng dugo ko, ’di ba? Maganda ’yong lahi ko, in fairness,” pagmamalaki ng aktres.

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram

Aware si Aiko Melendez that the clock is ticking, kaya’t sumasagi na raw sa isip niya ang magpa-freeze ng eggs kagaya ng ginagawa ng ibang celebrities. “Alam mo, nandu’n ako sa puntong gusto kong i-freeze ’yong eggs ko,” pagtatapat niya sa press. “Kasi nakita ko ’yong dalawang anak ko. In fairness ha, may future. Ang lakas ng dugo ko, ’di ba? Maganda ’yong lahi ko, in fairness,” pagmamalaki ng aktres.

Nahanap na raw ni Aiko Melendez ang mga katangian ng taong gusto niyang makasama sa habang buhay sa katauhan ni Zambales representative Jay Khonghun, her boyfriend of five years.

[They are celebrating their first anniversary this coming October 28.]

Pero tila iwas-pusoy pa ang actress-public servant sa usaping kasal.

Iyan ang isa sa naging topic nang maka-tsikahan s’ya ng entertainment press sa naging media conference nila recently for their upcoming GMA-7 teleserye Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Natanong kasi ng press people si Aiko kung kelan ba magaganap ang hinihintay na kasalan nila ni Cong. Jay. 

Hindi ko alam. Hindi naman dapat sa akin nanggagaling ’yan kasi babae pa rin ako, ’di ba? Dapat sa kanya,” lahad ni Aiko.

Pero game naman daw s’ya kung sakaling magyaya o mag-propose na ito. Despite sa mga pinagdaanan niya sa larangan  ng pag-ibig, hindi pa rin naman daw sarado ang puso’t isip niya sa muling pagpasok sa buhay may asawa.

S’yempre, gusto ko pa ring magpakasal,” pag-amin niya. “Pero s’yempre, ayaw ko naman umabot na 50 years old, naka-gown pa rin ako, ’di ba? Parang time is ticking din naman, ’di ba?” 

Nahanap ko na rin naman sa kanya [Jay] ’yong gusto kong makasama,” patuloy niya. “Kasundo s’ya ng mga anak ko. So, winner na rin, ’di ba? Blessed naman ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko.

At dahil game naman s’ya sa pagpapakasal, natanong din s’ya ng press kung game pa rin ba s’ya sa pagkakaroon ng panibagong baby. 

Nagkakaro’n pa ko,” deklara ni Aiko na ikinatawa rin nya nang malakas. “Sorry, ha. Haha!”

Pero dahil aware nga siya na clock is ticking, kaya’t sumasagi na raw sa isip niya ang magpa-freeze ng eggs kagaya ng ginagawa ng ibang celebrities.

Alam mo, nandu’n ako sa puntong gusto kong i-freeze ’yong eggs ko,” pagtatapat niya sa press. “Kasi nakita ko ’yong dalawang anak ko. In fairness ha, may future. Ang lakas ng dugo ko, ’di ba? Maganda ’yong lahi ko, in fairness,” pagmamalaki ng aktres.

Ibinida pa n’ya na mas nagmana sa kanya ang kanyang mga anak kesa sa mga tatay ng mga ito. 

Kasi kung titingnan mo si André, sinasabi nila, mas kamukha ’nong isa [ni Jomari Yllana]. Hindi, e. Pag titingnan…D’yina-justify ko talaga, ’di ba?...

Pag tiningnan mo si Jomari, ang kilay lang naman ang napunta sa isa [kay André]. Pero pag tiningnan mo talaga sa mata, sa akin… sa ilong. Di ba? Si Marthena [Jickain], mini-me ko. Malakas ang dugo ko.”

However, may pagkaselosa daw ang bunso n’yang dalagita.

Kaya lang selosa si Marthena. Gusto n’ya s’ya na ’yong last. Ayaw n’ya na magka-baby ako uli. So, hindi na p’wede,” saad ni Aiko.

Sey naman ng press, baka magbago pa ang isip nito sakaling magka-baby na sila ni Cong. Jay. 

Kasi gusto n’ya kapag nagka-kapatid s’ya, e, gusto munang may kasiguruhan... na may marriage na. Kasi may pagka-conservative si Marthena,” pagtatapos ni Aiko.

Ngayon, maliban sa pagbabalik public service bilang konsehala sa Quezon City ay nagbabalik-telebisyon din si Aiko via the Mano Po Legacy: The Flower Sisters na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Network. 

Makakasama n’ya dito ang mga palaban din sa aktingan na sina Thea Tolentino, Beauty Gonzalez, Angel Guardian, ang real-life couple Mikee QuintosPaul Salas, at marami pang iba.

Mapapanood ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula ngayong October 31 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

After Prima Donnas, Aiko Melendez, ayaw nang mag-kontrabida

Kakandidatong si Aiko Melendez, may death threat na ngayon palang?

Aiko Melendez, dasal ang sagot sa Netizen na nang-insulto sa pagkaka-Covid ng boyfriend niya: “Sana hipuin ng Dios ang Puso [mo] ng magbago ka na.”

Imbes na maghanda on her birthday, Aiko Melendez, magpapa-raffle na lang

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.