Aiko Melendez, nilinaw na hindi siya nagpalit ng sinusuportahang presidential and vice presidential candidates

Nanindigan ang actress-politician na si Aiko Melendez na hindi s’ya nagpalit ng sinusuportahang kandidato sa pagka-presidente at pagka-bise presidente. Nilinaw n’ya sa kanyang Instagram post kahapon, May 2, na nananatili ang suporta n’ya sa kandidatura nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pakapangulo at pangalawang pangulo ng bansa. Ito ay matapos s’yang makuwestiyon ng ilang netizens sa pag-aakala ng mga ito na nag-withdraw s’ya ng suporta sa UniTeam at lumipat sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

PHOTOS: @aikomelendez on Instagram

Nanindigan ang actress-politician na si Aiko Melendez na hindi s’ya nagpalit ng sinusuportahang kandidato sa pagka-presidente at pagka-bise presidente. Nilinaw n’ya sa kanyang Instagram post kahapon, May 2, na nananatili ang suporta n’ya sa kandidatura nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pakapangulo at pangalawang pangulo ng bansa. Ito ay matapos s’yang makuwestiyon ng ilang netizens sa pag-aakala ng mga ito na nag-withdraw s’ya ng suporta sa UniTeam at lumipat sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Nanindigan ang actress-politician na si Aiko Melendez na hindi s’ya nagpalit ng sinusuportahang kandidato sa pagka-presidente at pagka-bise presidente.

Nilinaw n’ya sa kanyang Instagram post kahapon, May 2, na nananatili ang suporta n’ya sa kandidatura nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pakapangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

Ito ay matapos s’yang makuwestiyon ng ilang netizens sa pag-aakala ng mga ito na nag-withdraw s’ya ng suporta sa UniTeam at lumipat sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Nagsimula ang hinala ng mga netizens nang mag-post ng aktres—na kumakandidato sa pagka-konsehal sa District 5 ng Quezon City—sa Instagram ng series of photos ng mga anak n’yang sina Andre at Marthena. Game na game kasi ang dalawa sa pagha-house to house campaign para sa kanya. 

“Likas sa aking mga anak ang pagkakaroon ng mababang loob. Lagi me ngiti at saya sa kanila ang kanilang paglibot sa ibat ibang area ng Dist 5,” lahad ni Aiko sa kanyang IG post.

“Salamat mga anak! @andreyllana at @jickainmarthena at ke kagawad Edgar ED Mabalot sa pagpapakilala sa kanila sa inyong mga kabarangay! Samahan nyo na po kami sa aming Laban. Mag #10 na po tayo para sa konsehal Aiko Melendez QC #10.”

Marahil napansin ng marami ang photo ni Andre na kayakap ang isang babae. Makikita sa background nila ang gate na may nakadikit na poster nina VP Leni at Senator Kiko.

Nakatanggap umano ng hindi magagandang salita si Aiko mula sa netizens dahil dito. 

“Ok im being bashed because of this picture of my son @andreyllana. Bat daw ako naging Leni- Kiko eh BBM ako,” panimula ng aktres sa kasunod n’yang IG post. 

Dito n’ya ipinaliwanag na ang nasabing poster ay hindi kanila kundi pag-aari ng kanilang taga-suporta. Hindi daw n’ya pinaghihimasukan ang desisyon ng mga botante kung sino ang iboboto sa pagka-presidente at pagka-bise presidente. 

“Eto po ang simpleng explanation. Nangangampanya po mga anak ko kanina and me gate dun ng supporter namen na maka Leni- Kiko di ko kailanman ang naging ugali na saklawan ang utak at isip ng aking mga supporters,” paliwanag n’ya. 

Maging sa pamilya nga daw n’ya ay magkakaiba sila ng kandidatong sinusuportahan pero namamayani pa rin daw sa kanila ang respeto sa isa’t isa. 

“Kahit sa kapamilya ko kapatid ko maka Leni, Ako maka BBM never kami nag away para sa sino man ang nais namen supportahan,” lahad ni Aiko.

Pagdidiin pa n’ya, “Hindi po ako lumipat ng susuportahan po. Dahil me paninindigan po ako. At kng ano man po ang kakalabasan ng Elections rerespetuhin namen po yan. 

“Pero wag nyo po ako pigilan ng nais ko supportahan. Nacionalista party po ako sa totoo lng po di ko pa nakikilala sila Senator Bongbong Marcos at Inday Sara, pero un ang paninindigan ko asa kanila ang aking paniniwala. Lawakan po naten ang isip naten. . Iam for @bongbongmarcos @indaysaraduterte all the way,” pagtatapos n’ya. 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

After Prima Donnas, Aiko Melendez, ayaw nang mag-kontrabida

Kakandidatong si Aiko Melendez, may death threat na ngayon palang?

Aiko Melendez, dasal ang sagot sa Netizen na nang-insulto sa pagkaka-Covid ng boyfriend niya: “Sana hipuin ng Dios ang Puso [mo] ng magbago ka na.”

Imbes na maghanda on her birthday, Aiko Melendez, magpapa-raffle na lang

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.