Aiko Melendez, sinakyan ang paghahambing sa kanila ni Miss Universe winner, Andrea Meza

“Tinawanan ko lang kasi ang dami ngang nagta-tag. Pati kay Miss U, Andrea at pati sa page ng Miss Universe mismo!”—Aiko

Photos: Aiko Melendez Facebook

“Tinawanan ko lang kasi ang dami ngang nagta-tag. Pati kay Miss U, Andrea at pati sa page ng Miss Universe mismo!”—Aiko

Pagkatapos na i-anunsiyo ang bagong Miss Universe na si Miss Mexico Andrea Meza, sunod-sunod na ang lumabas sa social media na memes na naglalaman ng  pictures ni Andrea at ng actress nating si Aiko Melendez.

Ang bilis at ang tataba ng utak ng mga Pinoy Netizens dahil nagawan nga agad ng kung ano-anong photoshop gimik pictures nina Aiko at ng bagong Miss Universe 2020.

Ang dahilan, kamukha raw kasi ni Aiko si Andrea Meza. At nandiyang naka-tag pa si Aiko at sinasabihan ng ‘congratulations’ o mga patawang hirit na, ‘wag mo kaming lokohin, Aiko, ikaw ‘yun!’

Sinakyan naman ni Aiko ang mga nagsasabing magkamukha silang dalawa dahil ang dami raw talagang nagta-tag sa kanya.

Sa Facebook ni Aiko, pinost pa nito ang ilan sa mga iti-nag sa kanyang pictures saka patawang nag-caption na mistulang Miss U winner siya.

Sey ni Aiko: “If I were to be Miss Universe, I will use my voice to influence the youth, and I would raise awareness to certain causes like HIV awareness that is timely and relevant to my country which is the Philippines. I want to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart- familiar ba. Thank you! Finally I am Ms. Universe! Thank you to my mentors! Peter Flores Serrano, Sir Edwin D. Tan. 

“And to my inspiration VG Jay Khonghun.”

In the end, binati niya si Miss Mexico, pero kinong-gratulate din niya ang naging pambato nating si Rabiya Mateo.  

“Charot! Bat ako nasama ahahhahah! Congrats Ms. Mexico! But Congrats too to Ms Rabiya Mateo! You still make us proud! Iba pa din ang PINOY! Mabuhay!”

 

If I were to be Miss Universe, I will use my voice to influence the youth, and I would raise awareness to certain causes...

Posted by Aiko Melendez on Sunday, May 16, 2021

Halatang naaliw na rin si Aiko sa pagta-tag sa kanya ng Netizens kaya sa pinakahuling post niya sa Facebook ay naglarong muli siya. Gamit ang isang old picture niya na ka-angle ng isang picture ni Miss Mexico na umiikot sa internet. May nakapatong na korona sa ulo niya si Aiko at sa caption ay pabiro niyang sinabi na: “Easy. Ako lang ’to.” 

Nang maka-chat namin si Aiko tungkol dito, natatawa lang daw talaga siya sa nangyari dahil hindi niya akalaing nag-viral pa pala.

“Natatawa ako kasi, kahapon sa Facebook, ang daming nag-post sa akin na ganyan at ang daming nag-send sa akin. Kaya nagloko ko at pinost ko sa FB ko ‘to, nag-viral,” sabi niya na natatawa pa rin.

Hindi lang daw siya ang tina-tag ng netizens, maging si Andrea Meza ay naka-tag din daw.

“Tinawanan ko lang kasi ang dami ngang nagta-tag.  Pati kay Miss U, Andrea at pati sa page ng Miss Universe mismo!”

Naitanong tuloy namin kay Aiko kung noon, pinangarap din ba niya na maging beauty queen.

Napa-“nyak!” ito.

At saka isinunod na, “Never in my wildest dream. I am not fit to be a beauty queen because medyo may pagka-boyish ako dati, ‘di ba?

“Si Mama Rene Salud, pinapasali ako dati pero, ayaw ko talaga. Sa aming tatlo [ng mga batchmates ko na sina Carmina Villarroel at Ruffa Gutierrez], si Ruffa ang meant talaga at bagay sa kanya.”

Sa isang banda, ang kanyang YouTube vlog ang mas pinagkaka-abalahan ni Aiko ngayon. Sa July pa raw kasi magsisimula ang lock-in taping niya para sa Primadonnas Book 2 ng GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aiko Melendez, inaming may sama ng loob sa kaibigang si Candy Pangilinan

Lorin Gutierrez, hanggang socmed lang daw ang pagpapa-sexy; sexy roles are a no-no

Marjorie Barretto, aminadong pinaka-malaki ang pagkukulang sa nag-iisang anak niyang lalaki na si Leon

Donny Pangilinan, mas gusto pa rin ang traditional way ng panliligaw; Belle Mariano, ayaw ding paligaw the modern way

Rabiya Mateo matapos ang Miss Universe competition: “It was such a beautiful moment to represent you, Philippines.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.