Aiko Melendez, sinundan ng naka-tampuhang boyfriend sa Amerika

PHOTOS: @aikomelendez on IG

PHOTOS: @aikomelendez on IG

All is well that ends well! 

Finally, naayos na ang problemang namagitan sa magkasintahang sina Aiko Melendez at Zambales Vice-Governor elect Jay Khonghun. 

Inamin ni Aiko sa kanyang mahabang Facebook (FB) post a day after she arrived in the US, kung saan solo siyang lumipad, na “Jay and I are just like ordinary couples who goes thru arguments and little fights.”

Dahil mag-isa lang bumiyahe si Aiko noong May 23, nagkaroon ng espekulasyong hiwalay na ang dalawa. Bagay na napabalita pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon.

“You guys might be wondering why am i travelling alone, and speculations have been going around na wala na po kami,” bahagi pa rin ng unedited post ng award-winning actress. 

Patuloy ng nagbabalik-Kapusong aktres: “Aamin ko po Jay and I are just like ordinary couples who goes thru arguments and little fights. Mostly we fight about him being careless and insensitive with my emotions. Probably because he is busy and now ako naman ang magiging busy.”

Noong Monday, May 27, lumipad naman ang incumbent Subic Mayor para makasama si Aiko at mga anak niyang sina André Yllana at Marthena Jickain. 

Nasa US si Aiko for a short respite bago humarap sa panibagong trabaho sa GMA Network

Sisimulan niya ang series na Prima Donnas with the Kapuso teen stars Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo, sa ilalim ng direksyon ni Gina Alajar.

Sa hiwalay na Instagram post naman ng former Quezon City councilor, sinabi ni Aiko na, “Amidst all the trials, challenges here we are still together, stronger together!” 

She ends her short post with a red heart emoji at tinag ang kanyang boyfriend na bumiyahe pa ng 20 hours mula Pilipinas to LAX then connecting flight to Las Vegas, Nevada, para lang makapiling siya.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.