AJ Raval, inilihim sa tatay na si Jeric Raval ang pagpapa-sexy niya sa #Pornstar movie niya

Ani AJ, hindi nalang siya nagpa-alam sa tatay niya at baka hindi naman siya payagan. Hindi raw niya pakakawalan ang chance na makasama sa pelikula ang mga iconic sex goddesses ng Philippine cinema na sina Maui Taylor, Ara Mina, Alma Moreno, at Rosanna Roces.

Photos: Viva Films & @ajraval_

Ani AJ, hindi nalang siya nagpa-alam sa tatay niya at baka hindi naman siya payagan. Hindi raw niya pakakawalan ang chance na makasama sa pelikula ang mga iconic sex goddesses ng Philippine cinema na sina Maui Taylor, Ara Mina, Alma Moreno, at Rosanna Roces.

Isa si AJ Raval sa tatlong ma-alindog na binibining introducing sa kontrobersyal na pelikulang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ni Direk Darryl Yap.

Ang dalawa pa ay sina Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel.

Si AJ yong bakat ang areola sa wet scene na ipinakita sa mapangahas—at viral na ngayon—na trailer ng Pornstar.

Kung pamilyar ang kanyang last name, yon ay dahil anak siya ng poging 90’s action star na si Jeric Raval.

Kaya naman hindi naiwasang matanong siya sa virtual press conference ng Pornstar kaninang hapon, January 13, kung ano ang naging reaksyon ng kanyang tatay tungkol sa role niya sa pelikula.

“Hindi po niya, alam,” direktang sey ng sexy at mestizang si AJ.

“Hindi po ako nagpa-alam,” dagdag niya. “Kasi ayaw niya nga po na nagpapa-sexy ako. So, hindi nalang ako sa nagpa-alam.”

Based on the trailer, lumalabas na palaban talaga si AJ sa mga sexy eksenahan on-cam. Off-cam naman, tila pasaway si girl. Pero buhay at katawan nga naman niya ’yon, so karapatan niyang mag-desisyon para sa sarili.

Aniya, hindi niya pakakawalan ang chance na makasama sa pelikula ang mga iconic sex goddesses ng Philippine cinema na sina Maui Taylor, Ara Mina, Alma Moreno, at Rosanna Roces.

We’re quite sure na by this time ay aware na si Jeric sa kung ano ang kinalabasan ng mga mapangahas na eksena ng anak niya. At least, kung ano ang nakita sa patikim na trailer.

Sey pa ni AJ,. Wala din siyang keber sa sasabihin ng mga judgmental na tao. 

“Kasi kung iisipin ko po ’yon, ako lang din ang talo,” katwiran niya. “Saka kung meron man may ayaw sa ginagawa ko, there are people naman who like me din. Doon nalang po ako magpo-pokus.”

Ganito din, more or less ang mindset nina Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel. 

“Wala akong pakialam,” lahad ni Ana sa mga potential na magne-nega sa kanila. “This is my dream. Masaya ako sa ginagawa ko.”

Si Rose naman, aminadong may konting takot noong umpisa sa mga magiging perception ng publiko. Pero dahil na rin sa mga natutunan niya kina Osang ang company sa set ng pelikula, keber na din siya sa mga nega.

“Bilang artista, kailangan kong pagdaanan ito, e,” paliwanag ni Rose. “As artista, lahat ng klase ng roles, dapat magawa, e.”

Besides, confident naman daw siya na her roles, sexy man o hindi, ay on-cam persona lang at iba sa tunay niyang pagkatao. Moreover, gaya nina AJ at Ana, she also won’t pass up the chance na makatrabaho sina Ara, Maui, Alma at Osang.

Oo naman.

Ang pinag-uusapang pelikula na Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, ay mapapanood exclusively sa Vivamax, ang subscription video-on-demand streaming service ng Viva Communications, Inc., starting January 9.

(Tune in to Viva Films’ social media pages for information regarding how to subscribe to Vivamax).

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janella Salvador reveals being so scared to tell her mom, Jenine Desiderio, about her pregnancy

Para kay Ara Mina, ang fiance na si Dave Almarinez ay isang “answered prayer.”

“Hiling” singer Mark Carpio plans to produce theme songs for Viva Films, dreams of doing music collabs with Sarah Geronimo and Janine Teñoso

Singer Maricris Garcia gives birth to daughter Adaiah Denise

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.