AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla; nagdesisyong mag-social media detox muna

Kagabi, October 20, inilabas ni AJ Raval sa Tiktok ang kanyang explanation ukol sa pagshe-share ng post ni Aljur. Aniya, nadala lang siya ng emosyon.

PHOTOS: @AjRavalOfficialPage & @KyliePadilla on Facebook

Kagabi, October 20, inilabas ni AJ Raval sa Tiktok ang kanyang explanation ukol sa pagshe-share ng post ni Aljur. Aniya, nadala lang siya ng emosyon.

Sa TikTok video idinaan ng sexy-drama actress na si AJ Raval ang kanyang paliwanag tungkol sa pagshi-share n’ya ng Facebook post ni Aljur Abrenica. Kinuha na rin niya ang pagkakataon para magso-sorry sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Last October 19 nang maghamon si Aljur—via a Facebook post—kay Kylie na aminin umano nito kung sino ang unang nangaliwa sa kanilang dalawa. Inakusahan nito ang asawa na siya umanong tunay na sumira sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. 

 

Breaking silence.. Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self...

Posted by Aljur Abrenica on Tuesday, October 19, 2021

Agad nag-share si AJ ng nasabing post na iyon ni Aljur sa kanyang FB page pero kaagad n’ya ring binura. Marahil ay dahil inulan ito ng mga negatibong reaksyon at akusasyon mula sa mga netizens. 

SCREENSHOT: @AjRavalOfficialPage on Facebook

Bukod kay AJ, nag-share din ng nasabing post ang kanyang inang si Alyssa Alvarez na labis na ring nasasaktan para sa anak.

Ang post ng mommy ni AJ ay nilakipan ng isang mensahe kabilang ang pasasalamat nito kay Aljur sa pagtupad umano sa binitiwang pangako na hindi sila pababayaan ng aktor.

SCREENSHOT: @alyssa.alvarez03 on Facebook

Nauna na rito ang pag-amin ni AJ na nanliligaw sa kanya si Aljur. At matapos noon ay naglabasan ang mga photos and videos ng mga sightings nila ni Aljur, allegedly ay mga makuhanan sa Pampanga, kung saan nakatira si AJ. Ito ang naging mitsa para simulang atakihin ng netizens si AJ bilang siyang tunay na third party umano sa hiwalayang Aljur-Kylie. Naparatangan siyang kabit at kung anu-ano pang masasakit na banat.

Kagabi, October 20, inilabas ng aktres sa Tiktok ang kanyang explanation ukol sa pagshe-share ng post ni Aljur.

“Hello, everyone. Tungkol ito sa statement ni AJ [nickname ni Aljur] na shinare ko. Gusto ko lang i-explain bakit ko shinare,” palimula ni AJ sa kanyang TikTok video. 

Gusto lang daw n’yang protektahan ang sarili n’ya at ang pamilya niya sa mga akusasyong hindi naman niya ginawa. Taliwas umano ito sa inakala ng marami na nakikisawsaw s’ya sa issue nina Aljur at Kylie. 

Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa issue nila. Shinare ko ’yon kasi I’m trying to protect myself and my family also ’cause people are accusing me sa bagay na hindi ko naman ginawa,” paliwanag n’ya. 

Tinatawag nila akong kabit, tinatawag nila akong homewrecker which is hindi naman totoo. Wala akong sinirang pamilya. Never ako maninira ng pamilya.

Wala lang daw sa kanya ’yon nu’ng umpisa pero ibang usapan na daw kasi ngayon dahil direkta na ring nadadamay ang kanyang pamilya sa isyu.

Pati family ko nadadamay na…ang parents ko,” pagpapatuloy ni AJ. “Nu’ng una tinatanggap ko pa ’yong sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay ang family ko, sobrang affected ako. [’Yong] nanay ko nakikita kong umiiyak, naaapektuhan kami doon.

“Well, to be honest, wala talaga akong pakialam sa issue nila [Aljur and Kylie] before. Narinig ko na ’yan pero never akong naglabas ng kahit anong statement or what tungkol doon. Kasi wala talaga akong right na magsalita tungkol sa issue na ’yon. Silang dalawa lang ang p’wedeng magsalita doon.

Aminado s’yang nadala s’ya ng kanyang emosyon kaya daw n’ya na-share ang FB post ni Aljur. Dahil dito ay nagpakumbaba ang aktres at humingi ng tawad sa kanyang nasaktan, kabilang na si Kylie. 

“And yes, shinare ko lang ’yon siguro dala ng emosyon ’cause I’m hurting,” lahad n’ya.

“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan. Sa mga nagalit, I’m really sorry. Also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ’yong statement na ’yon. It’s not my intention to hurt anybody.”

Pagpapatuloy n’ya: “I was just trying to protect myself. ’Yon nga lang, mali ’yong way ko. Pero na-realize ko din na baka nga tama kayo…I’m too immature and I need to grow. 

“I’m really sorry sa lahat po ng naapektuhan. Sa lahat po ng nagalit pasensya na po. Sana mapatawad n’yo ako. ’Yon lang.

Nagpasalamat din s’ya sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya. 

Maraming maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta. Nababasa ko ang mga message n’yo. Naa-appreciate ko kayong lahat. Thank you,” sey pa ni AJ.

Dahil sa mga nangyari, nagpasya si AJ na iwan muna ang social media para maka-recover ang kanyang mental health. 

“Ayoko na. Gusto ko na lang po ng peace. Sana matapos na ’to kasi bugbog na talaga ang mental health ko. Hindi ko na kaya so magso-social media detox muna ako. Siguro next year na lang ako bababalik sa social media,” aniya. 

“Anyway, maraming maraming salamat po sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta. Naa-appreciate ko kayong lahat,” pagtatapos ni AJ.

And as of this writing, deleted or naka-archive na ang mga post sa Instagram account ni AJ.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.