AJ Raval, napa-iyak sa press conference dahil sa isang tanong

“Ayoko na munang magsalita. Nagwo-worry na naman ako na mag-explain ako ta’s ma-misinterpret naman ako ng ibang tao.”—AJ Raval

Photos: Screenshot from Crush Kong Curly Zoom conference

“Ayoko na munang magsalita. Nagwo-worry na naman ako na mag-explain ako ta’s ma-misinterpret naman ako ng ibang tao.”—AJ Raval

Humugot ng tanong ang vlogger na si Kate Adajar sa isang eksena ng pelikulang Crush Kong Curly na pinagbibidahan nina AJ Raval at Wilbert Ross para ibato sa mga bida sa kagaganap lang na virtual media conference ng nasabing sexy-romantic movie.

May linya kasi ang character ni AJ na nakita sa trailer na nagsabing: “Respeto muna, bago judgement...” Kaya ang naging tanong ng vlogger ay kung naranasan na ba nilang ma-judge nang husto in real life.

Si AJ ang unang sumagot: “Ako po, alam naman siguro ng karamihan dito [sa Zoom press con]...nagsabi ako ng totoo, na-judge ako. Nag-try akong mag-explain, wala pa ring naka-intindi...”

Hindi na natapos ni AJ ang sasabihin at napa-iyak na ito kaya’t nag-excuse nalang muna.

Marahil ang tinutukoy ni AJ ay ang pinag-daanan niya recently. Ang pagkaka-ipit niya sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Matapos niya kasing ma-link romantically kay Aljur na nasabayan ng mga sightings sa kanila na magkasama, ay naparatangan na siya ng mga masasakit na bintang ng Netizens kagaya ng pagiging third party umano niya, na mas masakit pakinggan sa Tagalog term na kabit.

Ito ay sa kabila ng pagiging open naman ni Kylie Padilla na malaya na silang makipag-date sa iba ni Aljur dahil napag-usapan na nila ito matapos maging pormal ang hiwalayan nila noong Abril, na pumutok naman noong July dahil sa pagkukumpirma na mismo ng tatay ni Kylie na si Robin Padilla.

Hindi nga rin madali ang pinagdaanang ito ng dalaga ng dahil sa pag-ibig.

Earlier in the virtual press conference ay nagpasintabi na rin naman si AJ na hindi muna siya sasagot sa anumang tanong na may kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig.

At dahil hindi na nga kinayang ipagpatuloy ang pagsagot, si Wilbert na muna ang sumalo.

Ani Wilbert, sa part naman daw niya, thankfully, ay wala pa namang dumaang matinding instance na na-judge siya.

“Ako simple lang, judgement lang siguro na masungit,” pagtatapat ng new leading man ni AJ. “Kasi galing ako ng probinsya. Probinsyano po talaga ako. So, bago ako nag-Hashtag sa showbiz. Tapos na-judge akong ganu’n. Pero the real reason is, nahihiya ako. And I feel so... parang mababa with the people in Showtime, the staff and all the artists, kaya po ako yumuyuko at nahihiyang pumansin. ’Yon po ’yung judgement na na-misinterpret sa akin before.” 

Matapos noon ay nagsalitang muli si AJ.

“Ayoko na munang magsalita. Nagwo-worry na naman ako na mag-explain ako ta’s ma-misinterpret naman ako ng ibang tao. So, next question po. Thank you.”

Ang Crush Kong Curly ay mapapanood sa Vivamax starting December 17.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla; nagdesisyong mag-social media detox muna

Kylie Padilla, gets ang nararamdaman ni AJ Raval: “I wanted to talk to her, help her out on how to handle it para maiwasan lang ’yong nangyari ngayon.”

Aljur Abrenica, itinuring daw na “love of my life” si Kylie Padilla; aminadong may pinagdadaanan sila ni AJ Raval ngayon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.