AJ Raval, sumilip sa social media para lang ibida ang new hairstyle niya

Saglit na nagbalik-social media na ang sexy-drama actress na si AJ Raval matapos n’yang alisin ang lahat ng contents ng kanyang Instagram account last October 20.

PHOTOS: @ajravsss on Instagram

Saglit na nagbalik-social media na ang sexy-drama actress na si AJ Raval matapos n’yang alisin ang lahat ng contents ng kanyang Instagram account last October 20.

Nagbalik-social media na ang sexy-drama actress na si AJ Raval matapos n’yang alisin ang lahat ng contents ng kanyang Instagram account last October 20.

Ang social media hiatus ay para daw sa kanyang mental health matapos madamay sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Nag-ugat ito sa pagshi-share n’ya sa kanyang Facebook account ng kontrobersyal na “Breaking Silence” post ng napapabalitang nobyo na n’yang si Aljur. 

Hindi nagtagal ay binura din ni AJ ang ishinare n’yang Facebook post ni Aljur. 

On October 20, bago i-wipe out ang laman ng kanyang Instagram account, ay humingi ng tawad si AJ kay Kylie at sa mga na-offend n’ya sa kanyang nagawa. Ang public apology niya ay idinaan niya sa TikTok.

Ginawa n’ya lang daw ’yon to protect herself laban sa masasakit na paratang sa kanya ng netizens na isa diumano s’yang homewrecker at kabit. 

Naaapektuhan na daw kasi ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina, kaya ’yon ang naging way n’ya para ipaalam sa lahat na hindi s’ya nang-agaw ng asawa ng may asawa at hindi s’ya nanira ng pamilya. 

Dahil sa tila mas lumalang sitwasyon, nagpasya ang showbiz newbie na magpahinga muna pansamantala sa social media. Iyon ay para maprotektahan ang kanyang mental health. 

Ayoko na, gusto ko na lang po ng peace. Sana matapos na ‘to kasi bugbog na talaga ‘yung mental health ko. Hindi ko na kaya. Mag-so-social media detox muna ako siguro. Next year na ako babalik sa social media,” pahayag ni AJ sa nasabing TikTok video.

Kasunod nga noon ang pagbubura n’ya ng photos sa kanyang IG account. 

However, nitong Linggo, October 31, muling nagparamdam sa Instagram ang aktres by posting a series of photos kung saan ipinakita n’ya ang bago n’yang haircut. 

“New look for the new project!!” simpleng sey ni AJ sa caption ng IG post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Base sa inilakip n’yang hashtag, para ito sa kanyang upcoming action movie na ididirek ni Roman Perez, Jr.

As of press time ay wala pang kasunod na post si AJ kaya’t baka ang pag-drop by niya sa IG ay para lang talaga ipakita ang new hair style niya.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.