Albert Martinez, sinagot na ang issue tungkol sa pagkaka-link kay Faith Da Silva; open magmahal muli but “I’m still going through the process of losing someone.”

That’s entertainment lang ang turing ni Albert Martinez sa pagkaka-link niya sa aktres na si Faith Da Silva. “’Yung sinasabi nila about Faith, I believe it worked for both of us because the chemistry was there. “And siguro, I will feel bad if hindi nag-work ’yung chemistry because it’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public, maging believable siya sa du’n sa narrative. And it worked.”

Photos: @albertmartinezph / @faithdasilva_

That’s entertainment lang ang turing ni Albert Martinez sa pagkaka-link niya sa aktres na si Faith Da Silva. “’Yung sinasabi nila about Faith, I believe it worked for both of us because the chemistry was there. “And siguro, I will feel bad if hindi nag-work ’yung chemistry because it’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public, maging believable siya sa du’n sa narrative. And it worked.”

July this year, sa kalagitnaan ng lock-in taping ng Las Hermanas ng GMA-7 sa Pampanga, nang magsimulang ma-blind item ang umano’y pagkakamabutihan ng co-stars na sina Faith Da Silva, 20, at ang nagbabalik-GMA-7 na si Albert Martinez, 60.

May mga naglabasan pang cozy videos nila sa TikTok at that time. Kalaunan ay pinangalanan na at direkta nang nali-link ang dalawa.

Noong Friday, October 15, sa virtual media conference ng Las Hermanas, ay politely at suwabeng naipasok ng aming reporter colleague na si Gorgy Rula ang tungkol dito.

Kinumusta niya ang premyadong aktor kung affected ba ito sa mga issues linking him with the young GMA star.

“Ive been in this industry since 1981,” nakangiting salubong naman ng aktor sa tanong. “I’ve been there, done that. I’m not affected at all. It’ s show business, it’s entertainment...that’s [issue/intrigues] part of entertainment. So, it doesn’t bother me.”

Ang aktor na mismo ang nagbanggit ng pangalan ni Faith.

“’Yung sinasabi nila about Faith, I believe it worked for both of us because the chemistry was there.

And siguro, I will feel bad if hindi nag-work ’yung chemistry because it’s my intention, to make sure na maging believable siya sa eyes ng public, maging believable siya sa du’n sa narrative. And it worked.

“And ’yung sideline na pinag-uusapan nila, it’s just part of the whole thing. It’s okay. It helped the project and I believe it’s not that bad at all.”

Walang inamin o dinenay ang aktor dahil hindi rin naman naging direkta ang tanong. Pero base sa sagot niya kung open ba siyang magka-relasyon at the moment ay tila mababakas na wala siyang oras para dito sa romance. However, open naman daw sa any possibility ang guwapong biyudo.

“I’m happy with my grandchildren...pag gising ko, every morning, ’yon nalang ’yong kaligayahan ko.  That’s why hindi ako nahirapan sa lock-in [taping] because every morning ka-chat ko sila, naka-FaceTime kami.”

(Albert now has three grandchildren. Tig-iisa ng contribution ang mga anak niyang sina Alyanna, Alfonso at Alissa. Girl ang kay Alyanna, si Adalynn, at kapwa lalaki kina Alfonso, si Arturo; at Alissa, Amati.)

“But if you’re asking me right now, at my age, I’m still going through the process of losing someone,” pagtatapat ni Albert. “But if, for example, in the very near future I meet someone na it will kumbaga make my heart beat again, why not?”

(Albert lost the love of his life, Liezel, to breast cancer in 2015.)

However, nasa bawi-mode daw siya sa kanyang mga anak ngayon dahil he’s been focusing on work magmula pa noong bumalik silang pamilya mula sa pagtira sa Amerika noong 90s.

“For now, I’m still enjoying muna my moments with my kids, which I’ve been really wanting to do kasi in all the years na...you know bumalik kami from the States from 1991 all the way to noong 2000, when Liezel passed away, ang pokus ko is work.

“I missed so much time with my kids. Ngayon, this is the right time for me na makabawi sa kanila. So, I’m doing that. Ine-enjoy ko ’yong moments ko with them.”

Samantala, ang character ni Albert sa Las Hermanas ang gugulo sa relasyon ng las hermanas na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith Da Silva.

First time naka-trabaho ni Albert ang tatlong younger stars na nabanggit pero ayon sa kanya, every one of them delivered beyond his expectations.

“Lahat sila delivered so well, beyond my expectation and I can’t call this [project] a parang kanya-kanyang style of performance? It’s an ensemble. Lahat ng characters, importante. Lahat ng characters, may bearing. Lahat ng characters, tumutugma doon sa puzzle na pag kinulang mo ng isang character, hindi siya magwo-work.

“It’s a beautiful, beautiful well-written material. Fortunately, I’m part of this. It’s a good team...very, very good team.”

Ang Las Hermanas ay mapapanood na simula October 25 sa GMA Afternoon Prime.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.