Albie Casiño, okey lang daw maging sex object, wag lang daw sana siyang dakmain

Los Bastardos star Albie Casiño will be part of the Joel Lamangan MMFF 2019 hopeful, Isa Pang Bahaghari, where he is playing as the son of Nora Aunor and Phillip Salvador. This will be his third project with Direk Joel.

Photos: Anna Pingol & @thestallion09

Los Bastardos star Albie Casiño will be part of the Joel Lamangan MMFF 2019 hopeful, Isa Pang Bahaghari, where he is playing as the son of Nora Aunor and Phillip Salvador. This will be his third project with Direk Joel.

Matagal-tagal na ring nagpapa-sexy ang hunky actor na si Albie Casiño at maging sa social media ay wala siyang kyemeng magpakita ng abs even before.

Pero lumevel-up pa ang desirable factor niya, lalo na sa mga bekis, nang mapasali siya sa cast ng mga hubaderong Los Bastardos.

Dahil dito, nadagdagan ang mga nagkaka-gusto kay Albie, mapa-babae man o mapa-beki at okay na okay lang daw sa kanya ’yon, maski sabihin pang sex object ang tingin sa kanya ng iba.

“Bakit naman ako magagalit kung may gusto ka sa akin, diba? Okey lang,” ngingiti-ngiting say ng makulit na aktor.

Ang hindi lang daw okay ay pag sinasamantala ng iba na ang mga sitwasyon para hipuan o dakmain siya. Ganunpaman, aware daw siya na hindi talaga maiiwasan ’yon. Nabiktima na raw kasi siya ng mga dakmaan operandi ng ilang beki kapag nagma-mall show sila.

“Meron, hindi naman maiiwasan ’yon, diba? Pero I’d like to think it in a way na hindi porke’t bastos ’yong isang tao, lahat ng bakla, bastos, diba?  Marami ring bastos na lalaki, pero hindi naman lahat kami bastos…so, wag mong idadamay ’yong buong…lahat ng tao…’yong isang tao lang ’yong [bastos].”

Pinaiiral nalang daw niya ang cool temper sa mga ganoong sitwasyon. Maari raw itulak niya ang salarin pero hindi pa raw siya umaabot sa puntong nanapak na siya ng beki.

“Lalaki pa rin ako di ba? Tutulakin ko yan….Hindi naman. Di na-news na naman ako…”

Sa huli ay nagbiro na lang si Albie na wag na siyang usisain tungkol sa mga sapakan.

“’Yan na naman yang mga pinatatatanong n’yo sa ’kin…”

Matatandaang noong 2012 ay na-involve sa sapakan si Albie sa isang bar sa Makati pero at that time, siya ang nasapak ng mga diumano ay kaibigan ng ex-gilrfriend niyang si Andi Eigenmann. Ito ay noong mga panahong hindi pa matukoy kung sino ang ama ng panganay ni Andi at itinuturo ang paternity nito kay Albie. Kalaunan ay lumutang na si Jake Ejercito pala ang tatay.

Nakausap ng pikapika.ph si Albie sa press conference ng Isa Pang Bahaghari last Sunday sa Salu Restaurant in Quezon City. Gaganap si Albie bilang isa sa tatlong anak nina Nora Aunor at Phillip Salvador sa nasabing pelikula. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Direk Joel, no comment sa kontrobersyal na statement ni Phillip Salvador noong SONA

Sa pagtanggi nina Pip at Boyet na makasama siya sa pelikula, sagot ni Ate Guy: “Bahala sila!”

Phillip Salvador, takot sa “maliit na babaeng” si Nora Aunor

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.