Alden, humingi ng negosyo tips kay Maine

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol, @aldenrichards02

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol, @aldenrichards02

Birthday gift daw ni Alden Richards sa sarili niya ang McDonald’s restaurant franchise niya na kasalukuyan nang kino-construct sa Biñan, Laguna (Alden just turned 27 last January 2).

 

Ika-limang McDo outlet daw ito sa area ng Biñan at kung makaka-ROI o return of investment daw agad ay dream din daw niyang magka-isa pang branch nito sa area naman niya sa Sta. Rosa, Laguna.

 

Bagama’t childhood dream daw ni Alden na magkaroon ng sariling McDo, ay naunahan na siya ng ka-AlDub loveteam niyang si Maine Mendoza sa pagkuha ng franchise nito.

 

Ang McDo restaurant nila Maine ay nasa bayan nito sa Sta. Maria, Bulacan naman na nagsimulang mag-operate noong August 11, 2017.

 

Ayon kay Alden, happy si Maine—na ka-tandem din niya sa ilang versions na ng McDo commercials—nang malaman nitong balak din niyang mag-franchise. Kumuha raw siya ng ilang tips kay Maine dahil bagamat isa na siyang restaurant owner via his Cocha’s Pinoy restaurant venture ay iba pa rin daw ang pag-o-operate ng franchise isang international brand. Ayon daw kay Maine, maraming hirap sa umpisa at binase naman ito ni Maine sa sinabi ng kapatid niyang si Nicolette na siyang nagma-manage ng McDo ng pamilya Mendoza.

 

At the moment ay sila palang ni Maine ang mga celebrities na may McDo franchise. At hindi raw komo endorsers sila ng brand ay naka-hingi sila ng discount. “At wala rin pong special treatment,” dagdag ni Pambansang Bae. “Dumaan po kami sa lahat ng protocol at proseso.”

 

Easter Sunday o sa April 21, 2019 ang target date ni Alden para sa grand opening ng kanyang McDonald’s restaurant na matatagpuan sa tabi ng University of Perpetual Help System sa Biñan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.