Alden, nagta-try ng new look

PHOTOS: Anna Pingol & SCREENGRAB FROM @TeacherAna

PHOTOS: Anna Pingol & SCREENGRAB FROM @TeacherAna

Nagpapatubo ng bigote at balbas ngayon si Kapuso primetime actor na si Alden Richards at baka pati buhok daw ay pahabain niya, ito ay dahil gusto raw niyang maiba naman nang konti ang looks niya sa panimula ng taon. 

       

In fact, kung siya raw ang masusunod ay gusto niyang makagawa naman ng isang dark role—sa tv man o sa pelikula—para maiba din ang maihain niya sa mga viewers at fans niya. 

        

Inamin niyang na-inspire siya sa photoshopped picture na pinost ng isang fan kung saan nilagyan siya ng balbas at bigote at naisip niyang subukan for real. Nagsisimula na siyang hindi mag-ahit sa ngayon to try to achieve the look.

       

Sa ngayon, marami raw pitches na projects sa kanya, kabilang na ang isang teleserye (na ayon sa usap-usapan ay baka ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun) at ang possible reunion movie nila ni Maine Mendoza pero wala pa raw final sa mga ’yon. Pero kung mabibigyan nga raw siya ng chance this year, gusto niyang makagawa ng isang passion project kung saan dark nga ang character niya na mala-Split ni James McAvoy.

 

Ang Split na sinasabi ni Alden ay ang 2016 Hollywood psychological horror thriller film that was written, co-produced and directed by M. Night Shyamalan (na siya ring nag-direk ng Sixth Sense ni Bruce Willis), kung saan ang character ng bidang si James McAvoy ay mayroong 23 different personalities. 

 

Meantime, habang naghihintay ng final decisions sa mga ipapagawa sa kanya, ilalaan muna niya ang oras sa Eat Bulaga, sa Sunday PinaSaya at sa mga shows abroad na naka-lineup na last year pa through GMA Pinoy TV.

 

Here’s the video excerpt of Alden’s interview where he talked about his 2019 projects and the new look he’s trying to achive.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.