Alden Richards 11th showbiz anniversary, testamento na ang hindi pagsuko ay may kapalit na tagumpay

At sa pagpasok ng kanyang ika-labing-isang taon, panibagong titulo pa ang p’wedeng idikit sa pangalan niya, ang pagiging philanthropist. Pormal niyang ilulungsangsad ang kanyang bagong tatag na foundation, ang AR Foundation, sa kanyang online documentary concert, ang ForwARd, sa January 30.

Photos: @aldenatics

Today, December 8, marks the Asia’s Multimedia Star Alden Richards’ 11th anniversary in showbiz.

Nagsimula ang showbiz journey ni Alden nang mag-audition siya sa StarStruck Batch 5 ng GMA-7, kung saan umabot lamang siya sa Top 60 selection. Nag-audition din siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 sa ABS-CBN naman, pero hindi rin siya pinalad na makapasa.

Fast forward to 2021 at ang hindi nakapasa sa audition ng dalawang reality shows ng magkatunggaling biggest TV networks ay isa na ngayon sa pinakamalaking artista sa bansa.

His biggest break as a newbie ay ang malagay sa GMA Afternoon Prime series na Alakdana in 2011, kung saan naka-katambal niya ang itinuturing na orihinal niyang ka-loveteam na si Louise delos Reyes.

Hanggang sa nasundan na ito ng iba’t-ibang teleseryes. Nag-host na rin siya ng iba’t-ibang variety shows ng GMA-7, nag-launch ng successful music albums, nag-solo concerts at bumida sa ilang box-office movies.

Isa na rin siya sa mga kilalang young entrepreneurs. Pag-aari niya ang isa sa mga malalaking McDonald’s branches sa bansa, bukod pa sa pagko-co-owner niya sa ilang branches ng Concha’s Garden restaurants.

At sa pagpasok ng kanyang ika-labing-isang taon, panibagong titulo pa ang p’wedeng idikit sa pangalan niya, ang pagiging philanthropist. Pormal niyang ilulungsangsad ang kanyang bagong tatag na foundation, ang AR Foundation, sa kanyang online documentary concert, ang ForwARd, sa January 30.

At sa pamamagitan nga ng kanyang Instagram account ngayong araw, ay nag-post si Alden ng kanyang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta at nakasama niya sa kanyang journey sa loob ng labing-isang taon.

“11 years,” panimula niya sa IG. “You’ve all been with me in my successes & in time I needed to learn and you’ve inspired me to keep going!

“THANK YOU will never be enough to express how blessed I am for all your support in everything I do.

“Maraming maraming salamat! Here’s to more years and beyond!”

At bilang pagdiriwang ng kanyang anniversary, magkakaroon daw siya ng IG Live mamayang 4PM.

Tunay nga na si Alden ang isa sa mga ehemplo na hindi porke’t nag-fail ka sa umpisa ay hanggang doon na lang. Kung titingnan ang estado niya ngayon, mas malayo pa ang narating niya sa mga totoong nakapasa at nagwagi sa mga reality shows na kanyang sinubukang pasukan noon.

Congrats, Alden!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.