Alden Richards, hindi sasama sa napapabalitang bagong management ng Eat Bulaga kung maliligwak sa show ang TVJ

Mas matimbang umano kay Alden Richards ang pagtanaw ng utang na loob sa inabutan niyang management nito under Mr. Tony Tuviera at maging sa napapabalitang patatalsikin na TVJ.

Photos: @aldenrichards02 / @eatbulaga1979 on Instagram

Mas matimbang umano kay Alden Richards ang pagtanaw ng utang na loob sa inabutan niyang management nito under Mr. Tony Tuviera at maging sa napapabalitang patatalsikin na TVJ.

Mas matimbang umano kay Alden Richards ang pagtanaw ng utang na loob kesa sumama sa napapabalitang bagong management ng noontime show na Eat Bulaga!

Iyan ang kinumpirma ng veteran showbiz writer/host and insider na si Cristy Fermin sa recent vlog nila ng mga kasamahan niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Lumabas kasi ang tsika na isa si Alden sa umano'y napipisil ng sinasabing bagong management na magsisilbing poste sa noontime show, alongside Allan K,  Wally Bayola, and Jose Manalo.

Naka-usap umano ni Manay Cristy si Alden hinggil sa bali-balitang ito at ibinahagi niya sa kanilang show ang kanilang napag-usapan.

Ayon sa kanya, tatanggihan umano ng actor-TV ang offer na maging main host sakaling ialok sa kanya ito ng sinasabing bagong pamunuan ng Eat Bulaga.

"Ito po ang totoo at ito ay sa akin niya sinabi, na ano man daw po ang offer sa kanya ng bagong pamunuan ng Eat Bulaga hindi siya sasama," ulat ni Manay Cristy.

Malaki daw kasi ang tinatanaw na utang na loob ng Asia's Multimedia Star kay Mr. Tony Tuviera na siyang inabutan niyang nagma-manage ng Eat Bulaga; maging sa original trio ng show na TVJ o sina former senator Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon.

"Hindi siya sasama. Paninindigan n'ya 'yong kanyang imahe bilang mapagkumbaba, marunong tumanaw ng utang na loob, o hindi nakalilimot," pagtitiyak pa ni Manay Cristy.

Ang mga ito raw kasi ang naging instrumento para marating ni Alden ang rurok ng kasikatan.

"Alam naman po natin na 2015 nang ipinanganak po ang napakalakas na tandem nila ni Maine Mendoza. Kumbaga, itong AlDub ang bumuhay sa karera ni Alden Richards, 'di ba?" pagbabalik-tanaw pa ng showbiz insider.

"In fairness ha, si Alden Richards dito talaga tinubuan nang matinding kasikatan. Dito nabuo 'yong AlDub na hanggang ngayon meron pa ring taga suporta," dagdag pa niya.

"Alam ni Alden 'yan na ang Eat Bulaga ang gumawa sa AlDub."

Aware daw ang Kapuso actor na masisira ang pangalan niya sa publiko kung iiwanan niya ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga para sumama sa napapabalitang magti-take over sa noontime show.

"Kasi alam mo, pag hindi sumama si Alden sa mga dati niyang kasama magiging negatibo ang dating n'ya sa publiko," pag-aanalisa si Manay Cristy.

"'Yong mga tao kasi na naging dahilan kung bakit siya naging Alden Richards... Sabihin na natin. Oo, artista na noon si Alden. Oo, TV star na siya. Pero 'yong pag-akyat talaga nang todo-todo ng pangalan ni Alden Richards nangyari 'yan sa AlDub [nila ni Maine Mendoza]," pagpapatuloy niya.

Masasabi daw niyang tama ang naging pasya ng aktor na mas pinili nitong sumama sa kanyang mga Dabarkads kesa sa iwanan ang ilan sa mga ito sa ere.

"Kaya tama 'yong desisyon ni Alden na anuman 'yong ialok sa kanya ng bagong pamunuan, kung totoo nga na nagkakahiwa-hiwalay, tama lang ang desisyon niya na sumama siya sa mga dati niyang kasama. Doon siya lalong pupurihin ng publiko," pagtatapos niya.

Sa April 15 pa malalaman kung ano ang magiging bagong estado ng Eat Bulaga!, ng management, at ng mga hosts nito.

Nauna nang lumabas ang tsika na nagririgodon ngayon sa loob ng management ng longest running noontime show ng bansa.

At kabilang nga umano sa napipisil patalsikin na ay ang mga original hosts na TVJ. Sa column na The Butcher ni Butch Francisco dito sa pikapika, nilinaw niya ang stand ng mga Jalosjos na hindi naman umano pinaaalis ang TVJ, ’yon nga lang ay naglalatag ng mga bagong patakaran ang new management at kailangang sundin iyon ng lahat, including TVJ.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alden Richards opens up about ghosting Julie Anne San Jose before; says he asked her forgiveness for it

Is there really trouble in the Eat Bulaga paradise?

The Butcher | The Eat Bulaga takeover was bound to happen

The Butcher | No one is making Tito, Vic & Joey leave Eat Bulaga!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.