Alden Richards, malapit na rin daw maging army reservist; aminadong laging puyat kaka-online games

PHOTOS: @aldenrichards02 on Instagram

PHOTOS: @aldenrichards02 on Instagram

As promised, kahit bagong gising ay nag-live sa Instagram ang Kapuso actor na si Alden Richards kahapon ng hapon, April 29, upang kumustahin at makausap ang kanyang mga tagahanga. 

Tila baguhan pa sa pagla-live sa IG ang binatang aktor dahil nagulat s'ya na pwede palang magpadala ng mga tanong ang mga nanonood nito. 

Kahit nakapantulog pa—white shirt at boxer shorts—ay game na nagpaunlak ng room tour si Alden at ipinakita ang lanyang koleksyon ng Ironman collectibles. 

"Wala pa sa kalahati [ang nakolekta ko] sa dami ng Ironman suits," panimulang tsika ng The Gift lead star habang ipinapakita ang nakahilera n'yang koleksyon. 

Kasama rin sa ibinida ang Laguna-based actor ang kanilang alagang aso na sina Chichi, Globie, Butchoy, at Maxi.

May mangilan-ngilan ding pumansin sa mukha ng binata. Maliban kasi sa dimples nya, tumutubong balbas at bigote ay tila tinubuan din ng mga pimples si Alden. 

Paliwanag n'ya, nasira umano ng umiiral na enhanced community quaratine ang kanyang body clock at sleeping pattern dahil sa mga online games. 

Kwento pa n'ya, pinakamaaga na ang 1:30 AM kung siya ay makatulog at pinaka-late naman ay alas kwatro na ng madaling araw.

At dahil dinagsa ng shoutout requests at questions ang aktor mula sa kanyang mga fans, game n'yang sinagot ang ilan sa mga ito.

Pati ang ulam ng aktor that day ay inusisa ng fans. Natatawang sumagot ang aktor at sinabing, "Hindi ko pa alam. 'Di pa nache-check [mapuputol ang IG live kung pupuntahan ko] kasi walang signal sa kusina."

May nagtanong din kung magkakaroon ba ng follow-up movie project ang actor sa Star Cinema after the success of Hello, Love, Goodbye (HLG) kung saan nakatambal n'ya ang isa sa hottest Kapamilya stars na si Kathryn Bernardo.

"'Di ko pa sure," tugon ng Kapuso actor.

To date, ang HLG ang may hawak sa no.1 spot of highest grossing Filipino movie of all time. 

Sinubukan namang kumpirmahin ng ilan kung totoo nga bang magre-resume na ang GMA Network sa mga productions at tapings nito sa May 1. Bago kasi suspendehin ang mga TV productions due to coronavirus disease outbreak, gumaganap na host si Alden sa Kapuso talent competition na Centerstage.

"Medyo mahirap," sagot n'ya. "Masyado pang maaga. Sa production kasi kinakailangan ng maraming tao. Hindi maiiwasan ang physical contact. If ever, [baka] minimal workforce [lang]. I really can't say. It's still GMA's decision."

Natanong din ng fans kung paano na ang inihahandang celebration ni Alden sa nalalapit n'yang 10th anniversary of being in show business. February pa lang kasi ay na-announce na ng aktor ang upcoming event.

"It will not happen in July," may lungkot na tugon ng Asia's Multimedia Star. "Even ma-lift ang ECQ, mass gatherings are still banned."

Sinabi na ng aktor na antabayan na lamang ang update tungkol dito.

May mga na-curious din kung ano ano ang mga series na pinapanood ni Alden sa Netflix ngayong pahinga muna s'ya sa work.

Sinusubaybayan n'ya rae ang Chinsese series na The King’s Avatar dahil tila nahahawig ito sa online games na kinahihiligan n'ya. Natapos na diumano n'ya ang sikat na Money Heist na tinawag n'yang isa sa kanyang paborito. On-going pa rin daw s'ya sa panonood ng American psychological thriller series You at Korean drama series na Arthdal Chronicles.

Kaya naman may mga fans na nag-suggest na isama n'ya sa watchlist ang Crash Landing on You na kinababaliwan ng maraming celebrities gaya niya.

"Sige, kapag may time," tugon ng aktor.

Ilan pa sa mga naitanong ay kung gaano ba karami ang kanyang white shirts, at walang pag-aatubili na ipinakita n'ya ang laman ng kanyang closet na puno nga ng mga white shirts at hindi pa nabubuksan ang iba! 

Someone also brought up about the invitation Alden received from the Philippine Air Force. Last week kasi ay napaulat na nakatanggap ang aktor at ang Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Angel Locsin ng imbitasyon mula sa PAF para maging reservists dahil sa kanilang mga charitable effeorts. 

“I'm really considering to be part of [the PAF]... It's a way of being part of people na really concerned sa Pilipinas. [Bale] inaayos na po."

May ilan ding nagtanong kung maglalabas na din ba s'ya ng vlog once matapos ang COVID-19 pandemic.

"Oo eh," tugon n'ya. "I've talked to a team already kaso nagka-lockdown. Hindi ako marunong mag-edit. Hindi ako marunong mag-video. Pero konting push pa gagawin ko na. Sige, try natin yan."

At dahil uso ang TikTok among celebrities, natanong din ng fans kung gagawa na rin ba si Alden ng mga TikTok videos gaya ng kanyang friends na sina Rodjun Cruz at Jerald Napoles.

Sagot n'ya, "Bigay ko na lang sa tatay ko 'yon."

Though naaaliw daw s'yang panoorin ang creativity ng mga TikTokers....”Hindi ko talaga kaya mag-TikTok,” natatawang pag-amin niya.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.