Alden Richards, na-overwhelm sa pagpapa-tattoo ng isang female fan ng kanyang pangalan

PHOTOS: @aldenrichards02 on Instagram & @aprilann.suayan on Facebook

PHOTOS: @aldenrichards02 on Instagram & @aprilann.suayan on Facebook

Nautal si Kapuso actor-TV host Alden Richards nang malaman na may isa s’yang avid fan na nagpa-tattoo ng kanyang pangalan sa braso nito. 

Nag-guest kasi ang Asia’s Multimedia Star sa GMA-7 morning show na Mars Pa More na ipinalabas noong Lunes, April 5. Dito, sumalang si Alden sa challenge ng pagde-decorate ng cake habang sumasagot sa ilang tweet ng kanyang loyal fans and supporters.

Naka-break sa taping ng hino-host n’yang singing contest na Centerstage si Alden nang sumabak s’ya sa cake decorating challenge na tinawag na “Alden’s Sweet For Your Tweets.”

Habang busy sa kanyang ginagawa, sinasagot n’ya ang mga tweets ng kanyang mga tagasuporta. 

Isa na dito ang fan na nagpakilalang Marinela Lucero na umamin na gumawa daw ng Twitter account para i-follow si Alden. Humiling din ito na sana ay mapansin s’ya ng aktor. Ginawa na daw kasi n’ya ang lahat para makuha ang atensyon ng iniidolong artista. 

Grabe naman, Marinela Lucero,” komento ng celebrity heartthrob. “Pasensya ka na hindi talaga ako mabasa ng tweets lately pero minsan nagkakaroon din ng chance. So, shoutout sa’yo.

Natanong naman ng fan na si Jhaye Mumay kung ano ba ang nami-miss ni Alden sa kanyang mga fans. Miss na daw kasi nila ang aktor na muling maka-bonding. 

Hindi ko itatago ‘yon. Kilala ko sa personal ‘yan,” sagot ng GMA Network prized star. “Hoy, Jhaye, miss ko na kayong lahat.

Pag-amin pa n’ya, nami-miss daw talaga n’ya ang pagdalo sa mga gatherings na ino-organize ng kanyang mga fans noon. Pero natigil nga kasi ang mga ganitong event dahil sa COVID-19 pandemic. 

“Actually, ang nami-miss ko talaga lately ‘yong mga fan gatherings,” aniya. “S’yempre, social gathering s’ya, e. Public gathering s’ya so pinagbawal s’ya ng government. 

Ginagawa ko kasi ‘yon regularly [before],” pagpapatuloy pa ni Alden. “Iba kasi ‘yong may personal connection ka sa fans mo, e. Hindi ka lang nila sinusuportahan because of being a fan. Sinusuportahan ka nila because they really know you personally.”

Nagpasalamat naman ang supporter na si Ellen Yen sa aktor na s’yang source daw ng kanyang happiness and inspiration. 

“I’m very happy for that,” tugon naman ni Alden. “Thank you for inspiring me also.”

Dagdag pa n’ya, “Ayon nga ‘yong lagi kong sinasabi pag may mga interview tayo d’yan sa tabi-tabi. As much as nai-inspire ko kayo, you inspire me as well, too, you know, para magtuloy-tuloy lang sa laban natin sa buhay.

Nautal naman si Alden sa pahayag ng isang fan na nagpakilalang si April Ann Suayan na ipina-tattoo ang kanyang pangalan sa braso nito noong nakaraang taon dahil sa labis daw na pagmamahal sa kanya. 

Grabe naman ‘to,” naiusal ni Alden sa kanyang nakita. “April, thank you. Sobrang thank you.”

At sa puntong ito medyo nautal ang aktor na aminadong nahiya, and at the same time, overwhelmed sa ginawa ng kanyang tagahanga. 

“But… minsan talaga pag… Nahihiya kasi ako pag ganito, e. Parang wala akong… Speechless ako. Sobrang speechless. Thank you,” nauutal na sey ni Alden.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Producers ng Alden Richards-Bea Alonzo movie assure: hindi lang ito worth the wait, worth your money din

Gabbi Garcia sa pagpapalipat niya kay Alden Richards sa tabi ni Julie Anne San Jose: “Wala pong nag-utos... Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

Fans ng AlDub, kinilig sa sagutan nila Maine Mendoza at Alden Richards sa Instagram

Pika's Pick: Alden Richards flexes his new toy—a huge X-men collectible piece

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.