Alden Richards, nagpahakot ng mga personal wardrobe sa Laguna para gamitin sa Start Up PH

Hindi na ikinaila ni Alden Richards ang kumalat na tsikang personal niyang gamit ang mga makikita sa Start Up PH, especially daw sa mga shits ng closet ni Good Boy. Siya daw mismo ang nag-offer at na-approve naman. “Pinahakot ko po ang gamit ko sa Laguna at ’yung ibang gamit ko po dito sa Manila para maging maganda ang itsura ng closet ni Good Boy,” natatawang saad niya. “S’yempre, sa original shot, meron tayong nakitang closet shot ni Good Boy. So, medyo nilagpasan natin ’yon nang konti lang.”

Photos: @aldenrichards02

Hindi na ikinaila ni Alden Richards ang kumalat na tsikang personal niyang gamit ang mga makikita sa Start Up PH, especially daw sa mga shits ng closet ni Good Boy. Siya daw mismo ang nag-offer at na-approve naman. “Pinahakot ko po ang gamit ko sa Laguna at ’yung ibang gamit ko po dito sa Manila para maging maganda ang itsura ng closet ni Good Boy,” natatawang saad niya. “S’yempre, sa original shot, meron tayong nakitang closet shot ni Good Boy. So, medyo nilagpasan natin ’yon nang konti lang.”

Marami na ring nagampanang karakter, especially sa TV, ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa labing-isang taon niya bilang actor. Hindi rin matatawaran bida siya sa halos lahat ng serye na ginawa niya sa GMA-7.

At isa na namang bigating role ang dadagdag sa kanyang listahan. Ito ang ay gagampanan niya sa local adaptation ng Korean hit na Start-Up, na nag-press conference lang kamakailan.

Pero natanong namin si Alden kung na-challenge pa ba siya sa karakter ni Good Boy/Tristan (ang kanyang role) gayung may mabibigat pa siyang nagampanan kumpara dito.

“Of course naman po na in every project, gusto natin na nagpo-progress tayo at nakakagawa tayo ng something new. And I also take that into consideration,” saad niya.

“Kasi kami po, s’yempre, napanood naman natin ang Korean version,” dagdag ni Alden. “’Yung pagkakalatag po ng istorya is very different sa gagawin po natin sa Filipino version.

“Ang maganda rin po, na-appreciate ko rin po sa ginawa ng creatives natin, mas pinalalim po ’yung character ni Good Boy rito. Na hindi lang in passing ‘yung mga detalye na hindi natin nakita sa Korean version.

“So, mas binigyang emphasis po ’yun and that’s the reason kung bakit mas reasonable ang lahat ng ginagawa ni Good Boy no’ng lumaki na siya at mas malalim po ang hugot.”

Hindi itinago ni Alden ang kasiyahan sa nalaman niyang komento sa kanya ni Direk Jerry Sineneng, isa sa mga directors ng Start-Up Ph bukod kay Direk Dominic Zapata.

Unang beses pa lang na makaka-trabaho ni Alden si Direk Jerry, na galing ABS-CBN, at sa nakaraang zoom mediacon ng mga director ng Start-Up Ph, nasabi ni Direk Jerry na mas lalo raw itong naging fan ni Alden dahil may “magic” daw pala ito talaga.

“Actually, pinanood ko ng limang beses ’yon [sinabi niya], paulit-ulit,” natatawang pakli ni Alden. “Direk Jerry is a very sincere person. 

“Since nakilala ko po siya at naka-trabaho ko po siya until today. And nakakatuwa po na nakakakuha tayo ng gano’ng klaseng compliments. S’yempre sa isang batikang director and at the same time, naa-appreciate niya po ang ginagawa ko sa set.

“’Yun nga po, whenever I work with someone or sa mga bagong tao, wala naman po akong pinapakitang superficial sa personality ko. Kung ano po ako since Day One, ganon’n pa rin ako hanggang ngayon.

“Tumatanda na nga lang po, pero gano’n pa rin po ako sa mga katrabaho ko. And I value them, I give them my affection, my hard work. Kasi naniniwala po ako na ang success ng isang proyekto ay success ng lahat. Kaya ang maibibigay ko lang po sa kanila kapalit ng pagod nila ay pasayahin ko po ang set, pasayahin ko po sila.”

Unang pagtatambal din nila ni Bea Alonzo ang Start-Up Ph.

At ngayong kasalukuyan na nila itong ginagawa, masasabi ba niya sa sarili na ito nga ang perfect o tamang proyekto sa una nilang pagsasama?

“Parang po, yes,” mabilis niyang sagot.

“Parang it’s also a nice way to launch our first team-up sa isang serye. And magaling naman ang pagganap ni Miss Bea sa role sa niya as Dani.

“Actually, nasa kalahati na po kami or we’re almost done sa pag-film po ng Start-Up. Nakikita ko po ang mga eksena, tinatahi-tahi ko na po siya sa isip ko.

“Sabi ko, I think, this is the right project for our launch. So happy po ako with this project.”

Bukod sa aabangang unang pagtatambal nila ni Bea, ang mga eksena nila ng actress-director na si Gina Alajar ang isa rin sa mga inabangan dahil ang mag-lola scenes sa Korean version ang talagang nag-marka rin sa mga manonood.

At sabi nga ni Alden: “Feeling ko, after this project, bitin ako kay Direk Gina. 

“I mean, sobrang sarap niyang ka-eksena. I know that she has been in the industry for the longest time and she has this certain comfort na binibigay sa akin na hindi niya alam. 

“May nabibigay kasi siyang comfort sa akin in every scene that we do. And mas marami akong naibibigay na emotion and mga bonus reaction. So sana, this won’t be the last. Sana mabigyan pa ko ng opportunity to work with her sa future projects. Kung hindi man movies, something original. Ang sarap niyang ka-eksena.”

Sa huli, hindi itinanggi ni Alden na ang mga makikita palang mga damit sa walk-in closet ng karakter niya bilang si Tristan ay personal na mga damit niyang talaga.

“Hindi naman sa dala ko, pero s’yempre, ’yung inputs na binibigay ko po sa show is more than what I have to do,” paliwanag niya.

“Kumbaga, lumalabas po ako sa boundaries ko bilang actor to really make this project perfect para sa mga manonood.

 “S’yempre, set-up, set-up, nakita ko ’yung magiging closet ni Good Boy. Then, nag-offer ako, kung gusto n’yo po, personal things ko na lang ang gamitin para mapuno po natin ’yan. 

“Pumayag naman po silang lahat so, hindi muna kinunan ’yung scene na ’yon on that day. Tinabi muna namin mai-shoot siya the next day or next taping.”

“So ,’yun po, pinahakot ko po ang gamit ko sa Laguna at ’yung ibang gamit ko po dito sa Manila para maging maganda ang itsura ng closet ni Good Boy,” natatawang dagdag niya.

“S’yempre, sa original shot, meron tayong nakitang closet shot ni Good Boy. So, medyo nilagpasan natin ’yon nang konti lang.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

SPARKADA boys Anjay Anson, Jeff Moses, at Larkin Castor, inspired kay Alden Richards

Alden Richards, naghahanap ng blood donors para sa kanyang Lolo Danny

Sparkle GMA Artist Center, handang kasuhan ang gumawa at nagpakalat—at magpapakalat—ng fake nude photo ni Alden Richards

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.