Alden, tinangging may "something" sila ni Andrea Torres

PHOTOS: SCREENGRAB FROM ALDUB MANY VIDEOS HD & GMA-7 (VICTOR MAGTANGGOL) & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS: SCREENGRAB FROM ALDUB MANY VIDEOS HD & GMA-7 (VICTOR MAGTANGGOL) & VIDEO: Anna Pingol

Pinabulaanan ni Kapuso prime talent Alden Richards na may lihim na namamagitan sa kanila ni Andrea Torres, na isa sa mga naging female co-stars niya sa Victor Magtanggol na nagtapos noong November. May kaugnayan pa rin ang tanong regarding Andrea sa panghihingi ng members of the press ng update sa buhay pag-ibig ni Alden.

 

May mga kumalat kasing videos at pictures nila online kung saan kitang nasa “sweet” sila. Pero malinaw naman na ang mga akto nilang iyo ay bahagi ng isang parlor game na uso kapag panahon ng mga Chrismas parties.

 

May pagka-“pisikal” daw ang game at inalalayan lang naman daw niya si Andrea noong ibalik na nito ang sapatos sa mga paa nito.

 

Bagama’t hindi naman itinatanggi ni Alden na naging close siya kay Andrea. Pero hindi daw ito isolated case dahil lahat naman ng naging bahagi ng Victor Magtanggol ay naka-close niya. Nagkataon lang daw na noong birthday celebration niya kamakailan na ginanap sa co-owned niyang Concha’s Restaurant sa Morato, Quezon City ay si Andrea lang at si Dion Ignacio lang ang nakarating dahil pawang mga nasa Christmas vacation pa ang karamihan sa mga co-stars na imbitado.

 

Matatag na “hindi” at “wala” ang mga sagot ni Alden sa mga tanong sa kanya about Andrea. Ang mini group interbyuhan ay naganap minutes after ng kanyang pa-belated Christmas party for the entertainment press na ginanap pa rin sa  Concha’s Morato noong January 6.

 

Here’s the excerpt of that interview:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.