AlDub tandem, tinitilian pa din

AlDub tandem, tinitilian pa din

Ang lakas ng tilian ng mga AlDub (Alden Richards and Maine “Yaya Dub” Mendoza) fans sa studio ng Eat Bulaga! nang saglit na magsama sa isang eksena ng short horror-comedy TV-film na “Pamana” ang dalawa. The said short film ay ekslusibong ipinalabas sa huling bahagi ng live show ng Eat Bulaga! noong July 28, 2018, bilang bahagi ng 39th anniversary celebration ng show na tinatawag nilang Eat Bulaga! Version 4.0.

Sa eksena ay ipinakitang tumatakbong palabas ng gate ng isang mansyon si Maine, na gumanap bilang isa sa mga anak ng Pamilya Nunal, at mababangga nito ang paparating na magtataho na ginampanan naman ni Alden. Nang maganap ang banggaan, nasaksihan ng PikaPika kung paanong saglit na yumanig ang Broadway Centrum studio sa malakas na tilian at padyakan ng mga nasa live audience.

Halatang sabik ang AlDub or MaiDen fans sa mga manaka-naka nalang na pagsasama sa screen ng kanilang mga idolo. Mapapansin kasing naka-focus muna sa kanilang mga solo careers sina Alden at Maine at limitado na ang kanilang mga together moments sa Eat Bulaga!

Ilang araw matapos ang saglit na pagsasama ng AlDub sa “Pamana,” na by the way ay directorial debut ni Jose Manalo, ay inilabas naman ng isang fastfood chain ang bagong version ng kanilang TV commercial featuring them as AlDub. Ang move na ito ay nagpa-aktibong muli sa mga loyal at sincere na AlDub fans na masayang nagpahayag ng kanilang pagka-kilig at pananabik na makitang magkasamang muli sina Alden at Maine sa mga eksena through their social media accounts.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.